CHAPTER 27

1439 Words
—REIZ'S POV— NANDITO AKO ngayon sa parang eskinita, ang ilaw sa isang poste lang ang nagsilbing liwanag sa paligid. Tahimik at walang katao-tao, maliban sa aming dalawa. "Sino ka?" Sinundan niya ako kanina pagkaalis ko sa Grand Hall at tila kinorner ako rito sa eskinitang 'to. Akala ko ito ang sundo ni Blaire dahil na nga rin sa nilapitan siya nito kanina. "Ang bilis mo naman makalimot," natatawang wika niya. Kumunot lang ang noo ko, kailanman ay hindi ko nakita 'yang pagmumukha niya. Tingin ko'y mas matanda lang sa akin ng dalawa o tatlong taon. "Kung sasayangin mo lang ang oras ko, mauuna na ako." "Oh teka, hindi pa nga tayo nag uumpisang maglaro eh. Alam ko na kung sino ka. Gusto mo bang malaman kung sino rin siya?" Lalo kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Inaantok na ako at dinadagdagan pa ng isang kulang sa pansin yata 'to. Maayos naman postura niya, damit pang mayaman, mukhang nasa desinting pamilya, pero bakit parang sinto-sinto siya magsalita? Baka naka-high kaya ako ang pagtitripan. Pero nilapitan siya ni Blaire, so kilala niya 'to. "I don't get you—" "Oh c'mon, Reiz," he cutted off my words as if he knows me very well. "Reiz or let me call you, Raven Oprido." Napatigil ako sa pag on ng motor ko. Bakit alam niya second name ko? "Dyrelso, right?" dagdag niya pa. Pagkarinig ko sa apelyidong 'yon, isang matinding sakit ang agad na bumalatay sa mga ugat ng ulo ko. Sumigid ito sa bawat parte ng utak ko. Nanlalabo ang paligid. Parang sumasayaw lahat ng nakikita ko ngayon. Nawawala ako sa wisyo dahil sa sakit na nararamdaman. "Argh!" impit na sigaw ko. Naramdaman ko na lang ang unti-unting pagbagsak ng katawan ko, hawak pa rin ng dalawang kamay ko ang aking ulo. "Anong pag iinarte 'yan, nakakatawa ka naman." Hindi pa rin tumigil ang pag sakit nito, parang binibiyak. "Ahhh!" Wala pa naman akong dalang gamot ngayon, tangina naman. "I didn't expect the heir of Dyrelso Clan is so weak," nanunudyong saad niya. Pero hindi ko magawang bigyan ng pansin mga sinasabi niya ngayon. Nauubos ang atensyon ko sa sakit ng ulo ko. "At ngayon ko lang napatunayang mga walang kalaban-laban na tao na pala pinapatulan mo, Trover Gallada." —BLAIRE'S POV— Habol hininga ako nang maabutan ko sila ni Trover rito sa parang eskinita, buti na lang at nahagip pa ng paningin ko ang pagliko ni Trover rito. Pinahirapan mo akong tanga ka! Nakatalikod siya sa akin, hindi yata napansin presensya ko. Kahit kailan mahangin pa rin. Malalang bagyo, parating pinsala binibigay niya. Jusko, ba't ka pa pinanganak, Trover? "Hindi ka pa rin pala talaga nagbabago, ano Trover? Walang kadala-dala?" Siya ang heir ng Gallada, ang pinaimbestigahan ni Dad sa akin no'ng first week ng class namin at siya rin ang may kinalaman sa gunshot incident sa school, kung saan sinadya niyang gawin 'yon para magka-interes na naman ang mga police sa mafia. Sorry na lang siya dahil mukhang magaling magtago ng baho ang school namin. Kailangan 'yon dahil may pinanghahawakan ding reputasyon ang school. "Weak suits you more, Trover." Lumingon siya sa akin. Wearing a plain black shirt with ragged pants and black tennis. His not so long hair was braided too, revealing his not so cute face. Kung 'di siya mayaman baka isipin kong mukhang tae siya. Parang isang adik sa kanto ang pormahan niya. "Oh, good thing you are here too. Shall we start? Buti naabutan mo na buhay ang isang 'to." He crossed his arms and smirked. "Sabagay, mas magandang maglaro pag tatlong heir at heiress na naghaharap." Pinagsasabi niya? Tatlo? Lol, nagpapatawa yata. "Reiz, do you want to know this Lady's secret? What a small world naman," Bahagya siyang lumingon kay Reiz na ngayo'y nakahandusay. Tangina talaga 'tong isang 'to. "What did you do to him?" Humakbang ako papalapit kay Reiz. Mukhang wala lang sa kaniya na lumalapit ako. Nakahandusay ito na tila namimilipit pa sa sakit ng ulo. Kampante ang tanga. Narating ko ang kinaroroonan ni Reiz, tinapik tapik ko pa ang kaniyang kanang pisnge pero wala akong nakuhang sagot.Nawalan na ng malay? "Tinawag ko lang naman siya sa totoong pangalan niya at natumba agad 'yan, wala pa nga akong ginaga—" "I know you, Trover. Una, mga Clans na walang pake sa 'yo ang pinapakealaman mo." Nagmulat ng mga mata si Nerd, nilibot ito at natigil sa mukha kong nakayuko sa kaniya ngayon. "Ngayon mga inosenting tao naman pinakialaman mo." Inalalayan kong tumayo si Nerd bahagyang pinasandal sa kaniyang motor, halatang nanghihina at may iniinda siya. "Yong totoo, ganyan ka ba ka duwag, Trover?" Nang masiguro kong maayos na nakasandal si Nerd ay hinarap ko si Trover. "Hindi ako duwag, Gold," bakas ang inis sa boses niya. "Clans deserve to caught by police, you are all hindrance to me. Besides, that man is not innocent." He again smirked while pointing his index finger to Nerd. "I bet you really don't know him." "Alam mo, Trover, hindi ka naman babae pero ba't ang daldal ng bibig mong 'yan. Duwag ka na nga, chismoso ka pa—" Mabilis akong umilag ng isang dagger ang hinagis niya sa akin. "Ang bagal mo pa," nakangisi kong saad sa kaniya. "Dagdag mo pang mabilis kang mapikon." Hindi ko in-expect na ganito pala ang Heir ng Gallada. Hindi nakakapagtaka kung nasa hulihang ranking sila ngayon. "Dami mong satsat, Gold." Wow, ako pa talaga? Sinabi ko lang naman ang napansin ko. Kinapa ko ang maliit na kutsilyo sa likod ko, dalawa ito, maliit pero mapanganib. Sinadya kong magbaon, in case of emergency. Sinundan ko lang ng tingin si Trover na ngayo'y hindi dagger and hawak kung 'di isang silencer. I really don't get him. Si nerd sinundan niya, bakit? Para patayin? What a coward. Nerd is a nerd, why him? "Pakialamera ka pa rin, Gold. Hindi ikaw ang pakay ko, kung 'di 'yang Reiz na 'yan. Masyado na kitang kilala at gusto ko lang naman kumpirmahin nalalaman ko pero heto ka nga." Umakto pa itong ipuputok ang baril sa hangin. "Nagpapaka-wonder woman ka, ano mo ba 'yan ha?" Nanatiling tahimik si Nerd sa likod ko, alam kong pinapanood niya lang kami ngayon. "Boyfriend mo ba?" Chismoso nga naman. "Hahaha, nako, ibigay mo na sa akin si Reiz at umalis, Gold. Kung ayaw mong magkagulo pa—" "Nababakla ka na ba, Trover. Lalaki na naman pinapatulan mo! You're incredible—oh dare to pull the trigger, I will surely kill you, right here, right now." He was about to shoot me, pikon niya masyado. "And how would you that, huh? By the way, you look sexy with that gown. Halatang wala kang dalang baril ngayon." "Ano ba kailangan mo sa akin," isang baritonong boses na nanggaling sa likuran ko. Naglakas loob ding magsalita. "I know your secret, Mr. Dyrelso—" "Santos is my surname." Dyrelso? Si Reiz ba? "Don't deny it, Reiz. I knew it already. Do you have any idea that lady in front of you is the heiress of Ilthrov's Clan, the powerful mafia and your most hated and emeksoaoenfs—" "Turn your back," I whispered, enough for Nerd to hear it. "What's your intention? Point it out, Trover, so I could finish what I've missed in our first encountered." "Why, Blaire?" Nerd almost whispered. "Just do it. Don't look back." "Oh, I actually wants to confirm if Reiz is really the lost Heir of Dyrelso Clan. Don't tell you never suspected him. You know what I mean—oh wait, why are turning your back to me, Reiz? But I guess it's true, how ironic the two mortal enemy and two strongest mafias are having something. Alam ba iyan ng mga seniors niyo?" Hindi ganoon ka haba pasensya ko, sorry ka na lang, Trover. Maingat kong kinuha ang isang kutsilyo ko. Sa may bandang hita ko, maingat nakatapik at may manipis na plastic ang nakabalot sa blade nito. "Ano na lang kaya iisipin ng demonyong mong tatay—" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at mabilis na hinagis sa kaniya ang kutsilyo. Gamit ang saktong lakas para maabot ng kutsilyo ang kinaroroonan niya, walang pasabi kong ihinihagis ito dahilan para tumarak sa mismong kanang kamay niya kaya nabitawan niya ang hawak na Silencer. Puro sigaw at mura ang ginawa niya. "Hindi ka ba tinuruan ng tatay mo na masamang itututok ang baril sa ibang tao? Too bad, mukhang 'di ka na matuturuan pa." Tinalikuran ko na siya at nagulantang nang makitang nakahandusay na naman si Reiz sa sahig. Ano bang nangyayari sa kaniya? Tae, saan bahay nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD