KANINA pa nakatayo sa harapan ng salamin si Merisa sa kanyang kuwarto. Para siyang bata na walang kapagod-pagod sa pagngiti. Ang bungisngis niya tuloy tingnan habang siya ay nananalamin. Napapikit siya at inalala ang mga nangyari kaninang umaga. Hanggang ngayo'y hindi pa rin siya makapaniwalang gigising siya ngayong umaga na si Seiji ang una niyang makikita. Nakakapanibago na hindi kisame ang una niyang nakita. Iyon kasi ang madalas niyang makita tuwing siya ay nagigising sa umaga.
Hindi pa rin siya makapaniwalang ilang beses inangkin ni Seiji ang kanyang labi. Kay sarap sa pakiramdam na mahalikan ng isang Seiji.
Napamulat siya ng mata at pinagmasdan ang kanyang mukha. Kitang-kita niya ang pamumula ng magkabila niyang pisngi lalo nang mapadako ang kanyang tingin sa labi niya.
"Oh, My God!" bulaslas niya sabay hawak sa labi niya gamit ang kanang hintuturo at hinlalato.
Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang labi ni Seiji. Ang mainit, malambot at napakatamis nitong labi na daig pa ang paborito niyang chocolates sa katamisan. Hanggang ngayon ay nasa sistema pa rin niya ang kilig na nararamdaman.
Napatingin siya sa make-up kit niya na nasa kanyang harapan. Nakalimutan niya na ang dahilan kung bakit siya nakaharap sa salamin.
"Anong flavor kaya? 'Yung bubblegum? O cherry? Ito nalang kayang strawberry?" tanong niya sa kanyang sarili habang pumipili ng lip balm na gagamitin niya sa kanyang labi.
Kanina pa siya pumipili ng lip balm. Pakiramdam niya ay ang tabang ng labi niya. Kaya kailangan niyang gumamit ng lip balm. Para kung sakali man na halikan siyang muli ni Seiji ay matatapatan niya ang mala-chocolates nitong labi. Wala naman flavor ang lipstick, mahawaan pa niya ng lipstick si Seiji kapag nagkataon.
"Hanggang anong oras mo balak na tumayo riyan sa tapat ng salamin, Risa?"
Gulat na napatingin siya sa kanyang pinto. Nanlaki ang dalawa niyang mata nang makita ang Kuya Markin niya sa tabi ng pintuan habang ito ay nakahalukipkip.
"Ah, Kuya Kin, ano." hindi alam ni Merisa kung anong sasabihin niya. Nahihiya pa rin siya sa kanyang Kuya. Mula ng mag-walkout ito kanina ay hindi na niya ito nakita.
"Ngayon ka lang tumagal ng ganyang katagal sa harap ng salamin. Kanina pa naghihintay si Seiji sa baba at kanina pa siya kinukulit nila Mama at Papa. Wala ka naman sigurong balak na mag-cutting para makipag-date sa kanya, ano?" tanong ng Kuya Markin niya habang binibigyan siya ng mapanuring tingin.
Pakiramdam niya ay nasa isang kuwarto siya kaharap ang isang investigator. Nakakakaba ang tanong nito. Pero, ang mas nagpakaba sa kanya ay 'yung sinabi nitong kinukulit ng Mama at Papa niya si Seiji.
"Ano Kuya? Kinukulit si Seiji nila Mama at Papa?" gulat na gulat niyang tanong na napatakbo pa palapit sa kanyang Kuya Markin.
Magsasalita na sana ang Kuya Markin niya nang lumabas siya ng kanyang kuwarto. Lakad takbo na ang ginawa niya papunta sa hagdanan. Mabilis rin ang kanyang paghakbang sa hagdan para mabilis na makababa.
Naku po, baka ma-open ni Seiji sa parents ko 'yung tungkol sa kasal. Baka magulat si Mama at mahimatay. nag-aalalang sabi niya sa kanyang sarili habang binibilisan ang paghakbang.
Nang makarating siya sa sala ay nakita niyang nagtatawanan ang parents niya at si Seiji. Magkaharapan ang mga ito na nakaupo sa salas set nilang sofa. Parang gusto niyang kuhaan ng picture ang eksenang iyon. Ngayon lang niya nakitang ganoon kasaya ang parents niya. Dahil ba ngayon lang siya nagka-boyfriend? O talagang busy siya sa mga stuffs and events niya dati kaya nawawalan na siya ng time para makipag-bonding sa parents niya?
"Risa anak, mabuti naman bumaba ka na. Kanina ka pa hinihintay ng guwapo mong boyfriend." masayang bati sa kanya ng kanyang Mama nang makita siya nito.
