KUMALAT ang usapan sa WonderWorld na parang wildfire. Nang dumating ang hapon ay dumarami ang mga empleyado na nag-uukol ng tingin kay Julienne. Iyong iba pa nga ay personal na pumupunta sa puwesto niya kung saan siya nagma-mime para lamang makita kung sino itong Julienne na kahalikan diumano ng big boss. At sa mga nakakaalam na hindi siya nagsasalita? Well, kasintaas ng langit ang kilay na ibinabato ng mga ito sa kanya na para bang sinasabi na paano nagustuhan ng tulad ni Edward ang isang pipi na tulad niya. May mga parinig din na kahit gusto niyang bale-walain na lang ay hindi naman niya magawa. Naapektuhan siya. Aware kaya si Edward sa sitwasyon? Rain, I’m sorry, mukhang binibigo kita sa sandaling ito, sabi niya sa sarili. Paano ay alam ni Julienne na hindi niya maibigay ang is

