Chapter 76 Brayden Jaydrian Madrigal NAGISING ako sa malakas na boses na tumatama sa tainga ko, parang may sumasabog sa loob ng ulo ko. Mabigat ang pakiramdam ko, tuyo ang lalamunan, at parang umiikot pa ang paligid kahit nakahiga lang ako. Dahan-dahan akong dumilat at agad kong narinig ang pamilyar na boses ng ate ko. “BJ! Ano ba ito?!” galit na galit na sigaw ni Ate Trice, rinig na rinig ko mula sa sala. Napapikit ako sandali at napamura sa isip ko. Hindi ko inaasahan na darating siya nang ganito kaaga. Pilit akong bumangon kahit parang nadudurog ang ulo ko, saka ako naglakad palabas ng kwarto. Pagdating ko sa sala, sinalubong ako ng kalat na kahit ako napailing. Mga basag na bote, mga natapong alak, mga upuan na hindi maayos ang pwesto. Para talagang dinaanan ng bagyo. “At anong or

