SEIJI (The Dapper Vampire)
Si Merisa ay transferee student sa Hanoka University. Nasa ikatlong taon na siya sa kursong nursing nang lumipat sila sa Santris City. Wala na siyang nagawa kundi ang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa bagong University na papasukan, sa ayaw at sa gusto niya. Umpisa palang nang klase ay na-bully agad siya dahil sa kulay ng kanyang buhok. Kulay pink ang mahaba at may bangs niyang buhok dahil favorite color niya ito. Idagdag pa ang kulay ng kanyang mata na kulay green. Mahilig siyang magsuot ng iba't-ibang kulay ng contact lenses. Medyo weird man ang style niya pero iyon ang trip niya kaya walang basagan ng trip.
Nagtimpi at tinanggap nalang niya ang lahat ng pangbu-bully sa kanya. Kahit gustong-gusto niyang patulan at gumanti sa mga nambu-bully sa kanya ay hindi niya ginawa. Naging defence mechanism niya na ang pagsasabi ng pangalan ng boyfriend niya kuno. Na lagi niyang binabanggit para humingi ng tulong kapag sinasaktan siya.
Hanggang isang araw, na-bully na naman siya ng grupo ni Kyla. Itinali siya ng mga ito sa may puno na nasa likod ng campus. May mga hawak itong mga boiled eggs na ipangbabato sa kanya dahil siya ang target. Nang makita niya nang ibabato na ito sa kanya, naisigaw niya ang katagang "Seiji, please help me,". Gawa-gawa man niya ang imaginary boyfriend, umaasa siyang may taong tutulong sa kanya.
Narinig niya ang pagtili ng grupo ni Kyla na naglalaway pa. Nabitawan pa ng mga ito ang hawak na boiled eggs sa sobrang kilig. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganoon ang mga ito. Pero may lalaking mukhang nanggaling sa likuran ng puno kung saan siya nakatali ang pumunta sa harapan niya.
Matangkad ito, matangos ang ilong, makapal ang kilay, may heart shape lips na talagang pula pa ang kulay, kissable lips talaga. Singkit at kulay pula ang mga mata ng lalaki.
"Why do you always call me whenever you're in trouble?" malamig na tanong nito sa kanya.
"Ha?" maang siyang napatingin sa guwapong lalaki na ngayon lang niya napansin na nakasuot ng white long sleeve polo at black pants. Ang guwapo nito kahit ang simple lang ng suot, 'yun nga lang cold ang presence nito.
"I'm Seiji, I heard you repeatedly calling my name whenever you're in trouble," nagsalubong ang dalawang kilay nito.
Napatulala siya nang makita ang sarili sa mga mata nito dahil sa lapit ng mukha nila sa isa't-isa ngayon. Parang nalulunod siya sa tingin nito sa kanya.
"I-ikaw? Si Se-seiji?" napalunok laway siya. Sa sobrang tense ay nautal siya.