Year 1999 HINDI ALINTANA ni Love kung pababa man ang daan patungo sa bahay nila. Tumatakbo siyang umuwi habang iwinawagaygay sa kamay ang papel na may markang one hundred. “Mama! Mama!” excited na tawag niya. “May one hundred uli ako!” “Nandito ako sa likod,” malakas sa sagot ni Lerma. Tinawid niya ang magkadugtong na sala at kusina nila. “Mama, tingnan mo. One hundred!” hindi matatawaran ang tuwa sa tinig niya. Ibinaba ni Lerma ang hawak na paso at inabot ang papel na ipinagmamalaki niya. Awtomatiko ang pagguhit ng malapad na ngiti sa mga labi nito. “Ang galing-galing ng anak ko. Kaya first honor ka lagi, eh.” Niyakap siya nito. “Naku, Love, basa ka ng pawis. Ibaba mo na iyang mga gamit mo at magpalit ka ng damit. Nagluto ako ng maruya. Magmeryenda ka na tuloy.” “Akala ko, banana qu

