“RELAX,” bulong ni Edward kay Julienne, kasabay ng marahang pisil sa magkahugpong nilang kamay. Kabababa palang nila mula sa kotse ng binata. Naroon sila sa isang fine dining restaurant para katagpuin ang tiyahin ni Edward na ipapakilala diumano nito sa kanya. Hindi na siya nagtataka na naramdam nito ang tensiyon niya dahil nag-uumapaw iyon sa kanyang dibdib. Kahapon ay hindi na nakatanggi si Julienne kay Edward nang sabihin ng binata na ipakikilala siya sa tiyahin nito. She just could not break his heart. Habang nagkukuwento kasi ang binata ng tungkol sa tiyahin ay kapansin-pansin at mahirap bale-walain ang kakaibang ningning sa mga mata nito. Saka niya napag-alaman na si Tita Leticia na pala ang halos tumatayong ina ng binata. Ilang beses din na tinangka ni Edward na pag-usapan

