NAPANGIWI si Yu nang ang unang reaksiyon ni Rob—pagdating nito sa Diamond Records ay tumingin sa kanya, umiling at pumalatak. Patunay na alam na nito ang nangyari sa kanya bago pa man makarating doon si Rob. “I knew this would happen,” sabi pa nito. “Palampasin mo na ito, Rob. Yu deserves to be happy with someone she loves too,” pagtatanggol ni Stephanie sa kanya. Sumang-ayon din sina Ginny, Anje, Carli, at Cham. Tumingin si Rob kay Yu kaya napangiwi siya. “Naayos naman niya ang problema kanina. Mukha namang tinanggap ng press ang paliwanag niya,” sabi nya. Bumuntong-hininga si Rob. “Well, if you say so. Anyway, I don’t have any reason to be strict anymore because of the revised contract you have with the company. Management has already allowed you to get married so I have no right to