Napatingin siya kay Seiji na todo ang ngiti. From ear to ear ang ngiti nito. Kulang nalang ay mapunit na ang labi nito.
Tumingin sa kanya si Seiji na nagpabilis ng t***k ng kanyang puso. Para bang may nag-uunahang kabayo sa kanyang puso.
Napatingin siya sa sahig. Hindi naman niya pinagkukumpara ang kaguwapuhan ni Seiji sa tiles ng kanilang salas. Sadyang nahihiya siya rito. Akala niya ay panaginip lang ang mga nangyari kanina. Sa pag-aakala niyang panaginip lang iyon. Walang tigil pa rin si Seiji sa pagkumbinsi sa kanyang totoo iyon. Sa huli ay naniniwala siya, kung kailan manhid na ang labi niya sa kakahalik nito. Para patunayang, this is real.
Vampire ba talaga si Seiji? tanong niya sa sarili. Inangat niya na ang kanyang tingin at sinalubong ang nakakatunaw na tingin ni Seiji.
Kung Vampire talaga si Seiji. Bakit sa kiss siya nauuhaw? Hindi sa dugo? Baka naman kissing monster siya? At hindi vampire? tanong uli niya sa sarili habang sinasalubong pa rin ang tingin nito.
"Risa?"
Narinig niya ang pagtawag sa kanya ng kanyang Mama. Kaya umiwas na siya ng tingin kay Seiji.
"Bakit po?" wala sa sariling tanong niya.
"Mabuti pang umalis na kayo baka mahuli ka pa sa klase," sabi ng kanyang Mama na tinulak-tulak pa siya palapit sa sofa na inuupuan ni Seiji.
"Mama naman, eh. Kailangan ba na may kasama pang tulak?" nakangusong tanong niya nang may matamaang matigas na bagay na parang wall sa kanyang kaliwang gilid.
"Kailangan talagang itulak ka niya para sa akin ka lang mahuhulog."
Maang na napatingin siya sa nagsalita. Napasinghap siya nang makita si Seiji sa kaliwang gilid niya. Si Seiji pala ang parang wall na natamaan niya.
Inosente pang napatingin si Merisa sa chest at tummy ni Seiji. Nai-imagine niya ang magandang katawan ni Seiji na minsan na niyang nakita. Hindi na talaga siya magtataka kung bakit parang wall ang natamaan niya.
Naputol ang pagtingin niya sa katawan nito nang maramdaman ang kuryenteng nagpabalik sa kanya sa realidad.
"Don't look at my body like that, Merisa. Hindi mo lang alam kung gaano katindi ang pagpipigil ko na halikan ka ngayon." bulong na sabi sa kanya ni Seiji sa kaliwa niyang tainga.
Napalayo agad siya ng kaunti at nanlalaki ang mga matang tiningnan ito. Napatakip agad siya ng labi gamit ang kanang palad dahil sa sinabi nito.
"Hindi ka ba nagsasawa?" bigla niyang naitanong.
Parang gusto niya lumubog sa kinatatayuan niya dahil hindi pabulong ang tanong na iyon. Siguradong narinig ng Mama niya ang tanong niya.
"Paano ko pagsasawaan ang isang bagay na gustong-gusto kong angkinin minu-minuto. Para bang hangin iyon na kailangan ko para ako ay mabuhay." sagot nito habang titig na titig sa kanyang labi.
"Haha." tumawa siya ng lingunin ang kanyang Mama. "Alis na po kami." tawa-tawa pa niyang paalam nang tumingin sa kanyang Papa na nakaupo sa sofa at sa kanyang Mama na mukhang speechless.
Hinawakan niya sa kanang wrist si Seiji at hinila na ito palabas ng bahay. Nang makita niya ang kanyang personal driver ay sinenyasan nalang niya ito. Nauna siyang sumakay sa backseat. Pagpasok ni Seiji sa loob ay tiningnan niya ito.
Pinipigilan niya ang over feels na kilig sa biglang pagbanat lines ni Seiji sa harap ng magulang niya.
"Sei---" hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin nang bigla siyang yakapin ni Seiji. Hinalikan pa nito ang kanyang buhok na may kasama pang pag-amoy ng shampoo na ginamit niya.
"For now, this is enough for me. As long as you are near like this, I can still breath without kissing your lips."
Sa sinabing iyon ni Seiji tuluyan ng natunaw ang pagpipigil niya ng kilig. Gumanti siya ng yakap kay Seiji. At gaya ng ginawa nito, inamoy niya ang mabango nitong balikat. Napapakagat labi tuloy siya sa pagpipigil ng over feels na kilig. Baka siya pa ang magbigay ng hangin kay Seiji. Natutukso tuloy siyang halikan ito.