CHAPTER ONE -The Different World’s
ANG MAGING isang pinuno ng bansa ay isang malaking pagsubok na haharapin ng bawat sino man. Dito masusubokan ang iyong lakas, talino , tapang at paninindigan para sa bayan.. Pero para saakin being a country president is blessing to me –dahil matutulongan ko ang aking bansa para umunlad at mawala na ang kahirapan.
Namulat ako sa buhay ng kahirapan sa lugar namin sa Tondo manila, kung saan hindi mo alam kung anong magyayari sayo kinabukasan. Hirap at diskarte ang dapat meron ka para patuloy na mabuhay at umangat sa lipunan. Naalala ko pa noong wala kaming maulam o makain sa gabi, ang meron lang kami noon ay asin at tubig at iyun ang ginawa naming ulam para magkalaman lang tiyan namin. Sobrang hirap ng buhay ko noon bago maging Presidente. Nang-magkasakit si mama hindi kami pweding pumunta sa hospital dahil wala kaming pambayad sa pangpapagamot at sobra akong nahirapan sa sitwasyon na yun. Mulat ako sa mundo ng kahirapan kaya pinangako ko sasarili ko na balang araw babagohin ko ang bansang ito. Kung saan may roong pagkapantay-pantay.
Kapang mahirap ka salat ka sa edukasyon, kapang mahirap ka gagawin ka lamang katulong ng nakakataas sayo, kapang mahirap ka wala kang hustisya, kapang mahirap ka kahit batas hindi ka tutulongan. Hindi pantay-pantay ang lipunan kung mahirap ka. Kailangan mong umangat upang maging karapat-dapat.
Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko kung ano ako dati ng hindi pa ako naging presidente ng bansa. Na-isang simpling tao palang ako ng bayan ko na naghahangad ng pantay-pantay na lipunan.
“Ladies and Gentlemen may I have your attention tonight.”-sabi ng emcee para makuha ang attention ng mga tao sa loob ng Malacañang Palace “This is a night to remember, a night to celebrate– because a very special person who will turning into 25th years of existing in this world, I proudly to represent to you our Kagalang-galang Ama ng bayan President Marcos Salviron.”
Agad kong inayos ang necktie ko at malapad na ngumiti ng marinig kong tinawang na ang aking pangngalan ay ang hudyat na sakin upang pumasok sa silid at maglakad sa isang mahabang red carpet.
Pagbukas palang ng malaking pintoan sa harapan ko ay agad na kumikislap na liwanang ng camera nakumukuha ng litrato ang tumanbad saakin. Lahat ng attention ay na saakin ng gabing ito, lahat ng mga taong mahahalaga saakin ay nandito para sa aking espesial na araw ko.
Ang aking magulang na may ngiti sa kanilang labi, mga kaibigan na masayang nakatiting saakin, senador at congressman na nakasama ko sa buong paghihirap ko upang maabot ko ang posisyon ko ngayon higit sa lahat ang aking mga supporters na naging dahilan kong bakit ako nasa position bilang president ng pilipinas.
Isang taon na ang nakalipas ng maging isang presidente ako ng bansa ito, hanggang ngayon hindi ko parin akalain nasa ganitong posisyon ako ngayon. Mahirap maging isang ama ng bansa –isang bansa na puno ng kuraption, kahirapan at laganap na druga at mga kabataang walang edukasyon. Pero ito ako ngayon pilit lumalaban at lalaban para sa kaayusan ng bansa.
Nakangiti akong tumuntong sa stage at lumapit sa may microphone at tumingin sa mga taong nasa loob ng bulwagan habang may ngiti sa labi.
“Good evening my fellow country men,”-nakangiting wika ko “Masaya akong nandito kayong lahat para samahan ako sa aking ika-25 nakaarawan. Parang kailan lang isang simpleng mayor lang ako ng aking lalawigan ngayon isang presidente ng isang bansa at ama ng bilyong mga mamamayan –dahil yun sa inyong lahat. Dahil sa tiwala ninyo na maaayos ko ang bansang ito, maraming salamat. Isa lang ang hiling ko ngayong kaarawan ko ay manatiling ligtas ang aking bansa sa lahat ng panganib na darating.”-sambit ko bilang pagtatapos sa speech ko.
Nagsipalak-pakan ang mga taong nasa loob ng silid ang iba ay bumati saakin. Lumapit naman saakin ang vice president ko siyang matalik ko din kaibigan at kasama nito ang kanyang asawa.
“Happy birthday Marcos.”-nakangiting sabi nito saakin –si Matthew ang vice president ko
“Salamat Matthew.”-nakangiting ani ko
Matthew Liam is my childhood friend kasama kuna ito sa mga pagsubok sa buhay ko. Pareho kaming namulat sa kahirapan at hindi pantay na edukasyon sa lipunan kaya siguro pareho kami ng pangarap sa buhay at yun ay bagohin ang bansang ito mula sa kahirapan at maging maunlad na bansa sa buong Asian.
“Ang tanda muna pala Marcos, wala ka bang balak mag-asawa?”-birong tanong saakin ng asawa ni Matthew nasi Gracie
Natawa nalang ako sa tanong nito saakin. Well.. 25 years old na ako at malapit ng lumangpas sa kalendaryo pero kahit kailan man hindi pumasok sa isip ko ang mag-asawa dahil siguro sa trabaho ko bilang Presidente kaya hindi na ako nakapag-asawa.
“Wala pa akong plano sa ganyang bagay Gracie at marami pa akong plano para sa bayan.”-tanging sagot ko rito
“Hayaan mo yang si Marcos. Gracie. My love.”-tura ni Matthew sa asawa niya “Hindi na yan bata may isip na yan at baka hindi pa yan handang mag-asawa sa edad niyang yan.”-nagtatawang ani Matthew habang sumisimsim ng wine
“Grabe ka talaga saakin Matt. Pakatapos mo akong dipensahan aawayan mo naman ako. Your so bad talaga”-pagtatampon ko sakanya sabay nguso rito
Pinandilatan man ako nito ng mata na parang nagsasabing “Shut up! You moron. Hindi bagay sayo ang maging abno.”
“Tumigil ka Marcos, kalalaking mong tao tapos magtatampo ka, kadire pre.”-inis nitong sabi ni Matthew
Natawa nalang ako sa mukha nitong parang nangdidire kaya lumapit ako nakapamaywanga para yakapin pa ito. Siya naman itong pilit akong pinabibitaw sa pangkakayakap ko sakanya.
“Mag-asawa ka na kasi Marcos para doon kana manglambig sa asawa mo.”-sabi ni Gracie habang tawang-tawa sa kanyang asawa na inis na inis na saakin…
“Oo nga Marcos!”-pagsang-ayon ng kaibigan ko sa asawa niya. “Para tumigil kana sa pag istorbo saakin at doon kana sa asawa mo maglambing.”
Tumawa lang ako sa sinabi nito. Hayyss mag-asawa “tsk” sa panahon ngayon hindi kana makakakita ng matinong babae.
Umiling nalang ako “Makapag-sabi at makautos kayo saakin na mag-asawa na, parang mamumulot lang ako ng babae sa kalye.”
Napabuntong hininga lang ang dalawa sabay napailing dahil sa sinabi ko.
Mag-asawa? Settled down? And family?
Minsan na sabi ko narin sa sarili ko saan kaya ako makakahanap ng babae mamahalin ako ng totoo, Yung mamahal talaga ako hindi dahil presidente ako ng isang bansa kung di mamahalin ako bilang ako na walang kapalit.
Pinalibot ko ang paningin ko sa kabuohan ng silid habang nakatiting sa mga tao. Kahit naging presidente naako ng bansang ito at achieve ko na ang aking mga goals. Bakit hindi pa din ako masaya, bakit parang may kulang saakin.
Why I feel empty??
Ang pag-aasawa kaya ang solusyon sa problema ko? Pero sino ang magiging asawa ko? Argh. Mababaliw na ako nito.
“MAXINE TIAAAAA!! GISING NAAA.”-sigaw ng ina ni maxine na si aling martha mula sa labas ng kwarto ni Maxine
Napatakip ako ng unan si Maxine ng marinig ang matinis na boses ng kanya ina sa labas ng kwarto nito habang kumakatok.
