CHAPTER 2

1722 Words
**Two years later…** "Hello, my baby boy!" She leaned forward and planted a loud kiss on Nathaniel’s pouted lips. Ang guwapo talaga ng anak niya. Malusog at halatang magiging matikas na lalaki pagdating ng araw—katulad ng ama. Bigla siyang natigilan nang sumagi sa alaala niya ang mukha ng lalaking nakilala niya two years ago. His name was Matthew. Yeah, first name lang nito ang alam niya. And his face, of course. Sa pisikal, isa ito sa papangarapin ng tulad niyang lahi ni Eba. Hindi kailanman nawala sa isip niya ang mukha ng estrangherong iyon. Sa loob ng dalawang taon, she still remembers his very handsome face clearly. Ipinilig niya ang ulo para alisin sa isip ang mukha nito. Hindi na niya dapat iniisip ang lalaking Tuscan-Filipino. Kahit malaki ang naging bahagi nito sa buhay niya sa isang gabing pagtatagpo nila sa Viareggio, hindi na dapat balikan pa ang pangyayaring iyon. She was very thankful for that one night they had. Dahil dito, nagkaroon siya ng isang cute na anghel—si Nathaniel. At dahil kay Nathaniel, hindi natuloy ang plano ng mga magulang na ipakasal siya kay Robert. Ngayon, malaya na siya. But the consequences of her decision were not easy. Itinakwil siya ng mga magulang at pinalayas sa mansion. In the end, she stood on her own feet. Hindi naman iyon mahirap dahil nasanay siyang hindi umasa sa mga magulang niya. Sa loob ng tatlong taon niya sa Italy, tumayo siya sa sarili niyang mga paa. Lahat ng pangangailangan niya, siya ang nag-provide. She never asked for her parents’ help. Alam niyang kaya niyang itaguyod ang anak. May trabaho siya at maayos ang kinikita. May ipon siya mula sa pagtatrabaho sa Italy bilang designer sa Armines noon. Pero dahil sa pagbubuntis at sa pagtaguyod sa sarili nang mag-isa, kaunti na lang ang natitira sa savings niya. Kaya kinailangan niyang iwan ang anak sa araw para magtrabaho. Sa gabi na lang niya ito naaasikaso. She hired a nanny for her son so someone could take care of him while she was away. "Ate, magbihis po muna kayo para makakain na ng hapunan," ani Lilet, ang kinuha niyang tagapag-alaga ni Nathaniel. "Lilet, thank you sa pag-aasikaso kay Nate. Hayaan mo, kapag natanggap ako sa in-apply-an kong kompanya, tataasan ko ang sahod mo." Hindi pa ubos ang savings niya. Kung tutuusin, kaya na niyang taasan ang sahod ng dalagita, pero iniisip niya ang pangangailangan ng anak at mga emergency expenses. Last week, she submitted her resume to a big and well-known company—La Fashionista. Malapit lang iyon sa apartment nila. Walking distance ang La Fashionista Tower mula sa tinitirhan nila. Kung matanggap siya, hindi na siya mahihirapan sa biyahe at mas maaga siyang makakauwi para sa anak. "Naku, Ate, okay lang po kahit hindi ninyo taasan ang sahod ko. Malaki na po iyon para sa akin," sagot ni Lilet. Stowaway si Lilet. Natagpuan niya ito sa pantalan sa Cebu habang buntis siya ng pitong buwan. Naawa siya rito—gutom, madungis, at takot. Ayon sa dalagita, tumakas ito matapos muntik gahasain ng asawa ng tiyahin nito. Mabait si Lilet—mahiyain, pero masipag at mapagkakatiwalaan. Itinuring na niya itong kapamilya. Ito ang kasama niya nang manganak siya. Ito ang dumamay sa kanya noong itinakwil siya ng sariling pamilya. "You deserve the increase, Lilet. Malaking tulong ang pag-aalaga mo kay Nate. Kung wala ka, baka namumulubi na kaming mag-ina ngayon. I owe you a lot." Tipid na ngiti ang isinagot nito. "I love you, my baby." Hinalikan ni Zenna ang anak at inayos ang pagkakahiga nito sa kama. Humiga siya sa tabi nito, pinapatulog muna bago bumalik sa sarili niyang silid. "Myy… love you," bulol na sagot ng bata, sabay halik sa pisngi niya. Ngiting-ngiti siya habang minamasdan ang halos dalawang taong gulang na anak. Nathaniel was her everything—her world, her life. Simula nang dumating ito, nagkaroon siya ng lakas para ipaglaban ang sarili. Her parents wanted her to abort the baby when they found out she was pregnant. Pero matigas siyang tumanggi. She made that decision herself back in Florence. Ito ang pinili niya—ito ang gusto niya. Kaya bakit niya ipapa-abort ang anak niya? Naging matapang siya dahil may buhay siyang dinadala noon. Nangulila siya sa pamilya, pero nang dumating ang anak niya, napunan ang lahat ng kahungkagan. Naging makulay ang mundo niya. "You look like your dad, you know? You’ve got his eyes, nose, and lips, baby. You’re as handsome as him." Hinaplos niya ang mukha ng anak. "Dyy?" Napangiti siya. Pati kilay, namana rin. "Yes, baby. Your daddy." "Whey?" hirap pa rin itong bigkasin ang *r*. "He’s far away. He’s in Italy." "We go Italy, Myy? Nathaniel want Dyy!" Nagliwanag ang sea-blue nitong mga mata. He got his eye color from his father. He was the young version of Matthew. Naalala niya kung paano siya nahumaling sa mga matang iyon. She closed her eyes as she reminisced. That night, she didn’t sleep. He took her again and again. She lost her innocence on the sands of Viareggio. Sa ibabaw ng itim na jacket ni Matthew, she gave herself to him. "You sure you want it here? We can go to my suite if you’re not