Speaking of kaligtasan, bakit wala akong napansing mga bodyguard na kasama namin? Hindi ko rin maalalang may nakasunod kanina sa sinasakyan namin kaninang paglabas namin ng gate. "Sir, okay lang bang umaalis kayo nang walang kasamang security team?" hindi ko mapigilang tanong. Kay Sir Mhilo ako nagtatanong dahil mukhang mas approachable naman ito kaysa rito kay Sir Coco na parang bloke ng ice na katabi ko. Hindi naman ako nag-alala sa kalagayan nila, mas lamang na inaalala ko iyong sa'kin. Kung sila ay pwedeng lumabas nang walang bodyguard, ay hindi ako pwede at baka nakatunog na ang mga naghahanap sa'kin kung nasaan ako! Nagiging paranoid na ako kapag walang nakikitang security personnel sa paligid. May trauma na yata ako sa sunud-sunod na mga pagtatangka sa buhay ko. "We're just goin