“Sandali lang mom.”-ani nito sa kanyang ina
“Anong sandali lang Maxine? Ito ang unang araw mo sa university nalilipatan mo tapos malalate kapa.”-sermong sigaw ng kanyang ina, kay napilitang bumangon si maxine mula sa hinihigaan nito sabay kamot ng magulong buhok nito
“Just gave me 15 minutes, maliligo pa ako.”
“Bilisan mo bago kapa-malate, kukurutin ko talaga yang singit mo.”-banta ng kanyang ina bago ito umalis
Napailing ako sabay ngiti ng marinig ko ang banta saakin ng aking ina. Well… Sanay naako sa ugali ni mama, palaging galit at napaka-seryosong tao, pero kahit ganyan siya mahal na mahal ko ang ina ko at alam ko sa sarili ko na lahat ginagawa niya para mabigyan yan ako ng magandang buhay.
Anyway. Balik tayo sa sarili ko. Agad akong bumangun at nagtungo sa banyo para maligo. Ito yung unang araw ko na pumasok sa isang sikat na university sa manila –sa pagkakaalam ko pili lang nakakapasok sa university na iyun tanging mga sikat na tao lang ang pweding makapag-aral gaya ng anak ng model, business man at artista. Pero wala ako sa mga anak na kinabibilangan ng sikat na anak kaya mahirap sakin na makapasok sa konkook university –buti nalang at nagkaroon ng scholarship ang university para sa mga estudanyte na gustong makapag-aaral sa konkook university at isa ako sa mga nakakuha ng scholarship at nakapasok. Sobrang saya ko dahil ito na ang pangkakataong ko na makabawi sa hirap na ginawa ng ina ko para makaahon lang kami sa hirap.
Nakaharap ako sa salamin habang tinitignan ang sarili na suot ang uniform ng university.
“This is it pansit. Maxine, Ito na ang tulay mo para mabigyan mo ng magandang buhay ang mama mo.”-sabi ko sasarili ko habang nakatiting sa sarili ko sasalamin.
Bumuntong hininga ako sabay alis sa harapan ng salamin at lumabas ng kwarto ko. Nang makababa naako, nakita ko agad si mama sa kusina nanghahanda ng almusal namin.
“Buti naman at lumabas kana sa kwarto mo, akala ko aabotan ka ng limang taon. Max.” -sabi ng ina ko sabay tingin saakin na nakapamaywang
Malapad nalang akong ngumiti “Anong alum natin? Mother.” -tanong ko sabay upo sa silya
Tumaas ang kilay nito “Ehh. Ano pa? edi gaya ng dati salt fish and sunny side-up egg.” -sabay kindat saakin, malakas ako na tawa dahil sa sagot nito tungkol sa ulam namin
“Ini-english mo pa talaga. Mother bulad at itlog lang naman ang ulam natin ngayon.”-tumatawang sabi ko
“Para sosyal pakinggan.”-sabi nito
Napailing nalang ako sa kalokohan ng ina ko, minsa masungit ito lalo stress pero minsan naman maloko pa saakin. Nagmatapos na akong kumain ay agad din akong nag-paalam kay mama na papasok na. Ng makakita na agad naako ng taxi agad kong sinabi kung saan ako pupunta.
Isang minuto din bago ako makarating sa Konkook university, pagkalabas ko ng taxi ay malaking gate ng university ang una kong nakita kulay gold ito at sa gitna nandoon ang pangngalan ng university na nakakulay silver.
“Hija, diyan ka ba talaga nag-aaral?”-tanong saakin ng taxi driver ng maiabot saakin ang sukli ko, tumango naman ako.
“Opo manong. Scholar po ako sa university na’iyan manong.”-tanging sagot ko
Tumango naman ito “Ganon ba hija, galingan mo sa pag-aaral dahil sa pagkakaalam ko hindi lahat na bibigyan ng pangkakataong makapasok at makapag-aaral sa universidad na’iyan.”
Matamis ko itong nginitian at nag-simulang pumasok sa loob ng university.
Ito na talaga. Dito na magsisimula ang pagbabago ng buhay ko.