† CHAPTER 12 †

1293 Words
NAPAPAKUNOT nalang ng noo si Merisa habang pinapakinggan ang dalawang kaibigan na bukambibig ang kanilang crush. Halos apat na araw na niyang naririnig ang pangalan ng lalaki na madalas banggitin ng mga ito. Napaayos siya ng upo at tinapos na ang pagkain niya ng spaghetti, inubos na rin niya ang iced tea. "Mga bebe, una na muna ako sa inyo, ha?"   paalam niya sa dalawang kaibigan. "May twenty minutes break pa tayo, Merisa."   tugon ni Eighene sa kanya. "Oo nga,  tama si Eighene. May ilang minuto pa tayo, kaya wait mo na kami."   untag naman ni Winchille Ann. Ngumiti siya at umiling.  "Sorry girls pero may dadaanan pa kasi ako."  mabilis niyang inilagay sa tray ang pinagkainan at pumunta malapit sa counter kung saan inilalagay ang mga ito. Ganoon ang pamamalakad sa cafeteria na ikinatutuwa niya dahil sa line na, pinagkainan mo ligpitin mo. Nagpapasalamat siya na hindi na siya hinabol ng dalawang kaibigan para pigilan sa pag-alis. Wala naman talaga siyang dadaanan talaga. Gusto niyang tumambay ng ilang minuto sa garden ng university. Gustong-gusto niya ang sariwang hangin doon. Nang makarating siya sa garden ay umupo agad siya sa isang bench na nasa lilim ng malaking puno na sentro ng garden. Mas malamig kasing maupo roon kaya madalas siyang umupo sa bench na iyon. Napabuntong-hininga siya matapos na umupo sa bench. Napatingin siya sa kawalan na may malungkot na mukha. Napatingin naman siya sa kanyang kamay at binilang ang araw. "Wednesday, thursday, friday, saturday, sunday and monday."  napabuga siya ng hangin at malungkot na tiningnan ang kanyang mga daliri.  "Nami-miss na kita Seiji, mag-aanim na araw na kitang hindi nakikita."  halos bumutil ang mga luha niya ng sabihin iyon sa mahina niyang boses. Alas-otso ng gabi nung wednesday nang magpaalam sa kanya si Seiji. Dahil sa may naamoy sila ng Mama Reiku nito na inferior vampire. Sa isang bakanteng lote ay may natagpuan na isang babae na tuyot na tuyot. Parang ultimo maliit na patak ng dugo ay walang tinira ang bumiktima rito. Hindi niya alam kung ano ang ire-react nung gabing 'yon. "MERISA aking mahal,"   tawag ng pamilyar ng boses sa kanya habang abala siya sa pagbabasa ng libro niya sa kanyang study table. Mabilis siyang tumayo at patakbong lumapit kay Seiji na kakasarado lang ng pinto ng kanyang kuwarto. Napatalon siya sa tuwa at yumakap dito. Natatawang binuhat pa siya ni Seiji. "Anong ginagawa mo rito, mahal?"  kinikilig na tanong niya matapos kumawala sa bisig nito. Officially na mag-boyfriend at girlfriend silang dalawa. Sa pangatlong gabi na pag-akyat ng ligaw nito ay agad niya itong sinagot ng YES. Bakit pa niya papatagalin at papahirapan ito kung puwede naman magsabi ng YES agad. Siya na nga ang pinaka suwerteng nilalang dahil sa kanya nagkagusto ang napakaguwapong si Seiji. Tinalo pa nito sa kaguwapuhan ang ultimate bias niyang si Kim JunMyeon ng K-pop Group na EXO. Masaya talaga siya na pinaranas nito ang pakiramdam na may nanliligaw sa'yo na pupuntahan ka pa sa bahay. 'Yung mga nanliligaw sa kanya ay puro sa social media ang daan na talagang kinaaasaran niya. Por que advance na at nag-level up ang technology pati panliligaw damay?  'yan ang madalas niya sabihin kapag may nanliligaw sa kanya sa mga social media accounts niya. "Magpapaalam ako na mawawala ako ng ilang araw. Ayaw ko man na malayo sa'yo ay kailangan. Kapag pinabayaan namin ito ni Mama ay baka dumami sila. Mas lalong mapanganib lalo na sa'yo, mahal."   sagot nito sa kanya habang masuyo nitong hinahaplos ang kanyang mukha. Na tila ba kinakabisado ang kabuohan ng kanyang mukha. "Ha? hindi kita maintindihan."   naguguluhang sagot niya. Hindi niya maintindihan kung anong tinutukoy nito. "Kanina habang naglilibot kami ni Mama sa Santris City ay may nalanghap kaming dugo. At may naamoy na isang inferior vampire. Pagdating namin ay tuyot na tuyot na ang isang babae na nakita namin sa bakanteng lote."   paliwanag ni Seiji sa kanya. Nangunot ang kanyang noo na parang ampalaya. Hindi niya makuha ang ibig sabihin ni Seiji. "Inferior vampire?"  