Chapter 24 Hailey Sophia Medrano HUMINGA siya nang malalim bago nagsalita ulit. Mas kalmado na ang boses niya ngayon pero mas lalo iyong nakakatakot. Mas malinaw. Mas planado. “Second,” sabi niya, iniwas sandali ang tingin sa akin tapos bumalik din. “Sa ibang lugar tayo magpapakasal. Not here. Not in the city. Walang makakaalam. Not my family or your family. Not your friends. Walang announcement. Walang social media. We keep it secret.” Napatitig lang ako sa kanya. Secret. So ganon ako? Ganon kami ng anak ko? Isang bagay na kailangang itago. “Mahalaga pa rin ang career ko,” dagdag niya. “I can’t afford scandals. Hindi pwedeng malaman ng kahit sino na I rushed into marriage because of a pregnancy.” Because of a pregnancy. Hindi dahil sa akin or dahil sa amin. Kundi dahil lang sa si

