04: Masakit sa mata

1858 Words
Chapter 04 Hailey Sophia NILIBOT ko ang mga mata ko sa buong venue, tahimik, almost unreal. Isang private cliffside garden na overlooking ang dagat. May warm string lights na nakasabit sa mga puno, soft yellow glow na parang sinasadya para maging intimate. Isang mahabang table lang sa gitna, may white linen, subtle flowers, hindi bongga pero classy. Candles everywhere, may soft instrumental music na halos di mo mapapansin pero mararamdaman mo. Walang ibang tao. Walang usyoso. Walang press. Exclusive. Just for them. Sinigurado naming malayo ito sa mata ng media. Pareho nilang career ang nakataya. Isang maling kuha lang, isang headline, pwedeng sumabog. Kaya dito, tago, tahimik, safe. Perfect. At ang pinaka–masakit. Hindi ko mapigilan ang konting inggit. Hindi ko ipinagkakaila. Sa almost twenty-five years ng existence ko sa mundo, never pa akong nakaranas ng ganito. Walang lalaking nag-effort ng ganito para sa akin. Walang nagplano, walang nagsurprise, walang nag-isip kung ano ang magpapangiti sa akin. Napabuntong-hininga ako. “Brayden…” nasambit ko, halos pabulong. Bigla akong napaigtad nang maramdaman ko ang pagsiko sa tagiliran ko. “Sophie,” sabi niya, nakataas ang kilay. “Okay ka pa ba?” Tumango ako, kahit obvious na hindi. “Kung gusto mo,” dagdag niya, sabay tingin sa paligid, “sirain na natin ito. Now na. I swear, isang hakbang lang, kaya kong tanggalin lahat ng ilaw.” Napatawa ako. “Drama mo.” “Seryoso ako,” sabi niya. “Sakit sa mata, girl.” Huminga siya ng malalim tapos dinugtungan, mas mababa ang boses. “Hindi lang sa mata. Sa dibdib.” Hindi na ako sumagot. Kasi tama siya. Laging tama si Mara, kahit ayokong aminin. Nagkibit-balikat na lang ako. “Ganito talaga.” Imagine mo ’yon. Ikaw ang naghanap ng location. Ikaw ang pumili ng kulay, ng ilaw, ng music. Ikaw ang nag-ayos ng bawat detalye, para sa date ng lalaking tahimik mong minamahal. Ang unfair, pero nandito pa rin ako. Nakatayo. Professional. Smiling kapag kailangan. Narinig ko ang papalapit na yabag. Paglingon ko, si BJ na. Nakangiti agad pagkapasok pa lang niya sa venue. Kita ko ’yong gulat sa mga mata niya, tapos ’yong tuwa, raw, genuine. “Hailey…” sambit niya, halos hindi makapaniwala. Bago pa ako makapagsalita, lumapit na siya at bigla akong niyakap. Mahigpit. Walang pag-aalinlangan. “Grabe,” sabi niya sa tenga ko. “This is… wow. You did all this?” Tumango ako, pilit kalmado ang boses. “Yeah. As requested.” Bahagya siyang lumayo para tingnan ulit ang paligid, tapos bumalik ang tingin sa akin, may ngiting parang batang sobrang saya. “Perfect,” sabi niya. “Exactly what I imagined. Thank you.” Ngumiti ako pabalik. ’Yong smile na sanay na sanay na akong isuot kahit may kumikirot sa loob. “Enjoy your date,” sabi ko. Deep inside me, sana gano’n din kadaling iwan ang nararamdaman ko, tulad ng pag-aayos ng venue na ito. Biglang nag-vibrate ang phone ni BJ. Kitang-kita ko kung paano siya napatingin agad sa screen, tapos lumabas ang ngiting hindi niya kailangang ipaliwanag. Soft. Excited. The kind of smile na bihira kong makita kapag ako ang kaharap niya. “She’s here,” sabi niya, nakatingin na sa akin. Tumango lang ako. Wala nang kailangan pang sabihin. Mabilis siyang lumabas ng venue at naiwan ako sa kinatatayuan ko, sinusundan ng tingin ang likod niya hanggang sa tuluyan siyang mawala sa linya ng paningin ko. Huminga ako nang malalim, parang may humigpit sa dibdib ko pero pilit kong nilunok. Tumikhim si Mara sa tabi ko. Napalingon ako sa kanya. Isang tango lang, alam na namin pareho ang ibig sabihin. Kailangan na naming mag-disappear. Hindi pwedeng makita kami. Pero hindi rin kami pwedeng umalis nang tuluyan. “Sa likod,” bulong niya. “’Yong may cover.” Tumango ako ulit. Lumipat kami sa tagong bahagi ng venue, may mga halaman at dekor na sapat para matakpan kami, pero kita pa rin namin ang direksyon ng entrance. From there, ako pa rin ang magdidikta ng next steps, ilaw, music cue, timing ng surprise. Trabaho muna. Feelings later. Ilang sandali lang, bumukas ulit ang pinto. Bumalik na si BJ. Akay-akay niya si Kathryn. May piring ito sa mga mata, hawak niya ang kamay ng lalaki, maingat ang lakad. Sa likod nila, sunod-sunod ang mga kaibigan, may ilan na kilala ko agad, mga taga-showbiz, may iba namang simple lang, halatang non-showbiz. Halo-halo, pero pare-pareho ang ngiti. Pare-pareho ang excitement. “Careful,” marahang sabi ni BJ kay Kathryn. “One more step.” “BJ, I swear if this is a prank—” natatawang sabi ni Kathryn, pero kita ang kilig sa boses niya. “Trust me,” sagot ni BJ, halos pabulong. “Just trust me.” Tumigil sila sa gitna ng venue. Nag-signal ako agad sa staff. Isa-isa nang nag-on ang mga ilaw. Music faded in, soft, sakto lang. “Okay,” sabi ni BJ. “You can remove it now.” Dahan-dahang inalis ni Kathryn ang piring. Sa mismong segundo na namulat ang mga mata niya, napahawak siya sa dibdib niya. “Oh my God…” Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. May mga napasigaw pa. May humirit ng “About time!” at “You did good, BJ!” Napatawa si BJ, pero hindi niya inalis ang tingin kay Kathryn. “Do you like it?” tanong niya. “Like?” ulit ni Kathryn, nanginginig ang boses. “I love it.” Yumakap siya kay BJ, mahigpit. Hinaplos ni BJ ang likod niya, parang wala nang ibang tao sa paligid. Doon ko naramdaman ’yong paninikip sa dibdib ko. Mas malala kaysa kanina. Lahat ng gestures niya, ’yong pagyuko para kausapin si Kathryn, ’yong pag-aayos ng buhok nito, ’yong paghawak sa kamay na parang natural na natural, lahat ’yon, matagal ko nang nai-imagine. Sa maling oras. Sa maling role. Sa maling babae. “Hailey,” bulong ni Mara sa tabi ko. “Breathe.” Pilit akong huminga ako. Pinanood ko silang dalawa habang tinatawaanan ang mga biro ng kaibigan nila, habang inaabot ni BJ ang upuan para kay Kathryn, habang sinasabi nitong, “I planned this just for you.” Each word, parang punyal na tumam sa dibdib ko. Sa loob-loob ko, isang malinaw na thought ang pumasok, pagod na akong mangarap ng hindi para sa akin. Siguro tama na. Siguro oras na para tumanggap. Kung may ibang lalaking handang gumawa nito para sa akin, maybe I should let him. Kasi malinaw na malinaw na, hindi si BJ ’yon. NAGPATULOY ang date nila na parang walang kahit anong puwedeng sumira sa moment. Tumugtog ang mas mabagal na music. Inabot ni BJ ang kamay ni Kathryn at dinala niya ito sa gitna. “Dance with me,” sabi ni BJ, may ngiting ako lang ang nakakakilala… o akala ko lang. Tumawa si Kathryn, bahagyang nahiya. “You’re serious?” “Always,” sagot niya. Simple lang, pero ramdam. Humawak si BJ sa bewang ni Kathryn, maingat pero may kumpiyansa. Si Kathryn naman, ipinatong ang kamay sa balikat niya. They moved slowly, parang natural na natural na ginawa na nila ’yon dati. May mga kaibigan na pumalakpak, may nag-video, may sumigaw ng “Ang sweet!” Nanatili akong nakatago, nakasandal sa poste, pero pakiramdam ko wala na akong cover. Parang kitang-kita ng lahat kung gaano kasikip ang dibdib ko. Sinubukan kong lunukin