Chapter 25: Mrs.

2005 Words

Chapter 25 Hailey Sophia Medrano HINDI ko alam kung alin ang mas mabigat, ang katahimikan sa loob ng sasakyan o ang katotohanang ilang oras na akong papalayo sa dati kong buhay. Magkatabi kami ni Brayden sa likod. May driver sa harap. Simula nang umalis kami ng condo kaninang umaga, halos wala kaming palitan ng salita. Hindi siya tumitingin sa akin. Ako naman, nakatingin lang sa labas ng bintana. City lights turned into highways. Highways turned into provincial roads. Habang tumatagal, mas kumakaunti ang gusali. Mas dumadami ang puno. Mas humahaba ang pagitan ng mga bahay. “Where are we going?” tanong ko nang hindi ko na kinaya ang katahimikan. Hindi siya agad sumagot. Nakatingin lang siya sa phone niya, parang may inaayos na emails. “Relax,” sagot niya nang hindi tumitingin sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD