chapter 6

1505 Words
"What's going on in here?" Natigil ang masayang kwentuhan at sabay-sabay na nabaling ang atensiyon namin sa bagong dating. "Hala... ampogi," wala sa sarili kong usal. Totoo pala iyong mga nababasa ko sa nobela na umiigting ang panga at namumungay ang mga mata na parang adonis sa gandang lalaki! Ito iyon eh, iyong kakisigang pwedeng luhuran magdamagan! Ang gwapo! Bigla ay uminit ang paligid, gusto kong paypayan ang sarili. Nakakatulo laway. Nakasuot ito ng corporate attire at tingin ko ay galing ito sa pictorial—este opisina siguro. Sino ba ito? Anong ginagawa ng ganito kagwapong nilalang dito sa bagong lilipatan kong bahay? Dito rin ba siya nakatira? Pwede ko ba siyang pasukin sa silid niya? Mabilis kong naipilig ang ulo mentally upang alisin ang di kanais-nais na iniisip. Trabaho ang pinunta ko rito, trabahong matino at hindi pagpopok-pok... pero kung gusto nito ay pwede naman naming pag-usapan. "Drioz, come and join us," anyaya ni Don Lario sa lalaking nagpatibok sa perlas ng silanganan ko. Drioz? Parang ang sarap iungol ng pangalan nito. "And who is she?" Lihim akong napalunok nang dumako sa'kin ang mapanuring tingin ni Driox. Pakiramdam ko ay hinimay ng mga titig niya ang buong pagkatao ko. "She's my new secretary," nakangiting tugon ni Don Lario. "Lolita, meet my son Drioz... and Drioz, this is Lolita." Napakurap-kurap ako habang nakipagsukatan ng tingin kay Drioz. Anak pala ito ni Don Lario so ibig sabihin ay nasa 40's na ito. Tama nga ang kasabihang, the older the hotter. Lihim agad akong napangiwi nang maalalang mas older pala si Don Lario. "Secretary?" tumaas ang kilay na tanong nito. Bigla ay nagprino ang paghanga at pagnanasa ko para dito dahil sa tono nang pagkakatanong nito. Ako lang ba o talagang nakakainsulto ang ngiting sumilay sa mga labi nito. "I see..." tumango-tango nitong usal bago walang paalam na tumalikod at umalis. Sayang ang pagiging gwapo, walang manners ang letse! Nang suyurin ko ang paligid ay parehong nakayuko ang mga kasama namin sa hapag ni Don Lario. Kanina pa sila tahimik simula nang dumating iyong Drioz. "Just don't mind him, marami lang trabaho sa kompanya ngayon na kailangan niyang pagtuonan ng pansin." Hindi kumbinsidong tumango-tango na lang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Don Lario. Hindi nan ako gano'n katanga para hindi maramdaman ang pagkadisgusto no'ng Drioz sa presensiya ko. Kung ayaw niya sa'kin eh di huwag niya! Sayang, masarap pa naman sana siya sa mata. "Let's continue, everyone. Marami pang pagkain, dapat ay maubos natin ito. Walang tatayo hangga't may natitira pang pagkain." Agad umugong ang tawanan sa hapag dahil sa biro ni Don Lario. Nakitawa man ako pero naroon pa rin sa reaksiyon kanina ni Driox ang isip ko. Kabisado ko kasi iyong nakita kong malisya kanina sa kislap ng mga mara niya nang ipakilala akong secretary ni Don Lario. Lagi akong nakakatanggap nang gano'ng reaksiyon mula sa mga taong nakakaalam sa trabaho ng nanay ko tuwing may kausap lang akong lalaki na para bang iniisip nila na bawat lalaking kinakausap ko o kumakausap sa'kin ay matic nang sa kama ko ang tuloy. Mga hunghang! Kahit madatung pa ang mga iyon ay wala pa akong napiling bibiyak