DAGSA ang tao sa maliit na bahay nila nang iburol doon ang labi ni Lerma. Lahat ng kapitbahay nila maging hindi na niya kilala ay tumutunghay sa kabaong nito. Lahat ng teachers, pati principal sa pinapasukan niyang eskuwelahan ay dumalaw din. Bawat nakikiramay ay nagpapaabot din ng lubos na pag-aalala para kay Love. At sa buong sandaling iyon ay nasa tabi naman niya ang papa niya. “Napakabilis talaga ng pangyayari, ano. Akalain mo bang madami palang sakit si Lerma,” komento ng isang nakikiramay. “Ang masakit nga diyan, hindi naman iyong pulmonya o ulcer ang ikinamatay niya. Bigla na lang daw inatake sa puso habang ginagamot,” sabi ng isa pa. “Kay bata pa ni Lerma. Lampas pa lang treinta.” “Kawawa nga si Love. Paano na kaya ang anak niya?” Sa edad niyang sampu, parang hindi niya kayang

