Chapter 29 Hailey Sophia Medrano PAGKARATING namin sa basement ng building, nauna siyang bumaba ng sasakyan. Hindi niya ako hinintay parang nakalimutan lang. May kausap siya sa phone ulit. “All set for three p.m.,” sabi nito sa kabilang linya, nakakunot ang noo. “No delays.” Lumabas na lang ako ng sasakyan nang dahan-dahan. Ramdam ko ang bahagyang panlalambot ng tuhod ko. Hindi ko alam kung dahil sa byahe o sa narinig ko kanina. Narinig ko ang tunog ng elevator na bumukas at sabay kaming pumasok sa loob. Tahimik. Sarado ang espasyo. Mas ramdam ko ang distansya. Sa salamin ng elevator, nakita ko ang repleksyon namin. Magkatabi. Pero parang hindi magkasama. “You should rest once we’re upstairs,” sabi niya, nakatingin sa numbers na pataas. “I’ll leave in an hour.” “Lunch with Kath?” h

