Kakaba-kaba akong bumalik sa mesang inukopa ko kanina habang pasimpleng hinihintay na makabalik si Sir Coco na iniwan ko na lang basta. Alumpihit ako sa kinauupuan nang may naglagay ng isang basong inumin sa harapan ko. "It's just a fruit shake," nakangiting pahayag ni Sir Orven na siyang nagdala no'ng inumin. "Thank you po, Sir," kimi kong pasasalamat dito. Nang mapansin ang ginawa ay maagap akong tumikhim ay bahagyang pinalalim ang boses nang muling nagsalita,"Wala po ba kayong sandwich na pwedeng ipares dito?" walang hiya-hiya kong tanong. Syempre medyo kumalam na itong sikmura ko dahil sa pinaghalong gutom at nerbyos kaya hindi na pwede iyong hiya-hiya. Mamaya ko na isipin iyon 'pag magkalaman na ito. Hindi naman natinag ang ngiting tinawag ni Sir Orven ang isang staff na nasa bar

