Chapter 23 Hailey Sophia Medrano PAGPASOK ko sa restaurant, agad kong naramdaman ang lamig ng aircon at ang halo-halong amoy ng grilled meat. Maingay nang kaunti, lunch rush na rin. May mga naka-corporate attire, may mga estudyante, may mga mukhang may business meeting. Mag-isa lang ako. Hindi na sumama si Mara. Marami kaming clients, at hindi rin naman niya pwedeng bantayan ako habang buhay. Si Nico? Wala na siyang paramdam. Nasa probinsiya, busy sa hawak na kaso. So here I am. “Be brave,” bulong ko sa sarili ko. May kumaway na lalaki mula sa bandang kanan. Nakasuot ng polo na masikip sa tiyan, nakasalamin, at yuyuko pa sa hawak niyang cellphone na parang chine-check kung ako nga ‘yon. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang Messenger. Sinend ni Mara ang picture kanina. Pinagkumpa

