ALAM ni Matteo na hindi palalampasin ng kanyang ama kapag may ginawa siyang makasisira sa pangalan ng mga de Claro. Sa katunayan, kahapon pa niya hinihintay ang tawag nito. Pero sa halip na tumawag ay personal itong nagpunta sa Pilipinas. At isa lang ang ibig sabihin niyon—mas galit ang kanyang ama kaysa una niyang naisip. May mangilan-ngilan pa ring mga reporter sa labas ng building ng kompanya nila nang dumating si Matteo roon. Pero hindi na niya in-entertain ang mga reporter dahil nasabi na niya ang gusto niyang sabihin. Wala nang balak si Matteo i-expose ang personal niyang buhay higit pa sa kanyang nasabi. “Mr. de Claro!” humahangos na tawag sa kanya ni Sanchez pagpasok na pagpasok pa lang niya sa building. Nakikita ni Matteo ang tensiyon hindi lang sa mukha nito kundi maging sa la

