Chapter 10

2353 Words

“ANO’NG meron? Anong hiwaga ang hatid ng session ngayon at para kang araw na napakaliwanag ng aura? And your smile… hmm… umaabot hanggang mga mata mo. Magkuwento ka,” ani Althea.         Pang-araw na uli ang duty nito kaya marami na namang oras na magkasama sila. Kadarating lamang ni Julienne sa bahay. Inilapag niya ang mga gamit sa mesita at naupo sa tabi nito. Si Althea naman ay pinatay ang telebisyon.         “Dumalo sa session si Edward,” sabi niya sa kaibigan sa pamamagitan ng sign language.         Nanlaki ang mga mata ni Althea. “Really? As in? `Tapos? Ikuwento ang nangyari, bilis! Alam niyang nagtatrabaho ka sa WonderWorld?”         Umiling siya. “Nawala sa isip ko na sabihin na doon ako nagtatrabaho.”         “Oh, of course. Maiisip mo pa nga ba naman iyon kung kinikilig ka.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD