Ilang beses na huminga nang malalim si Zenna. Tinawagan siya ng kompanya kahapon para ipaalam sa kaniya ang interview ngayon na isasagawa mismo ng CEO ng La Fashionista, kaya naroon siya ngayon sa matayog na building ng nasabing kompanya.
Para siyang maiihi sa kaba. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay at sobrang lakas ng t***k ng kaniyang dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit siya ganoon ka-kabado.
God. Ngayon lamang siya nakaramdam ng ganitong nerbiyos. Siya na may malawak nang karanasan sa larangang ito ay tila natalo pa ng mga baguhan ang kaniyang self-confidence.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na ma-interview siya ng mismong CEO ng isang kompanya. Sa Italy noon, ang presidente ng Armines Clothing Line ang nag-interview sa kaniya. Kinaya nga niya iyon noon. Hindi siya kinabahan nang ganito.
"Ms. Lopez, pinapapasok na po kayo ni boss."
Napapitlag siya sa anunsiyo ng sekretarya ng CEO.
Kumatok muna ito ng tatlong beses bago binuksan ang saradong pinto. Gumilid ito upang bigyan siya ng daan at sumenyas na pumasok na siya.
She entered the room on trembling, cold feet. Pigil ang hininga niya nang masilayan ang likod ng lalaking nakatanaw sa labas ng malaking glass window. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang magsalita ito.
"You may sit down, Ms. Lopez," anito nang hindi man lang lumilingon sa kaniya.
Parang jelly ang mga paa niyang humakbang patungo sa couch na malapit sa office table.
His voice sent a shiver down her spine. Bakit parang narinig na niya ang boses na iyon? Cold, serious, deep, and powerful. Boses pa lamang ay nagsusumigaw na ng authority.
Maingat siyang umupo sa couch, hindi inaalis ang tingin sa likod ng lalaki na tila walang balak na harapin siya.
Does he intend to waste her time? Dahil ba boss ito ay puwede na nitong gawin ang kahit ano? Tulad ng paghintayin ang isang applicant kung kailan nito gustong simulan ang interview?
Ilang minuto pa ang lumipas at paulit-ulit na napatingin siya sa orasan sa dingding. Bawat galaw ng kamay nito ay tila binibilang niya. Kung hindi lamang niya kailangan ang trabaho, baka kanina pa siya umalis sa opisinang iyon.
"Zenna Marianette Asuncion Lopez."
Muli ay napako ang mga mata niya sa likod ng lalaki. Her eyebrows furrowed. *Was that a question?* She doubted it.
Bago pa siya makapagsalita, dahan-dahang humarap ang lalaki.
Animo’y tumigil ang pagpitik ng orasan, kasabay ng paghinto ng kaniyang paghinga nang masilayan ang mukha ng CEO.
The man she never expected to see again was right in front of her—carrying that same authoritative, dominant Tuscan air.
Parang nalaglag ang puso niya sa mga sandaling iyon. Hindi niya akalaing makikita pa itong muli. At lalong hindi niya inasahang ito ang CEO ng La Fashionista. *What the heck?!*
Pumikit siya nang mariin, pilit kinukumbinsi ang sarili. *This can’t be.* Hindi ito ang CEO ng La Fashionista.
Ngunit isang mababang tawa ang nagpamulat sa kaniya.
Doon lamang tuluyang tumimo sa isip niya ang katotohanan. The man she never expected to see again was standing right in front of her—wearing an arrogant, serious expression, yet still looking dangerously handsome.
"Matthew," she weakly muttered, her voice trembling as she stood up.
"Did I surprise you, Mari… I mean, Zenna?"
He said it sarcastically. The anger was evident in his deep blue eyes.
Napalunok siya. Nanuyo ang kaniyang lalamunan.
"You suddenly turned pale. Why? Did I shock you that much?" He smirked as he slowly walked toward her.
The room was large, but it suddenly felt suffocating. Hindi niya alam ang gagawin—tatakbo ba siya palabas o haharapin ito at magpapanggap na hindi niya ito kilala?
Ngunit bago pa siya makapagdesisyon—
"You look like someone who committed a crime and ran away," he said sarcastically.
She stiffened.
"I-I'm surprised, Señor. I didn’t know you were the CEO. H-how have you been?"
Kinagat niya ang dila dahil sa pagkautal. *Idiota.*
A mocking laugh escaped his lips.
"Drop the formality, honey. Why don't you call me Matt instead, the way you called me under the moonlight one night in Viareggio?"
"Look, Mr. CEO, nagpunta ako rito para mag-apply ng trabaho, hindi para ungkatin ang nakaraan. Two years was long enough to bury all memories of our one-night stand, Matthew." She lied, of course. Hindi naman talaga niya naibaon ang alaala ng isang gabing nakasama niya ang lalaki sa Florence. Liban kay Nate na isang buhay na alaala ng gabing iyon, lagi rin iyong laman ng kaniyang mga panaginip.
"Bury, huh? Nice game, woman. Magaling kang maglaro. You bewitched me and ran off. f**k you, Zenna."
"Ano ba'ng ikinagagalit mo, Matthew? Isang one-night stand lang ang namagitan sa atin. Ikaw ang lalaki, pero bakit ikaw pa ang umaastang nawalan?"
Tuluyan na siyang nawalan ng pagtitimpi. This man is driving her mad.
"I wish you were the one chasing me. But why wouldn’t you, huh, Zenna? Is it because what happened between us meant nothing to you? What else should I expect, right? You were more than willing when you gave me your V-card," he said mockingly.
Walang halaga? E, sa kaniya, may halaga ba?
She clenched her fists. Konti na lang at baka makalmot na niya ang guwapong mukha ng lalaking ito. He will regret insulting her—sisiguraduhin niya iyon.
"Nagkataon lang na ikaw ang naroon. If I could turn back time, I would’ve found someone else to give my virginity to. I would never choose someone as arrogant as you, Mr. CEO." Damn you, Zenna, for spouting another lie. Siyempre lihim niyang sinisita ang sarili sa mga pinagsasabi. Hinding-hindi niya pagsisisihang si Matthew ang lalaking pinag-alayan niya ng kaniyang sarili. Kung hindi ito, baka walang Nathaniel ngayon sa buhay niya.
Gumalaw ang panga nito habang galit na nakatitig sa kaniya. "So I’m lucky I was the one who scratched your itch."
Halos matumba siya sa sofa nang mabilis na humakbang si Matthew patungo sa kaniya. Marahas siya nitong hinila, dahilan para sumubsob siya sa matipunong dibdib nito. Ikinulong siya sa mga bisig kaya hindi siya makagalaw. The scent of his expensive, masculine perfume assaulted her senses. Naliyo siya. Parang kailan lang—parang kahapon lang—nang maramdaman niya iyon habang nakakulong siya sa mga bisig nito. Gumuhit ang kakaibang init sa kaniyang tiyan. Pero hindi siya puwedeng magpaalipin sa damdaming iyon. Iba noon, iba ngayon.
Nagpumiglas siya, pero para lang manigas nang maramdaman ang pangahas nitong kamay sa kaniyang pang-upo. Marahas ang paghaplos na ginawa nito sa magkabilang bahagi bago gumapang paakyat sa kaniyang batok. His touch sent a shiver down her spine. Para siyang jelly na nalulusaw sa mga kamay nito.
"You did take something from me, Zenna. Have you forgotten, honey? You stole millions of my sperm that night, and I wonder... did we make good genes?"
A hard object pressed against her belly, and when she realized what it was, she quickly pushed him away by the chest. Nanlalaki ang mga matang tumitig siya rito, pero hindi siya nakatagal. He was devilishly smiling at her while staring at her reddened face.
He was right. May ninakaw siya rito. At kung malaman kaya nito na nabuhay ang isa sa mga sperm na ninakaw niya, he would surely wring her beautiful neck.
Pero anuman ang mangyari, hinding-hindi niya ipapaalam na nagkaanak sila. Ayaw niyang magulo ang simpleng buhay na mayroon sila ni Nate.
"Huwag kang mag-alala, Mr. Ricaforte. Wala kang pananagutan sa akin, kung iyon ang iniisip mo."
"Now, can we get down to business, Ms. Lopez?"
Pormal na ang anyo nito matapos siyang suyurin ng makamundong tingin mula ulo hanggang paa.
Ang bilis nitong mag-move on. Ilang segundo lang at umaasta na itong parang walang namagitang tensyon sa kanila. Samantalang hindi pa humuhupa ang nagwawala niyang puso. It was still beating erratically. Damn it. Hawakan lang siya nito, nauupos na siya.
"You don't need to work in my company. I will give you another job that suits you better."
"Pardon?"
"Live with me. I’ll pay you well, Zenna. Just live with me."
"Are you f*****g kidding me?"
"I'm serious."
"Then damn you! Hindi iyan mangyayari!"
"Try me," naghahamong saad nito.
"Ayaw ko! I have my own house!"
Damn it, hindi puwede ang sinasabi nito. Paano si Nathaniel kung ganoon ang gusto nitong trabaho niya?
"I don’t take no for an answer, Zenna. At huwag kang magkakamaling takasan ulit ako kung ayaw mong gumapang sa lupa na parang pobreng daga!" banta nito na nagpainit ng ulo ng dalaga.
"Who are you to tell me what to do?!" Hindi niya napigilan ang galit at dinuro niya ang lalaki. Hell! Who cares if he's the CEO? "Remember this, Mr. Ricaforte—I don’t take orders from anyone, especially not from you. I won’t accept your filthy offer even if I were dirt poor! I hope this is the last time we ever see each other. Goodbye!"
Agad na siyang tumalikod, pero malakas siya nitong hinila sa braso. Sa lakas ng hatak nito, muli siyang sumalpok sa dibdib nito.
"Not so fast, Zenna. I’m not done yet," matigas nitong wika.
"Try me, Ms. Lopez, at sisiguruhin kong paglabas mo ng gusaling ito, you will regret it. Dahil pag-apak mo pa lang sa pintuan ng kompanyang a-apply-an mo, rejected ka na. I will make sure that no one hires your damn ass—except me. You will work for me, Zenna, whether you like it or not."
"You bastard!"
"Yeah, right. Why don’t you try this bastard, Zenna?" Ngumisi ito na parang nagtagumpay, pero banaag ang galit sa asul nitong mga mata habang nakikipagsukatan ng titig sa kaniya.
***
Hindi niya alam kung paano siya nakauwi. Lutang ang isip niya pagkalabas ng La Fashionista building. Pagkabukas pa lamang ng pinto ay agad siyang sinalubong ng yakap ng anak. Hapong-hapo niya itong kinarga at hinalikan sa magkabilang pisngi.
"Did you miss me, Mommy?"
"Of course, darling. I missed you the whole day."
"I missed you too."
Dinampian siya nito ng halik sa labi bago naghanap ng pasalubong.
"Toy? Aeoplane?"
Dahil bata pa, utal pa nitong bigkasin ang "r."
Matagal na itong inuungot ng anak, pero hindi pa siya nakabili. Balak niyang isama ito sa toy shop kapag nakahanap na siya ng trabaho. Kailangan muna niyang unahin ang ibang pangangailangan sa bahay.
"Oh, sorry, darling. Mommy wasn’t able to go to the toy shop today. On Sunday, after we go to church, we’ll buy an aeroplane."
"Pwamis, 'My?"
"Promise, darling." Muli niya itong hinagkan at inilapag sa sahig.
Paborito ni Nathaniel ang eroplanong laruan. Hindi na ito maalis sa harap ng TV kapag palabas ang *Planes*.
Ito na talaga ang pampatanggal-stress niya. Isang halik lang ng anak, nawawala na ang pagod niya.
Muli niyang naalala ang nangyari kanina. Ang galit at nagbabantang mukha ni Matthew. Ang offer nito. No. Kahit maubos ang savings niya, hindi niya tatanggapin ang alok nito. Para saan? Para maging parausan nito?
May sinabi ba itong ganoon kanina? nang-uuyam na tanong ng isip niya. Wala naman, pero ganoon na rin iyon. Malakas ang kutob niya. Bakit siya patitirahin sa bahay nito, hindi ba?
Bukas na bukas ay maghahanap ulit siya ng ibang kompanyang maa-apply-an. Kailangan niyang iwasan si Matthew. Hindi niya ibibigay ang gusto nito. She’s a mother now—hindi para ibahay lang at gawing kabit.
“Yeah, right. He wants her to be his mistress. Damn, Matthew. Didn’t he think she was just a gift at his stag party? He’s married now, so why is he still asking her to live in his house?”
***
HINDI mabilang kung ilang beses nang minura ni Zenna sa isip ang Matthew Sylvester Ricaforte na iyon. Walang dudang ito ang dahilan kaya walang ni isang kompanya ang tumanggap sa application niya. Totoo ang sinabi nitong pag-apak pa lamang niya sa pintuan ng kompanyang a-apply-an niya, rejected na siya. Kung ano-ano ang mga palusot ng mga receptionist na nakausap niya. Sa reception pa lang hindi na siya makalusot. Halata namang wala pang nakukuhang designer ang mga ito pero ang sagot sa kaniya’y “Sorry, ma’am, the position has already been filled.”
Kailangan niyang makapagtrabaho sa lalong madaling panahon, kung hindi ay mauubos na ang ipon niya. Sa harap ng La Fashionista building siya dinala ng mga paa. Mukhang wala na siyang pagpipilian. Naipluwensya ni Matthew ang lahat at mahihirapan siya kung magmamatigas pa siya—and worse, pati ang anak niya ay madadamay.
“Do you have an appointment with Mr. Ricaforte, ma’am?” tanong ng receptionist.
Umiling siya. “It’s a personal matter. Where is he?” Nagpupuyos ang kalooban niya at mukhang nahalata iyon ng receptionist.
“I’m sorry, ma’am, but you need to have—”
“She’s my brother’s fiancée, Mandy.” Isang baritonong tinig ang gumulat sa kanila. Kapwa sila napalingon sa lalaking kararating lang at tumabi sa kaniya. Naka-purong itim ito. Bakat ang matipuno nitong katawan sa fitted shirt na suot nito.
“Good afternoon, Sir Markus. I’m sorry—I didn’t know she’s Sir Matthew’s fiancée,” natatarantang paumanhin ng receptionist. Takot na baling sa kaniya kaya naman kahit alanganin ay nginitian pa rin niya. Wala naman itong dapat ihingi ng tawad. Ginagawa lang nito ang trabaho, at hindi naman totoong fiancée siya ng boss nito.
“Let’s go.” Hinila siya ng lalaki na parang ayaw siyang magreklamo pa.
Inalis lang nito ang pagkakahawak sa kaniyang braso nang nasa loob na sila ng lift. Iritadong binalingan niya ito, ngunit nagulat siya nang matalim siya nitong tiningnan.
“Another gold digger? What do you want from my brother?”
“What the hell are you talking about?”
“Excuse me?” taas-kilay niyang tanong.
“Let me guess—you’re going to ask him for money? Say he got you pregnant and demand support? Or were you sent by someone to seduce him?”
She clenched her fists as anger surged through her veins. Ngunit ngumisi lang ang aroganteng lalaki.
Bago pa siya makasagot ay bumukas na ang lift at lumabas na ang lalaki.
Hindi na siya kinuwestiyon ng secretary ni Matthew pagkakita sa kasama niya. Walang babalang hinila siya nito papasok sa opisina ng CEO.
“Matthew Sylvester—”
Salubong ang kilay nang mag-angat ng mukha ang abala sa mga papeles na lalaki. Saglit siyang pinasadahan ng tingin bago natutok ang mga mata sa kamay na mahigpit na nakahawak sa kaniya.
“Take your filthy hand off her, Markus!” Matthew glared at his brother.
Ngumisi si Markus bago siya binitiwan.
“So, you know this woman?”
“That’s none of your business. When did you arrive?”
“Just now. I only dropped by to check on you, but it seems I shouldn’t stay long. When are you going back to Italy?”
“I have no plans yet.”
“Tita asked me to convince you to come home.”
Tumiim ang bagang ni Matthew.
“Not as long as Rufus is there.”
“You mean our father, brother. Give them a chance. If it’s true love that brought them together, there’s nothing we can do.”
“Shut the f**k up, Markus! You’re the only child he acknowledges!”
Napaatras si Zenna sa lakas ng sigaw ni Matthew. Galit ang anyo nito habang nakikipagtagisan ng titig sa kapatid. Nagdalawang-isip siya kung lalabas o mananatili.
“Fool! You’re a Ricaforte, Matthew. That’s the name you’ve carried since the day you were born. Grow up, brother. You’re acting like a whining child.” Matigas ang anyo ni Markus na tinapunan siya ng tingin bago lumabas ng silid.