C-05: Iisang kwarto

1701 Words
Chapter 06 Hailey Sophia Medrano GUSTO kong tumutol the moment na binuksan ang pinto ng kwarto. Malaki naman at malinis. May balcony na kita ang dagat. At ang kama, God, kahit sampung tao, kasya kahit magpatumbling–tumbling pa. Pero hindi iyon ang problema. Ang problema? Kasama ko si BJ sa iisang kwarto. “Wait,” sabi ko agad, napahinto sa may pintuan. “Hindi ba pwedeng—” “Fully booked na,” singit ni Mrs. Montreal mula sa likod namin, sabay tawa na parang wala lang. “Summer ngayon, fiesta pa. Wala nang extra room.” Napatingin ako kay BJ. Kita ko rin na medyo naasiwa siya, pero mas kalmado kaysa sa akin. “Hailey,” sabi niya, mahinahon, parang nag-a-adjust na agad. “Sa sofa ako. You take the bed. No problem.” Tumaas ang kilay ko. “BJ—” “Seriously,” dugtong niya agad. “I’ll be out most of the time naman. Baka gabihin ako mamaya. May meet and greet lang sa labas.” Parang cue ’yon kay Mrs. Montreal. Bigla niyang tinawag ang pangalan ni BJ, malakas, may halong excitement. “Brayden! Your fans are here! Hinahanap ka na!” Napabuntong-hininga ako. Wala na akong oras makipagtalo. Nakatingin na sa kanya ang staff sa labas. Nakatingin na rin siya sa akin, parang humihingi ng paumanhin. “Later na lang tayo mag-usap,” sabi niya, sabay ngiting pilit. “Okay?” Wala akong nagawa kundi tumango. Pagkasara ng pinto, ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Nakadapa ako, nakatingin sa puting kumot, parang doon ko ibinubuhos ang bigat sa dibdib ko. Tahimik ang kwarto. Nakakabingi ang katahimikan. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim. Isang kwarto. Isang kama. Isang sofa. At isang lalaking matagal ko nang pilit tinatago sa puso ko. “Get it together, Hailey,” bulong ko sa sarili ko. Pero kahit anong pilit ko, alam kong mahirap ang araw na ito. Bumangon ako mula sa kama at sumilip sa bintana. Ang araw, hindi na ganoon kainit, kaya naisip kong maligo sa dagat. Kinuha ko ang maliit na bag ko at hinanap ang bikini. Tatlo ang dala ko, pero ang itim ang pipiliin ko, simple, at bagay sa mood ng hapon. Nagpalit ako ng black bikini at pinatungan ng cover-up bago lumabas ng cottage. Ang dami ng tao, parang fiesta, may mga nagkakagulo sa malayo. Nakita kong pinagkakaguluhan si Brayden ng mga babae nagpa–pirma, pero normal lang iyon sa mata ko. Nakasanayan ko na. Diretso ako sa dalampasigan at naupo sa isang beach chair. Nilapag ko ang bag, may sunscreen, towel, at mga gamit, but I didn’t need the sunscreen, palubog na ang araw. Mas gusto kong maligo kaysa magbabad sa cream. Tumayo ako, hinubad ang cover-up, at doon napatingin ako sa kinaroroonan ni Brayden. Nagtagpo ang aming mga mata. Parang niglang tumigil ang mundo ko ng isang segundo. Bumaba ang tingin niya sa katawan ko, at napansin ko ang galaw ng adams apple niya, bago siya ngumiti at kumaway. “Hailey,” sabi niya, na parang nag-aantay ng reaksyon ko. Napatingin ako sa kanya, pilit pinipigil ang t***k ng puso ko. “Hi… Brayden.” Ngumiti si Brayden. Ngunit may halong kilig at curiosity sa mga mata niya. Hindi ko alam kung anong curiosity iyon. Isa lang ang malinaw na nakikita ko, desire. Nagbuntong-hininga ako at lumingon sa dagat. Pero hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ang kamay niya na pa-wave pa rin sa akin, dahan-dahan, para lang siguraduhin na nakita ko siya. Parang may electric charge sa hangin. Hindi ko alam kung excitement ba o tensyon ang nararamdaman ko, pero isa lang ang sigurado, hindi ko kayang lumingon at ituring lang siyang normal na tao ngayon. Binaling ko na lang ang atensiyon ko sa paglangoy, pinapakalma ang sarili, nang bigla akong maramdaman, may humila sa paa ko sa ilalim ng tubig. Napahinto ako sa gulat, at napatili agad. Ilang segundo lang, at umangat si Brayden sa tabi ko. “Ha! What the—” napahampas ako sa tubig, at tumalsik sa mukha niya, nakaka–inis dahil akala ko may kung ano na sa ilalim. Ngumiti siya, sa mata pa lang niya naglalaro na ang tawa. “I’m used to this, Hailey. Why so shocked now?” biro niya, tila nag-e-enjoy sa reaksyon ko. I rolled my eyes up, frustrated pero hindi mapigilan ang ngiti sa labi ko. Sino ba naman ang hindi magugulat? Kanina lang pinagkakaguluhan siya ng mga babae, ngayon nakatambay na sa tubig, katabi ko pa. Tumaas ang dalawang kamay niya sa hangin, tila sumusuko. Bago pa man ako makapagsalita, sinabuyan niya ako ng tubig. “Brayden!” sigaw ko, napatawa na rin sa sarili ko habang gumanti. Sinabuyan ko rin siya ng tubig, at parang mga bata kami na nagtampisaw sa dagat. Wala na kaming iniisip kundi tawa at galaw ng tubig. Matapos ang ilang sandali, huminto siya at lumapit sa akin. Napapikit ako sa init ng araw at sa malapít na presensya niya. “Hey… how about later, the party? Just for a bit?” tanong niya, may halong pag-aantay sa sagot ko. Tumango ako, nagbuntong-hininga. “Sige, pero ilang minuto lang ha. Hindi ko sure kung kakayanin kong tumambay sa ingay.” Ngumiti siya, halatang natuwa. “Alright, just a little. You’ll see, fun lang. Promise.” Habang patuloy kami sa pagtatampisaw parang bumabalik ang alaala ng kabataan namin, walang drama, walang pretense, puro tawa lang. Ngunit sa kabila ng kasiyahan, may konting kaba pa rin sa dibdib ko, dahil si Brayden, kahit simple ang biro, kayang magpa-fluster sa akin kahit saan. PAGKATAPOS naming maligo, bumalik kami sa dalampasigan. Umupo kami sa buhangin, magkatabi, kasama ang iba, may magkakaibigan, may mag-asawa, may mga batang tumatakbo. Pero kahit marami kami roon, tahimik ang paligid, parang may kasunduan ang lahat na manood lang. Sa harap namin, unti-unting lumulubog ang araw. Kulay orange na may halo ng pula, parang unti-unting nilulunod ng dagat. May manipis na ulap na tinatamaan ng liwanag, nagiging gold saglit bago tuluyang magdilim. Tahimik lang ang alon, paulit-ulit na humahampas sa pampang. I was staring at it when bigla akong nagsalita. Hindi ko rin alam kung bakit ko naitanong pa. “Brayden,” mahina kong sabi, hindi ko siya tinignan. “Do you think… possible kang mahulog sa babaeng mas matanda sa’yo?” Ramdam kong napalingon siya sa akin. Hindi agad siya sumagot. Tumagal ang ilang segundo. Naririnig ko lang ang alon at ang mahihinang bulungan ng ibang tao. “Why that question?” tanong niya, kalmado ang boses pero may biglang tigas. Huminga ako nang malalim. “Just curious. Too personal, I know.” Nagkibit balikat lang si Brayden. Nang magsalita siya, iba na ang tono niya. Hindi naman galit. Hindi rin biro. “No,” diretso niyang sagot. “I don’t think I can.” Napatingin na ako sa kanya. Nakatitig siya sa araw, hindi sa akin. Naka-clench ang panga niya, halatang may iniipon. “Why?” tanong ko, mas mahina na. Napangiti siya nang bahagya, pero hindi umabot sa mata. “Because I’ve been there. And it messed me up.” Kumunot ang noo ko. “What do you mean?” Huminga siya nang malalim, parang pinipili ang sasabihin. “She was older. Confident. Alam niya gusto niya. And I was… stupid enough to believe everything she said.” Saglit siyang tumawa, pero pilit. “She made me feel like I was special. Until I wasn’t.” Lumunok siya, saka dahan-dahang umiling. “She treated me like a phase. Something fun. Temporary.” Bigla kong naramdaman ang bigat sa dibdib ko. “So no matter how real it feels,” dugtong niya, “at the end of the day, ikaw pa rin ang talo. Kasi ikaw yung nagmahal nang mas malalim.” Napansin kong bahagyang umiwas ang tingin niya, parang ayaw ipakita ang expression niya. Pero nakita ko pa rin, 'yung kirot sa mata niya, yung pilit na composure. “Sorry,” sabi ko agad. “I shouldn’t have asked.” Umiling siya. “It’s fine. You didn’t know. Matagal na iyon, nung nasa Amerika ako.” Sandaling katahimikan ulit. Halos kalahati na lang ng araw ang kita, dahan-dahan nang nilalamon ng dagat. Tumingin siya sa akin this time. “That’s why I don’t go there anymore. I don’t want to feel that kind of hurt again.” Hindi na ako nakasagot. Tumango na lang ako, ramdam ang bigat ng sinabi niya. Sa gitna ng dami ng tao, sa gitna ng katahimikan ng paglubog ng araw, parang kami lang ang nandito—dalawang taong may kanya-kanyang sugat, parehong nakatingin sa bagay na unti-unting nawawala. Tumahimik muna siya, saka muling nagsalita na mas diretso na, parang pinili na niyang huwag nang paliguy-ligoy. “I don’t want her taking over,” dagdag niya. “Ayokong dumating sa point na mas mataas siya sa akin. Yung siya na ang magde-decide ng lahat, kung ano ang tama, kung ano ang mali, kung saan ako lulugar.” Napalingon na siya sa akin. Hindi galit ang mga mata niya, kundi seryoso. Firm. “I want to stand on my own,” sabi niya. “Ayokong pakiramdam ko lagi akong nahuhuli, na parang kailangan ko pang habulin ang anino ng isang tao.” Bahagya siyang ngumuso, then he looked away again, balik sa dagat. “I’ve seen that kind of relationship before. Nawawala 'yung lalaki. Hindi ko sinasabing mali sila, but it’s not for me.” May kirot akong naramdaman sa dibdib ko, hindi dahil ininsulto niya ang mga mas matatanda, kundi dahil ramdam ko 'yung takot niya, takot na mawalan ng kontrol, ng boses. “So it’s about pride?” tanong ko, hindi ko alam kung bakit ko nasabi. Umiling siya agad. “No. It’s about balance. Gusto ko partner, not someone who’ll decide for me just because she knows more, lived longer, or thinks she should.” Napabuntong-hininga ako. Tahimik ang paligid, tanging alon lang ang maririnig. Sa harap namin, tuluyan nang nawala ang araw, iniwan ang langit na may halong kahel at abo. Hindi ko na siya sinagot pa. Kasi minsan, mas mabigat pa ang mga salitang hindi mo sinasabi, lalo na kapag buo ang desisyon ng isang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD