“SERIOUSLY?” nadidismayang bulalas ni Edward nang lalong bumuhos ang malakas na ulan. Nasa highway pa rin sila noon. Palabas pa lang sila ng WonderWorld nang umulan. Julienne could not help but smile. Kung ano man ang sorpresa ni Edward sa kanya ay tila nasira iyon ng ulan. Bumaling siya sa bintana sa gawi niya, nakita niya ang salamin na nagsisimula nang mamuti sa fog. Tumagilid siya. Itinaas niya ang hintuturo at nagsimulang magsulat sa salamin. Pulos pangalan lang naman ng binata ang kanyang isinulat. Edward, Edward, Edward… Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang iPad at nagsulat. Punta tayo sa park? May playground doon sa susunod na exit… Umisod siya sa tabi nito at ipinakita iyon. Sumulyap naman doon si Edward. “Park? Now? Kahit umuulan?” nagtatakang tanong ng

