Hindi na ako kinakailangan pang ipakilala ni Tita Kikay sa dalawa niya pang mga anak na dalagita dahil nakilala ko na ang mga ito kanina, sa ikalawang asawa niya na lang ako pinakilala, kay Sir Kenzo na kamukhang-kamukha ni Sir Kiro. Pagkakita ko nga sa kanilang dalawa ay hindi ko masabi kung sino si Tito Kiro na una kong nakaharap sa opisina ni Sir Mhilo. Kagaya ni Tito Kiro ay magaan naman ang pagtanggap nito sa'kin, sinabi rin nitong nauna nang pinaalam sa kanila ni Lolo Felan ang pagdating ko. Maayos na natapos ang dinner. Wala akong masabi sa sarap ng pagkain, at sa unang pagkakataon mula nang nagulo ang buhay ko, nakakain ako nang maayos. Hindi dahil sa gutom dahil kahit kailan ay hindi ako nakulangan sa pagkain. Hindi rin dahil sa bagong putahe dahil sanay naman akong kainin an