kunot noong tanong niya. Kakakunot niya ng noo ay magmumukha na talaga siyang ampalaya. Baka isipin pa ni Seiji na bitter siya. "Inferior vampire ang tawag sa mababang uri ng bampira. Kung kami ng pamilya namin ay hindi sumisipsip ng dugo ng buhay na tao. Sila ay sumisipsip hanggang sa huling patak nito. Pagkatapos ay magiging kauri nila ang nabiktima nila."   paliwanag pa nito sa kanya. "Nakakatakot pala sila, mahal. Eh, ano ginawa ninyo sa babaeng tuyot na tuyot?"   nagkakaroon na siya ng interest sa mga sinasabi nito. Kailangan niyang malaman at unawain ang mundo na mayroon si Seiji. Kung ito nga ay nagagawang unawain ang mundo na mayroon ito, siya pa kaya? "Pinatay ni Mama,"  sagot nito sabay halik sa kanyang noo.  "Dapat talagang matakot ka dahil 'yung dumalaw sa'yo nung madaling araw na nagbahid ng dugo sa bintana mo ay isang inferior vampire."   bulong nito habang inaamoy ang kanyang buhok. "Ha? ano sabi mo?"   tanong niya dahil hindi niya maintindihan 'yung binulong nito. "Napakabango ng dugo mo, mahal. Kaya hindi ako magtataka kung bakit ka pinuntahan dito. Kailangan kong mapatay siya bago ka pa mapahamak."  sabi ni Seiji habang inaamoy pa rin ang buhok niya. Nauna ang kilig niya nang marinig na sinabi nitong napakabango niya. Dahil sa naramdaman niyang kilig ay hindi na niya naintindi pa ang mga sumunod na sinabi nito. Naman! kulang nalang ay gawin  niyang pabango ang shampoo sa dami ng nilalagay niya. Napansin niyang madalas amoyin ni Seiji ang buhok niya. "Aalis muna ako aking mahal, babalik agad ako. Iniisip ko palang na hindi kita makikita ng ilang araw ay parang nawawalan na ako ng hininga. Mahal kita, aking mahal na Merisa."   masuyo siyang ginawaran  ng halik bago ito nawala sa kanyang harapan. Napapadyak siya ng paa nang maalala ang gabing iyon. Hanggang ngayon ay napipikon pa rin siya na hindi man lang nakasagot ng 'mahal rin kita' kay Seiji. Alam naman niyang hindi tanong iyon para sagutin. Kasi feelings 'yon na kailangan tugunan at suklian. "Okay ka lang ba?" Isang baritonong boses ang pumukaw sa kanyang pag-e-emote. Tumayo siya at nmapatingin niya sa buong paligid at nakita ang taong nagsalita na nakatayo sa likod ng bench na inupuan niya. Napataas siya ng kanang kamay at gamit ang hintuturo ay tinuro niya ang kanyang sarili. "Ako ba ang kausap mo?"   naguguluhang tanong niya. Tumawa ang lalaki at napatitig sa kanya.  "Ikaw at ako lang ang nandito kaya ikaw ang kinakausap ko."   nakangiti nitong sagot sa kanya. Napanguso siya. Nakaramdam siya ng inis sa lalaki dahil bukod sa hindi niya gusto ang pa cool effect nito ay ito rin ang lalaking apat na araw ng topic ng kanyang kaibigan. "Sorry naman, akala ko 'yung puno kausap mo!"   sarkastikong tugon niya na bumalik na sa pagupo. "Chill, nagagalit ka agad."   sabi nito na seryoso naman ang tono. Nakaramdam tuloy siya ng inis. Bakit itong lalaki na ito ay hindi na bully kahit transferee lang. Samantalang siya halos palayasin sa university sa sobrang ayaw sa kanya. Kailangan maging guwapo para hindi ma-bully? Pero blessing in disguise naman ang pag-bully sa kanya dahil nakilala niya si Seiji. "Sorry sa sinabi ko. Ang pangit na tuloy ng impression mo sa akin."   mabilis na sabi nito para ipaliwanag 'yung nasabi nito. "Okay,"   tamad niyang tugon ng tumayo na ng bench at tinalikuran ito. "Ako nga pala si Levi, ikaw?"   bigla ay sabi nito. "Hindi na importante,"  tamad niyang tugon habang nagsisimulang humakbang. "Hindi importante? Sa magandang tulad mo, Merisa?" Mabilis siyang napalingon at tinitigan ito na gulat na gulat. Alam nito ang pangalan niya. Pero paano? Samantalang isang linggo palang ito mula nung mag-transferee at never nag-cross ang landas. Sa home screen ng cellphone ng dalawa niyang kaibigan niya nakita ang itsura nito. Nakakapagtakang kilala siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD