Chapter 26 Hailey Sophia Medrano UMANDAR na ulit ang sasakyan. Naiwan sa likod ang maliit na chapel, ang tahimik na sitio na naging saksi sa kasal naming walang kabuhay–buhay. Nakasandal ako sa upuan, tahimik. Sa harap, bahagyang tinapik ni Brayden ang balikat ng driver. “Diretso tayo sa farm,” sabi niya. “Sa bahay ni Kuya Bryn.” “Yes, sir.” Sa pagkarinig ko sa salitang farm. Doon ko lang biglang naalala. May kapehan nga pala sila dito sa Laguna. Kaya pala kabisado niya ang mga likuan kanina. Kaya pala hindi siya nag-aalinlangan kung saan liliko, saan kami pupunta. Parang matagal na niyang dinaanan ang mga daang iyon. Si Bryn nga pala. Dating Congressman. Pero mas pinili niyang iwan ang politics. Mas pinili ang pamilya. Dito siya tumira sa Laguna kasama ang asawa niyang si Gina at a