comfortable," wika ni Matthew. Kung may ibang tao at hindi madilim, malamang pumayag siya. But it was late, dark, and deserted. She wanted it to be memorable. She wanted to give her virginity to this stranger under the moonlight. The crashing waves would be their only witness. "No. I want it here. Wala namang ibang tao." Nasa dulong bahagi sila ng pampang, malapit sa kakahuyan. There was little chance anyone would see them. "As you wish." He smiled and kissed her deeply. He was a good kisser. She got lost when he bit her lower lip and slipped his tongue into her mouth. She gasped when he touched her, sending shivers through her body. Init ang kumalat sa buong pagkatao niya—desire, need, hunger. She moaned as his lips traveled downward, her body arching in response. Bigla niyang iwinaksi ang alaala. Hindi niya dapat binabalikan iyon. Dahil bawat alaala… may kasamang damdaming hindi niya kayang pangalanan. "We will visit your Ninang Candice on Christmas, baby. So yep, pupunta tayong Italy." "See, Dyy?" Hinaplos niya ang maliit na mukha ng anak. "No. Daddy is very busy, and Mommy doesn’t know where he lives," she said softly. Ngumuso ang bata, lungkot na lungkot. Parang kinurot ang puso niya sa itsura nito. *One day, he’ll understand.* "Sleep na para mabilis kang lumaki at matuwa ang Ninang Candice mo sa Pasko." Marahan niyang hinagod ang likod nito. "Good night, baby." She kissed his forehead. Ilang sandali pa’y mahimbing na ang tulog nito. Dahan-dahan siyang bumangon at lumabas ng silid. "Finally. Naabutan din kita dito sa opisina mo, you secretive bastard." Diretsong pumasok si Rael at pabagsak na umupo sa couch. "Call him that again and you’re dead, Israel." Si Ezikiel ay nakapuwesto sa single sofa, prenteng nakasandal habang nakatitig sa bagong dating na pinsan. "Oh, he won’t—if he still wants to know everything about that girl." "Is there any development, Rael?" Mula sa tambak na papeles na pinipirmahan, napatingin si Matthew. "Girl?" singit ni Kiel. "Si Matthew Sylvester, nagpaimbestiga dahil sa isang babae? Wow. Who is she?" "Her name is Mari," sagot ni Rael, hindi man lang tinitingnan si Matthew. "Mari who?" "Oh, that’s none of your business, Ezikiel. Pero kung gusto mo rin ng personal information, bayaran mo muna ako. I’m a high-paid detective, idiot." "Come on, cousin. I just want to know—who’s the girl behind Matthew’s called-off wedding with his ex-fiancée?" But everyone knows Israel Cameron Ricaforte—mukhang pera ito. Hindi ito maglalabas ng impormasyon nang walang kapalit. Matthew hired his cousin to investigate the woman he once met in Florence. Walang discount si Rael kahit magpinsan sila. Malaki ang siningil nito, at binayaran niya iyon nang walang reklamo. Subok na niya ang kakayahan nito. Kahit pinakamaliit na sikreto, kayang-kaya nitong ungkatin. As far as he knew, wala pa itong sablay. That’s why Israel was one of the highest-paid detectives in the world. Besides, he *needed* to find her. Rael wasn’t the first detective he hired. For the past two years, kung sinu-sinong investigator na ang kinuha niya—but all of them were useless. Walang nakahanap kay Mari. Thank God Israel was back—kung saan man ito nanggaling. Sanay na silang lahat sa bigla nitong pagkawala at pagsulpot, parang kabuti na lang na sumusulpot kung kailan nito gusto. "Tell me the goddamn information, Rael." Matthew’s voice was cold and authoritative, but his asshole cousin only smirked. "Relax, Sylvester. Tapos na ang pinapagawa mo. Easy job, actually. Nasa tabi-tabi lang ang hinahanap mo—hindi mo lang alam." Humilig ito, tila ine-enjoy ang sandali. "But you know, hindi libre ang pagpunta ko rito. At isa pa, inuna kita kaysa sa chicks ko, so..." He chuckled. Damn this bastard. Napabuga si Matthew ng hangin. Alam niyang hihirit na naman ito bago ibigay ang impormasyon. But he was desperate. He needed to know where Mari was now. Sa loob ng dalawang taon, muntik na siyang mabaliw kakahanap sa babae. Nagsayang siya ng pera sa mga palpak na detective—but he didn’t care. Basta mahanap lang si Mari. "How much do you want?" "Just one million, cousin. Presyong barat na ’yan. Bonus lang." Nakangisi si Rael. Napailing si Matthew. Kapal ng mukha. Pero wala siyang choice. "Fine." Inabot niya ang tseke. "One million pesos. Now give me the information." "Now we’re talking." May hinugot si Rael sa bulsa—isang USB—at iniabot iyon sa kanya. Hinalikan pa nito ang tseke. "I’m rich again." "Mukhang pera!" sabay sipa ni Ezikiel sa puwetan nito. "Gago!" ganti ni Rael, sabay suntok. "Dapat matuwa ka—ilibre kita ng alak at chicks!" "Wow, ang bait mo naman. Pero tanga ka—bakit isang milyon lang?" "Maka-tanga ka naman—sige, huwag na nga!" "You two, get out of my office. Now." Parehong napalingon ang dalawa kay Matthew. "Hindi ka sasama?" tanong ni Ezikiel. "I have more important things to do. Now get out, dimwits." "f**k you, lover boy!" sabay nilang sigaw. Hindi uso sa kanila ang maayos na pamamaalam. Ganyan ang Ricaforte cousins—nagmumurahan muna bago magkanya-kanyang alis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD