KAILAN ko uli siya makikita? usal ni Julienne sa kanyang sarili. God! I miss him so much. So much! Parang taon na ang dumaan mula nang huli niyang makita si Edward at labis na ang pangungulila niya sa binata. Nakabalik na siya sa WonderWorld pero ni minsan ay hindi pa roon nagpapakita ang binata. Ayon sa mga impormasyong nakalap niya mula sa mga empleyado ay ang kapatid diumano nito na si Collin ang pansamantalang namamahala sa WonderWorld at hindi tiyak kung kailan babalik si Edward doon. Wala ring makapagsabi kung lumabas ba ng bansa ang binata o hindi. Araw-araw siyang umaasa na sana ay makita uli niya ito. At ang kakatwang pangyayari sa pagitan nila? Sa puso ni Julienne ay patuloy pa rin siyang naniniwala na totoo iyon. Kahit panaginip lang iyon naniniwala siya na pinagsaluhan nila ang

