C–05: Hindi ko Girlfriend

1363 Words
Chapter 05 Hailey Sophia Medrano KAGIGISING ko lang nang biglang bumukas ang pinto ng condo ko. Dire-diretso si BJ, parang kanya ang unit. Napasapo na lang ako sa noo. “Seriously, Brayden,” antok at inis ang boses ko. “You didn’t even knock.” Nagkibit–balikat lang siya, as if he didn't care about my privacy. Akmang magsasalita pa sana ako pero hindi na umabot, bigla niya akong binuhat. “Hoy! BJ!” napasigaw ako, kumapit sa balikat niya. “Ibaba mo ako!” “Late ka na,” kalmado niyang sagot, parang wala lang. “We need to move.” Hindi na ako nakapalag nang dalhin niya ako pabalik sa kwarto, diretso sa banyo. Ibinaba niya ako sa tapat mismo ng shower, isang click lang, umagos ang tubig sa showe at tumama sa katawan ko, napapikit ako. “Are you out of your mind?” patili kong sabi, hindi dahil sa lamig ng tubig kundi sa suot ko. Manipis ang nighties ko. Wala akong bra at lalong wala akong panty. Natutulog akong walang panty, dahil doon ako komportable. Bigla siyang napahinto. Pagmulat ko, nakatitig siya. Hindi ’yong usual na tingin niya. Iba. Napalunok siya, halatang nagulat din sa sarili niyang nakita. Saglit lang pero sapat para kumabog ang dibdib ko. May desire na tila nabuhay sa mga mata niya. Titiga na titig siya sa dalawang bundok kong matayog, napalunok siya bago bumaba ang mga mata niya sa pagitan ng mga hita ko doon ako pasimpleng napahalukipkip. “BJ,” mariin kong tawag, tinutulak siya palayo. “Stop. Lumabas ka. Now.” Parang natauhan siya. Umatras agad, nag-iwas ng tingin. “Sorry. I’m—sorry. I crossed the line.” Tumalikod siya at lumabas ng kwarto, isinara ang pinto nang dahan-dahan. Napabuntong-hininga ako, napasandal sa pader. Nanginig pa ang mga daliri ko, hindi ko alam kung sa lamig o sa tensiyong naiwan. Pinatay ko sandali ang tubig, huminga nang malalim, bago ko tinapos ang paliligo ko nang mabilis. Today’s the day. Aalis kami papunta sa fiesta. Pwede naman kaming hindi magsabay, pero nandito na siya. And BJ being BJ, once he decides, tuloy ’yan. Nang matapos akong maligo nagbihis ako agad. Simpleng jeans, t–shirt at sneaker. Paglabas ko ng kwarto, tahimik ang sala. Nasa mesa siya, nakaupo, parang walang nangyari. Pero ramdam ko, pareho naming alam na may nagbago. “Ready ka na?” tanong niya, maingat ang tono. Tumango lang ako. “Let’s go.” Kinuha ko ang bag ko na may konting damit at ang sling bag ko at isinabit sa balikat ko. Umiling na lang ako. Ayokong balikan ang eksena kanina. Pero kahit anong pilit ko, dala ko pa rin ang bigat sa dibdib, at ang pakiramdam na magiging mahaba ang araw na ito. TAHIMIK ang biyahe namin. Walang music, walang kwentuhan. Tanging tunog ng makina at aircon lang ang maririnig. Pero kahit hindi ako tumitingin diretso, ramdam ko siya. Sa peripheral vision ko, panay ang sulyap ni BJ. Minsan nahuhuli ko pa na bumababa ang tingin niya, sa dibdib ko. Napapikit na lang ako at dahan-dahang nagbuntong-hininga. Kasalanan ko rin. Kung noon ko pa lang kinuha ang extra keys na nasa kanya, hindi na sana siya basta-basta pumapasok sa condo ko. Hindi na sana nagkaroon ng awkward na umagang ’yon. “Gusto mo kumain?” bigla niyang tanong, parang naghahanap ng paraan para basagin ang katahimikan. I shook. “Doon na lang. Sa bahay ng Mayor. For sure overloaded ang food doon.” Tumango siya. “Okay.” Ilang oras pa ang lumipas. Sakto alas-dose ng tanghali nang marating namin ang La Union. Dire-diretso kami sa beach resort na pag-aari ng pamilya ng Mayor, malawak ang lugar, may puting buhangin, tahimik ang paligid, at halatang exclusive. Naalala ko, minsan na akong dinala rito ni Mrs. Montreal. Regular ko siyang kliyente sa clinic, obsessed sa anti-aging, takot na takot sa wrinkles. Pagkababa namin ng sasakyan, agad kaming sinalubong ni Mrs. Montreal. Elegant pa rin kahit nasa late fifties na. Maayos ang postura, simple pero mamahalin ang suot. “Hailey!” masigla niyang tawag, sabay beso sa pisngi ko. “Ang ganda mo as always.” “Thank you, Mrs. Montreal,” ngiti ko. Lumapit din ang isang lalaki, gwapo, halos kaedad lang ni BJ, barkada niya yata. Mayabang ang dating pero friendly. “Bro!” sabay tawa. “So ito na pala ha.” Napatingin siya sa akin, tapos kay BJ. “Girlfriend?” Bago pa ako makapagsalita, agad umakbay si BJ sa balikat ko. Mabilis sobrang bilis. Parang reflex. “Ate ko lang siya,” klaro niyang sabi, walang pag-aalinlangan. “Hailey’s family.” Parang may kumurot na malalaking kamay sa dibdib ko. Ate. Again. “Ahh, okay,” sabi ng lalaki, medyo napahiya. “Kala ko naman.” Ngumiti lang ako, pilit. Parang okay lang. Pero sa loob-loob ko, ramdam ko ang kirot. Ang bilis niyang itama. Walang second thought man lang. Deny agad. Si Mrs. Montreal ngumiti pa. “Still, ang sweet n’yo tingnan. Halika na, lunch is ready.” Sumunod ako sa kanila, tahimik. Ramdam ko pa rin ang braso ni BJ sa balikat ko saglit bago niya ito inalis. At kahit alam kong wala naman akong karapatan masaktan, hindi ko mapigilan. Ate lang. Hanggang doon lang talaga. At naiinis ako sa sarili ko, kung bakit ba ako nasasaktan? HABANG kumakain kami, hindi nauubusan ng kwento si Mrs. Montreal. Kung hindi tungkol sa mga travels niya, tungkol naman sa balat niya. “Hailey, tell me honestly,” sabi niya habang hinihimas ang pisngi. “Do I need another lifting? Or botox lang muna?” Napangiti ako. “No need to rush, Mrs. Montreal. Your skin’s still good. Hydration, sunscreen, and less stress. That’s the key.” “See?” kilig niyang sabi, sabay tawa. “That’s why I trust you. You make me feel young.” Tumango-tango pa siya, halatang pleased. Pero biglang nag-iba ang tono ng usapan. Napatingin siya kay BJ, parang may biglang naalala. “By the way,” masigla niyang sabi, “congrats, BJ, ha. Ang layo na ng narating mo. Mas lalo kang nakilala ngayon.” Napangiti si BJ, medyo shy pero halatang proud. “Thank you po, Tita.” “I’m one of your fans, actually,” dugtong ni Mrs. Montreal. “Hindi lang ako—almost all my staff here. Noong nalaman nilang kakanta ka bukas sa pageant, grabe, excited na excited. They can’t wait to hear your voice.” Lalong lumapad ang ngiti ni BJ. Kita sa mata niya ’yong saya. ’Yong tipong alam niyang pinaghirapan niya ’yon. Tapos biglang napatingin si Mrs. Montreal sa akin. Sinipat niya kami ni BJ, parang may pumapasok sa isip niyang ideya. “Bagay kayong dalawa,” she said directly. Hilaw ang ngiting lumabas sa labi ko. Akmang magsasalita na sana ako para magbiro, para ilihis ang usapan, pero naunahan niyan ako. “She’s Ate to me,” mabilis na sagot ni BJ. Ouch. Sa isip ko, here we go again. Ilang beses na ba niyang sasabihin ’yan? Napabuntong-hininga na lang ako, pilit pa ring kalmado. “Yeah,” sabi ko rin bilang sang–ayon. “May age gap kasi. Dapat Ate talaga.” Ako na mismo ang naglagay ng linya. Para tapos na. Para hindi na masakit. Pero kumislap lang ang mga mata ni Mrs. Montreal, parang hindi siya kumbinsido. “And so what?” sabi niya, casual pero may diin. “Age doesn’t matter, dear.” Napatingin siya sa amin isa-isa. “Kami ng asawa ko, seven years ang gap. Pero look at us. We’re still in love.” Ngumiti siya, parang may ibinabahaging sikreto nilang mag–asawa. “Love is not about numbers. It’s about how someone makes you feel safe. Heard. Chosen. Kung may respeto at totoo ang nararamdaman, everything else is just noise.” Naaahimik ang buong mesa sandali. Hindi ako nagsalita. Ganoon din si BJ. Pero sa dibdib ko, may gumalaw. Hindi ko alam kung pag-asa ba o mas lalong sakit. Kasi alam ko, kahit anong ganda ng sinasabi ni Mrs. Montreal, malinaw na malinaw na sa isip ni BJ kung saan ako nakapwesto. At klarong hindi sa puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD