† CHAPTER 10 †

2908 Words
ISANG malakas na tili ang kumawala sa labi ni Merisa nang siya ay bumangon sa kanyang kama. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa mabilis na pagpintig ng kanyang puso. Napayakap siya nang mahigpit sa kanyang katawan habang nanginginig sa takot ang buo niyang kalamnan. "Bangungot," usal niya. Napatingin siya sa kanyang bintana. Kahit hindi na niya silipin ang labas ay alam niyang bilog ang buwan ngayon. Tuwing bilog lang ang buwan siya nagkakaroon ng masamang panaginip. Pero, mas nakakatakot ang panaginip niya ngayon. Dahil unti-unti ng nagkakamukha ang nilalang na nakikita niyang nagtatago tuwing inililigtas siya ni Seiji. "Bakit ba nananaginip ako ng ganoon? Nagdadasal naman ako, ah, bago ako matulog." mahinang tanong niya sa kanyang sarili. Napakagat labi siya nang tingnan niya ang orasan na nakasabit sa dingding. Two o'clock in the morning. Tuwing ganitong oras talaga siya nagigising tuwing bilog ang buwan. Ano bang mayroon sa oras na 'yon? Hindi niya malaman kung saan siya humugot ng lakas para makatayo sa kanyang kama papunta sa may bintana. Sa kabila ng panghihina ng kanyang tuhod at nanginginig na laman. Nakarating pa rin siya sa tapat ng kanyang bintana. Hinawi niya ang kurtina para masilayan ang bilog na buwan. "A-ano, ito?" gulat na gulat niyang tanong dahil may ilang mantsa sa salamin ng kanyang bintana. Hindi niya magawang kumilos ng mapagtanto niya na ang mantsang nakikita niya ay dugo. Sigurado siyang dugo iyon dahil halatang sariwa pa ang pagkapula nito. Kitang-kita niya ito dahil sa liwanag ng bilog na buwan. Parang may kung anong liwanag siyang nakita sa hardin kaya napatingin siya roon. Halos maging bato na ang kanyang katawan sa kanyang nakikita. "Si-sino ka?" tanong niya sa mahina at basag niyang boses. Habang tinitingnan ang nilalang na nasa hardin. Hindi niya makita ang mukha ng nilalang na iyon pero kitang-kita naman niya ang bulto nito. Alam niyang hindi si Seiji iyon. Napapikit siya ng mariin nang makita niyang gumalaw ang bulto nito papunta sa kanyang bintana. "Seiji!" tawag niya kay Seiji kasabay ng pagsalampak niya sa sahig dahil sa takot. Para bang pamilyar sa kanya ang bulto na iyon. Parang kanina lang nagbigay ito ng takot na nagpagising sa kanya mula sa bangungot. "Aah!" tili ni Merisa nang may maramdaman sa kanyang kanang braso. "Merisa! It's me, Seiji." sabi ng may baritonong boses na humawak sa kanang balikat niya at nagpihit paharap rito. Maluha-luhang nag-angat ng tingin si Merisa. Isang mabilis na yakap ang ginawa niya nang makilala ito. Hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya na ito. "Seiji, natatakot ako," umiiyak na sabi niya habang hinihigpitan ang pagkakayakap kay Seiji. "Huwag kang matakot, nandito na ako." tugon nito sa kanya habang pinapakalma siya nito sa pamamagitan ng paghagod ng kanyang buhok papunta sa kanyang likuran. "Ma-may dug-dugo," nanginginig niyang sabi habang itinuturo ang bintana. Pipigilan niya sana si Seiji na huwag ng tumayo at huwag ng tumingin sa bintana. Pero kahit anong pilit niya na maigalaw ang kanyang katawan ay hindi niya magawa. Para siyang isang puppet na walang buhay. Napapikit siya habang binabalikan ang nangyari sa kanyang panaginip. Nang iligtas siya ni Seiji sa kanyang panaginip ay bigla itong naglaho sa harapan niya. Ang nilalang na may pulang mata na nagtatago sa madilim na lugar ay unti-unting nagpapakita sa kanya. Nagkakahulma na ito kaya nakikita niya na ang bulto nito. May pula itong mga mata, may mahabang pangil, nagkalat ang dugo sa mukha nito maging sa katawan nito. Unti-unti itong naglalakad papalapit sa kanya. "Huwag kang lalapit!" wala sa sariling sigaw ni Merisa habang nangangatog sa takot dahilan para mawalan siya ng malay. UNTI-UNTING iminulat ni Merisa ang kanyang mga mata. Nanlaki at namilog ang kanyang mga mata nang makita niya si Seiji na ilang pulgada lang ang layo sa kanya. Nagtatakang tiningnan niya ito. "Nananaginip ba ako?" mahinang tanong niya sa paos niyang boses. Iginalaw niya ang kanan niyang kamay palapit sa mukha ni Seiji. Maingat niyang hinawakan ang pisngi nito. Kung panaginip man ito, this is the best dream she ever had. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang guwapong mukha nito habang payapa itong natutulog sa tabi niya. "Are you done checking me, Merisa?" Napasinghap siya nang hawakan ni Seiji ang kamay niyang nakadampi sa mukha nito. Lalo siyang napasinghap nang unti-unting nagmulat ang mga mata nito. His red eyes is like a red rose, it's really beautiful. Ang ganda ng pulang mata ni Seiji. Napangiti siya habang sinasalubong ang tingin nito. "Ito na yata ang pinakamagandang panaginip ko." nakangiting sabi ni Merisa habang sinasalubong ang tingin ni Seiji. Nakita niyang ngumiti ito sa sinabi niya. Nang dahil sa ngiting 'yon bigla nalang bumilis ang t***k ng kanyang puso. "This is the best morning I ever had." sabi ni Seiji habang tinatawid ang pagitan nilang dalawa. Napapikit siya nang makitang malapit na si Seiji sa kanya. Naramdaman niya ang isang malambot at matamis na bagay na umaangkin sa kanyang labi. Pakiramdam niya ay para siyang nasa alapaap. Bawat paggalaw ng labi ni Seiji ay kanyang sinusundan. Hindi niya mapigilang mapangiti sa gitna ng paghahalikan nila. Kahit sa panaginip ay hindi nagbabago sa sistema niya ang pakiramdam na 'yon tuwing hinahalikan siya ni Seiji. Mas tumitindi pa nga ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Mas lalo siyang nakukuryente kay Seiji. Mas lalong umaapaw ang kilig na nararamdaman. Napamulat siya ng mata matapos tapusin ni Seiji ang pag-angkin sa labi niya. "Maayos na ba ang pakiramdam mo, Merisa?" tanong nito sa kanya habang masuyo nitong hinahawakan ang kanyang pisngi. Tumango siya. "Basta't nandito ka sa tabi ko," sagot niya. Kitang-kita niya ang pagkagulat nito sa sinagot niya na kalaunan ay naging isang matamis na ngiti. "I can't wait to marry you, Merisa. Hindi ako makakapayag na may umagaw sa'yo mula sa akin." mariin nitong sabi habang mas tumitingkad pa ang pagpula ng mata nito. Napakagat siya ng ibaba niyang labi para pigilan ang kilig na nararamdaman. Pero kahit anong gawin niyang pagpigil ay bigla na lang siyang napangiti habang nag-iinit ang magkabila niyang pisngi. "Sana, totoo nalang ito." naisambit niya habang tinitingnan si Seiji. Napasinghap siya nang angkinin muli ni Seiji ang labi niya. Matapos nitong angkinin ang labi niya ay hinalikan siya nito sa kanyang noo. Hindi makapaniwala si Merisa sa nangyayari ngayon. Dream is better than reality. Parang ayaw niya ng magising pa sa panaginip na ito. "Merisa!" Isang malakas na sigaw ang bumalot sa kanyang kuwarto kaya kapwa sila napabangon ni Seiji mula sa pagkakahiga. "Anong ginagawa ninyong dalawa?" tanong ng kanyang Kuya Markin habang tinuturo silang dalawa gamit ang kanang hintuturo nito. Marahas na napailing ang Kuya Markin niya. Nakatayo ito sa paanan ng kanyang kama. Namumutla ito at para bang nakakita ito ng multo. "I'm sorry, kung dito na ako natulog sa kuwarto niya. Hindi ko siya kayang iwan kaninang madaling araw matapos siyang mawalan ng malay," Narinig niyang sabi ni Seiji kaya napatingin siya sa mukha nito habang namimilog ang mga mata niya. Mawalan ng malay? Ako? Nawalan ako ng malay? naguguluhang tanong niya sa kanyang sarili. "Nawalan ng malay si Merisa?" nagtatakang tanong ng Kuya Markin niya kay Seiji. "She called my name, that's why I'm here. Takot na takot siya nang makita ko siyang nakasalampak sa sahig sa tapat ng kanyang bintana. Nang mawalan siya ng malay ay binuhat ko siya at inihiga siya sa kanyang kama. She's crying while her eyes are closed. Kaya hindi na ako umalis sa tabi niya." tugon ni Seiji. Nanlaki ang mga mata niya. Para bang binabangungot siya. Kanina lang ay isang maganda itong panaginip. Bakit nagkaganito na agad? Napatingin siya sa kanyang Kuya nang marinig itong tumawa. "Hindi ka na umalis sa tabi niya kaya natulog ka sa tabi niya?" tanong ng kanyang Kuya na sarkastiko pang tumawa. "Pambihira! Magpapasalamat sana ako na hindi ka umalis sa tabi niya. Pero, parang hindi tama na madadatnan ko kayong magkayakap na dalawa!" sigaw pa nito. "I'm going to marry her as soon as possible. So, no man can steal my property, because Merisa is only mine. Mine!" mariin at malinaw na sabi ni Seiji. Halinhinan niya tiningnan ang Kuya Markin niya at si Seiji. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha ng Kuya niya maging ang pagnganga nito. "Seiji," wala sa sariling tawag niya rito. Tiningnan siya nito. Kulay itim na ang mata nito. "Yes?" nakangiting tugon nito. "Nananaginip ba ako o binabangungot ako?" tanong niya. Ngumiti lang ito sa kanya bago pinisil ang kanyang pisngi. "Can I marry you now? Para malaman mong totoo ito. At hindi ka nananaginip?" patanong na tugon nito sa kanya. "Mababaliw ako sa inyong dalawa! Kayo talagang mga kabataan. Argh!" frustrated na sabi ng kanyang Kuya Markin na mabilis na lumabas ng kanyang kuwarto. Napatingin siya sa pinto. Napakunot siya ng noo. Kukurutin niya na sana ang kanyang sarili para malaman kung nananaginip ba siya o hindi. Pero pinigilan siya ni Seiji. "Don't hurt yourself. This is real," sabi nito sa kanya. "Like this." dagdag pa nito bago nito inangkin ang kanyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD