CHAPTER 30

1475 Words

TINOTOO ni Matt ang sinabi nito na wala itong pakialam kahit na maraming reporters sa labas ng Diamond Records. Wala pang isang oras pagkatapos tawagan si Yu ay tinawag na ng security personnel si Rick para sabihing nagkakagulo ang mga reporter sa labas sa pagdating ng isang sasakyan. Mayamaya lang ay muling sumungaw si Rick sa opisina kung nasaan silang magkakaibigan at bahagyang ngumiti. “He’s here,” sabi ni Rick. Pagkatapos ay umisod ito at nakita ni Yu si Matt na nakatayo di-kalayuan kay Rick. Napatayo si Yu at muntik nang tumakbo palapit kay Matt. Pero nang magtama ang mga mata nila ay marahan siyang naglakad palapit kay Matt. Lumobo ang kanyang puso nang maglakad ito para salubungin siya. Nang ilang hakbang na lang ang layo nila sa isa’t isa ay inilahad ni Matt ang kamay para kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD