Chapter 03
Hailey Sophia Medrano
PAGMULAT ko ng mata, kulang na lang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan. Nakahiga si Brayden sa ibabaw ng kama ko. Naka-sideways, isang braso sa unan ko, sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Kumindat pa siya na parang normal lang ang lahat.
“Good morning,” sabi niya, relaxed.
“Put—” napamura ako at biglang napabangon. “What the hell, BJ?!”
At nakita ko na wala siyang suot na shirt. Shorts lang. Bare skin. Damn it.
“Anong ginagawa mo sa loob ng kwarto ko?” sigaw ko, sabay hila ng kumot papunta sa dibdib ko.
He frowned, parang ako pa ang may mali sa tanong ko. “I always do this.”
“What? Yeah...” nalilitong sagot ko.
“Don’t forget,” dagdag niya, sabay kibot ng balikat, “magkatapat lang ang unit natin at ipaalala ko sayo ulit. Minsan dito rin ako natutulog.”
Napapikit ako, pinipilit ang sarili kong kumalma. Oo, alam ko. Lagi siya dito sa unit ko at isang pader lang ang pagitan. Pero hindi na niya pwedeng gawin ang gusto niya.
“Hindi mo na puwedeng gawin ang basta-basta pumasok dito,” mariin kong sabi.
Pagdilat ko, nahuli ko ang tingin niya, nakapako sa dibdib ko.
“BJ.”
Doon ko na-realize. Wala akong bra. Manipis lang ang suot kong pantulog.
“Turn around,” utos ko agad, mas hinihigpitan ang hawak sa kumot. “And stop looking at me like that.”
He blinked, parang ngayon lang natauhan. “Hey, relax. I’m not—”
“Tumalikod ka. Now. At lumabas ka.”
Sumimangot siya pero tumalima. Tumayo siya mula sa kama, inunat ang braso, parang sinasadya pang ipakita na wala siyang pakialam.
“Grabe ka,” sabi niya. “You’re overreacting.”
“Out,” sagot ko lang.
Pagdating niya sa pinto, huminto siya sandali. "Hintayin kita mesa,” sabi niya, mas kalmado na. “Sabay tayo mag-breakfast. I cooked.”
“BJ—”
“Five minutes,” putol niya, sabay ngisi. “Maaga akong nagising para lang ipagluto ka ng masarap.”
Then he stepped out. Iniwan akong walang choice. Pagkasara ng pinto, napahiga ulit ako, hawak pa rin ang kumot sa dibdib, humihinga nang malalim.
This isn’t normal.
Ang mas nakakainis may parte sa akin ang gustong bumangon at sundan siya.
Bumangon na ako at tuluyang nagising ang diwa ko.
Kilala ko si Brayden. Kapag may gusto siya, hindi siya aalis hangga’t hindi niya nakukuha. Kaya imbes na makipagtalo pa, dumiretso na lang ako sa closet. Kumuha ng simpleng damit, shirt at shorts. Gusto ko lang matapos ito.
Paglabas ko ng kwarto, diretso agad ako sa kusina.
Nakatayo sa harap ng mesa, parang wala lang, parang hindi niya ako binulabog kanina. At home na at home. Nakahain na ang pagkain pero halatang hindi pa nagagalaw. Talagang naghintay.
Pero ang unang kumuha ng atensyon ko, ang amoy ng bagong timplang kape.
“Good,” sabi niya nang makita ako.
Hindi na ako sumagot. Naupo na lang ako agad. Gutom din naman ako, at sayang kung hindi kakainin. Kinuha ni BJ ang plato ko, siya ang nagsandok ng kanin at ulam.
Normal na gesture niya ito. Kahit noon pa. Maalaga talaga siya sa mga taong mahalaga sa kanya. Kahit bunso siya, marunong siya sa gawaing bahay. Sa States siya nag-aral, independent. Doon din nagsimula ang career niya bilang internet sensation, Efbe, Instägram, milyon ang followers kahit sa tiktôk. Isang 'hi' niya lang milyon views na agad. Kaya hindi na kataka-takang maraming babaeng baliw na baliw sa kanya.
“Thanks,” sabi ko nang ibalik niya ang plato sa harap ko.
“Anytime,” sagot niya.
Kumain kami sa umpisa nang tahimik. Hindi awkward, pero iba ang pakiramdam ko. Hanggang sa napansin kong ilang beses siyang huminga nang malalim, parang may gustong sabihin.
“H–Hailey...” sabi niya sa alanganin na tono.
“Hmm?” sagot ko, abala sa pagkain.
He cleared his throat before he spoke. “May itatanong sana ako.”
Tumingin ako sa kanya. “Ano?”
“You know ‘yung sideline mo,” simula niya. “Iyong nagre-recommend ng places for weddings, dates… romantic setups.”
“Yeah,” sagot ko, sabay dampot ng tasa at dinala sa bibig ko.
“Can you suggest a place?” tanong niya. “Romantic talaga. Gusto ko kasing yayain si Kathryn.”
Muntik ko nang mailuwa ang kape na iniinom ko.
“Sorry—what?” napaubo ako.
He leaned back, parang relieved na nasabi niya rin. “I want to plan something special for her.”
Mainit ang kape pero parang biglang nanlamig ang sikmura ko. So may kapalit pala ang almusal. Hindi pala dahil lang gusto niya akong pakainin. May kailangan siya.
I forced myself to swallow. “I see.”
“So?” tanong niya, hopeful. “Any ideas?”
Mabagal akong ngumiti ako at pilit.
“Marami,” sagot ko. “I’ll send you a list.”
“Great,” sabi niya, genuine ang saya. “I knew I could count on you.”
Tumango lang ako at itinuloy ang pagkain kahit wala na akong malasahan.
Ang sakit pala.
Hindi dahil sa nililigawan niya ang iba, kundi dahil sa akala ko, may ibig sabihin ang almusal na iyon. Iyon pala tatanungin lang ako. Natahimik ako sandali. Kailangan kong ayusin ang boses ko bago magsalita.
“Maybe kay Khail ka na lang magtanong,” sabi ko, pilit casual lang. “Mukhang pareho naman kayo ng taste.”
Natawa si BJ, umiling pa. “No way. I’m not like him. Or Kuya DN.”
Napatingin ako sa kanya.
“I will never like them,” dagdag niya, seryoso na ang tono. “Because I’m not in love with other women.”
I stilled and speechless.
“Si Kathryn lang ang gusto ko,” diretsang sabi niya. Walang pag-aalinlangan sa kanyang tinig. Tila siguradong–sigurado.
Napabuntong–hininga na lang ako. Masakit. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may humigpit sa dibdib ko. Parang may umipit sa paghinga ko. He sounded so sure. So settled.
“I asked you,” dugtong niya, mas mahinahon na, “kasi you’re my Ate. I trust you.”
Ate.
My chest tightened. Mapait akong napangiti. Oo. Ate naman talaga ako. Limang taon ang tanda ko. Kaibigan ng kapatid niya. Doctor niya. Safe choice.
I forced a nod. “Right.”
“Hindi naman big deal, ‘di ba?” tanong niya, parang wala lang. “You’re good at this stuff.”
“Yeah,” sagot ko. “I’ll help.”
Sa loob-loob ko, gusto kong matawa. Gusto kong umiyak. Gusto kong mag-walk out.
I love my life, sabi ko sa isip ko, sarcastic. Talagang mahal na mahal ko. Tumayo ako at kinuha ang tasa ko. “I have to get ready for work.”
“Already?” tanong niya.
“Yeah,” sagot ko agad. “Busy day.”
Tumango siya. “Thanks, Ate.”
Ngumiti ako. Again. That same fake, controlled smile. Wala na akong ibang choice. Kasi kung sasabihin ko ang totoo, masisira ang lahat.
Tumayo rin si BJ mula sa kinauupoan niya. Hindi na siya naghintay ng sagot,,parang desidido na talaga. Kumindat pa siya sa akin, casual lang.
“Ako na bahala sa hugasin. I’ll clean everything,” sabi niya, sabay kuha ng baso sa mesa. “Basta…ang pinakiusap ko.”
Napatingin ako sa kanya at marahan na sumagot. Ngumiti siya, parang sikat ng araw. ’Yong klase ng ngiti na halatang handang mag-effort. Para kay Kathryn. Lahat para kay Kathryn.
“Please,” sabi niya, halos makiusap.
Tumango ako, dahan-dahan. “Okay.”
Parang gumaan ang balikat niya nang marinig ’yon. Napasabi pa siya ng, “Yes,” na parang nanalo sa maliit na laban. Lumapit siya sa lababo, tapos bago tuluyang humarap sa mga plato, lumingon ulit siya sa akin.
“You’re perfect,” sabi niya, diretso sa mata ko. “Ate talaga.”
Parang may humampas sa dibdib ko, hindi naman malakas, pero sapat para mawalan ako ng hangin saglit. Ate. Ayun na naman. Isang salita, pero ang bigat.
Ngumiti ako, kunwari hindi apektado. ’Yong smile na sanay na sanay na akong isuot. “Go. Linisin mo ’yan,” biro ko, para matakpan kung anong gumalaw sa loob ko.
Tumawa siya, saka tuluyang humarap sa lababo.
Ako naman, nanatiling nakatayo roon, nakatingin sa likod niya. Sa paraan ng paggalaw niya, sigurado, kalmado, and committed. Sa isip-isip ko, malinaw sa kanya kung sino ang mahal niya. Walang kalituhan. Walang ibang option kundi si Kathryn lang.
“Ate,” bulong ko sa sarili ko, halos matawa. Yeah. Great. Perfect role.
Huminga ako nang malalim at napatingin sa kisame.
I love my life. I really love it.