Chapter 75 FOUR YEARS LATER Hailey Sophia Medrano “EZI! ELLE! Halika na dito, magbibihis na kayo!” malakas na sigaw ni Bebeng mula sa labas, rinig na rinig ko kahit nasa kusina ako. Napangiti ako habang patuloy ang ginagawa ko, hinahalo ang icing ng cake na ilang oras ko ring pinaghandaan. Today is their third birthday, at kahit simple lang ang celebration, gusto kong maging maayos ang lahat para sa kambal. Nakakalat sa counter ang mga handa. May spaghetti na niluto ko, crispy fried chicken, pancit, at iba pang pagkain na siguradong magugustuhan ng mga batang bisita mamaya. Sa gilid, may mga cupcakes na pinalamig ko na at handa nang lagyan ng toppings. Wala kaming caterer, ako lahat. Hindi naman ako napapagod sa ganito. Sa totoo lang, ito na ang nagbibigay sa akin ng kakaibang saya