ang tila batong humarang sa lalamunan ko, pero may biglang kumurot sa mata ko. One tear slipped. Mabilis kong pinunasan, pero may sumunod pa. Damn it. “Okay ka lang?” bulong ni Mara, napansin siguro ang panginginig ng balikat ko. Tumango ako kahit alam kong hindi totoo. “Yeah. Just… allergies,” pilit kong biro, pero sablay. Sa harap namin, yumuko si BJ para may ibulong kay Kathryn. Hindi ko narinig, pero nakita ko ang reaksyon, namula ito, tumawa, saka bahagyang sinuntok ang dibdib ng lalaki. “You’re impossible,” sabi ni Kathryn, rinig kahit mahina. “And you like it,” sagot ni BJ, may lambing na hindi niya kailanman ginamit sa akin. Parang may sumabog sa loob ko. Dahan-dahan kong inalis ang paningin ko sa kanila. Hindi ko na kayang panoorin pa. Kung magpapatuloy ako, lulubog lang ang puso ko sa selos na wala naman akong karapatang maramdaman. Huminga ako nang malalim, pilit inaayos ang sarili. “Focus,” bulong ko sa sarili ko. “Trabaho lang ito.” Pero kahit anong pilit ko, kahit saan ako tumingin, naroon pa rin sila sa peripheral ko, masaya. Akmang tatalikod na sana ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko. “Hailey.” Napahinto ako. Isang segundo lang, pero parang ang tagal. Paglingon ko, nakatitig si BJ sa akin. “BJ—” hindi ko na natapos. Wala siyang sinabi. Hinawakan niya lang ang kamay ko. Before I could react, hinila niya ako palapit sa gitna. Sa ilaw. Sa mata ng lahat. My heart dropped. “Wait—BJ,” mahina kong sabi, pero tuloy-tuloy lang siya. Naramdaman ko ang mga mata ng mga kaibigan nila. Narinig ko ang bulungan. Ramdam ko rin ang biglang pagtigil ng musika. Pagharap ko, nakita ko si Kathryn. Nagulat siya, kitang-kita. Tumaas ang kilay niya ng bahagya bago niya inayos ang mukha. Lumitaw ang isang ngiti, pero pilit. Too controlled. Too fake. “What’s going on?” tanong niya, malumanay ang boses pero may tension. Huminga si BJ, parang proud. “Kath, I want you to know something.” Hinila niya ako palapit sa kanya, magkatabi kami ngayon. Parang mali ang pwesto ko. Parang hindi ako dapat naroon. “Si Hailey ang nag-ayos ng lahat nito,” sabi niya, malinaw at diretso. “She made this. This whole surprise… it’s because of her.” May ilang napasinghap. May pumalakpak. May nag-“aww”. I stilled. Akala ko, kung ano talaga ang sadya niya. Napatingin sa akin si Kathryn. Saglit lang, pero sapat para makita ko ang inis na dumaan sa mga mata niya bago muling bumalik ang ngiti. “Oh,” sambit niya. “So you’re the one.” Tumango ako, pilit maging kalmado. “Yeah. I just helped with the setup.” Lumapit siya sa akin at bahagyang hinawakan ang braso ko. “Thank you,” sabi niya. Sweet pakinggan. Pero ang mga mata niya… ibang usapan. “Ang ganda. Very… thoughtful.” “Welcome,” sagot ko. Short. Safe. Tumango siya kay BJ. “You didn’t tell me.” BJ smiled. “I wanted it to be a surprise. For you.” Humawak si Kathryn sa braso niya. “It is. Really.” Pero ramdam ko. Labag sa loob niya. Parang napilitan lang siyang magpasalamat dahil may mga taong nakatingin. Dahil may audience. Bitawan na sana ni BJ ang kamay ko, pero hindi pa rin niya ginagawa. Parang lalo lang niyang hinihigpitan. Parang hindi niya napapansin kung gaano ako ka-uncomfortable. At ang mga mata ni Kathryn parang sumisiklab na ang apoy sa inis. “Okay na,” mahina kong bulong sa kanya. “You can let go.” Tumingin siya sa akin, parang ngayon lang nagising. “Ah—sorry.” Binitawan niya ako. At doon ko lang ulit naramdaman ang paghinga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD