“Kasalanan ko rin na pinatagal ko pa ang lahat kahit alam kong umpisa pa lang hindi magwo-work out ang relasyon namin. Wala kaming chemistry. Ni hindi niya ako mahal at hindi ko rin siya mahal. What we have is a marriage imposed on us by our parents for business. Ang gusto lang niya sa akin ay ang apelyido ko at ang katayuan sa alta-sosyedad na makukuha niya bilang asawa ko. And of course, the money she uses to travel around the world and buy all the luxuries she wants. She has even had affairs with so many men, I’ve already lost count,” patuloy nito. Napamaang siya kay Matt. “Niloloko ka niya?” Hindi maintindihan ni Yu ang babaeng gagawa ng ganoon kay Matt. Kung siya ang nasa katayuan ng babae, gagawin niya ang lahat para mapasaya si Matt. Wala siyang ibang makikitang lalaki kung hind

