Chapter 30: Kondisyon niya

1935 Words

Chapter 30 Hailey Sophia Medrano NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman kong parang umaangat ang katawan ko. Sa una akala ko nananaginip lang ako. Mabigat pa ang talukap ko, lutang ang isip ko. Pero nang maramdaman ko ang isang braso na nakasuporta sa likod ko at isa sa ilalim ng tuhod ko, bigla akong napamulat. “W–what—?” Si Brayden. Buhat-buhat niya ako. Agad akong pumalag. “Anong ginagawa mo? Ibaba mo ako!” Hindi siya sumagot. Diretso lang ang lakad niya palabas ng kwarto ko. Umuwi ako kanina at dito na ako kumain. Hindi ko kayang matulog doon matapos kong makita ang portrait na iyon. Kaya bumalik ako rito. Mas tahimik. Mas safe. After ko kumain, nahiga lang ako saglit. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. “Brayden, ibaba mo ako!” mas mariin kong sabi, hinahampas siya sa balikat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD