MABILIS na lumipas ang mga araw. Sa bawat araw na iyon ay gumigising si Edward na excited. Pagmulat pa lang ng kanyang mga mata ay mataas na ang enerhiya niya. Masigla siyang bumabangon at naghahanda sa pagpasok sa trabaho. All because Edward was eager to see Julienne and be with her again. Ang mga nakapaligid sa kanya, bukod sa nagtataka sa kakaibang sigla na ipinamamalas niya, ay nag-iisip na bumalik na sa normal ang kanyang buhay. Makita lang niya si Julienne ay kompleto na ang buong araw niya. Para bang nainom niya ang lahat ng uri ng multivitamins at kung ano-ano pang uri ng energy drinks. Marami na siyang nakilalang tao sa buhay niya pero walang sino man sa mga ito ang may-kakayahang dulutan siya ng kakaibang pakiramdam na idinudulot sa kanya ng dalaga. Weird pero makita pa