sa'kin, 'no! Meron na sanang pwede kaso judgemental din! Masama ang ugali! Sa kabila nang panandaliang pagkagambala sa salo-salo namin ay masaya naman itong nagtapos. Tumuloy kami ni Don Lario sa opisina niyang nandito mismo sa kanyang mansion. Sumakay kami ng elevator, sosyal na bahay may pa-elevator pa! Nasa pang-apat na palapag ang opisina at karugtong ng study room kung saan daw ay kalimitang naroon ni Drioz tuwing nandito ito sa bahay ng ama. May sariling bahay raw kasi ito pero mas pinili pa ring umuwi rito. Nags-study siguro ang lalaking iyon sa study room... bagsak kasi sa good manners kaya kailangan mag- review palagi! Pagdating sa opisina ay may nadatnan kaming may edad na babaeng nagpakilalang dating secretary ni Don Lario na ngayon ay promoted na sa pagiging assistant ng personal assistant. Hindi ko na masyadong inalam kung ano iyon basta ang naintindihan ko ay ito ang pinalitan ko at kung may mga katanungan ako ay ito ang sasagot niyon at magga-guide na rin sa'kin. Bukas pa iyong simula ng trabaho ko at sa ngayon ay iniwan ako ni Don Lario sa loob ng opisina niya para daw maging pamilyar aa bawat sulok dahil dito raw kalimitan ang trabaho ko. Tuwing may pasok sa klase ako ay iyong dating secretary pa rin ang sasama kay Don Lario. Ang gagawin ko lang ay ayusin iyong mga trabahong iuuwi sa bahay ni Don Lario. Parang ang dali lang naman dahil mabait si Ma'am Dinah at madaling magturo ng mga dapat kong gawin. Super busog ako sa kinain ko kanina kaya naisipan kong umupo sa swivel chair ni Don Lario. Pinaikot-ikot ko ito habang ipinikit ang mga mata at inisip sina Nanay at Ate Weng. Tatawagan ko mamaya si Nanay at makibalita sa kalagayan ni Ate Weng. Nagising ito kagabi pero 'di pa gaanong makakausap at nakatulog din ulit kaya gusto kong kumustahin ang kalagayan nito ngayon. Magpapaalam din ako kay Don Lario na dadalaw bukas. Umayos ako sa pagkakaupo at mas dinama kung gaano kakomportable ang kinauupuan. "Masyado ka yatang feel at home." Mabilis akong nagmulat ng mga mata nang may marinig na nagsalita. Agad nagsalubong ang tingin namin ni Drioz na nakasandal sa hamba ng pintuan papasok sa sinasabing study room. "Iniisip mo ba kung gaano kasarap ang magiging buhay mo ngayong ibinahay ka na ni Daddy?" Hindi lang pala ito gwapo, matalas din ang dila. Masyado siyang mapanghusga. "Hindi ako binabahay ng Daddy mo," mariin kong tugon. Mapakla siyang tumawa bago humakbang palapit sa kinaroroonan ko. Matiim ang mga titig niyang pumasada sa'kin. Gusto ko sanang tumayo pero baka iisipin niyang madadala niya ako sa sindak kaya hindi ako kumilos mula sa pagkakaupo. "Kung hindi ka binabahay ni Daddy, ano ang ginagawa mo rito sa bahay namin?" nang-uuyam niyang tanong. Itinukod niya ang mga kamay sa mesa at bahagyang dumukwang sa kinauupuan ko. Kung gwapo na siya sa malayo ay mas nakakapigtas- panty ang kagwapuhan niya sa malapitan. Huwag lang bumuka ang bibig niyang balahura at pwede na akong bumukaka sa harapan niya, depende sa usapan. "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yong nandito ako para sa trabaho?" balik-tanong ko at nangalumbaba sa harapan niya. Kung meron akong nadalubhasaan sa uri ng trabahong meron ko ay iyon ang pagtatago ng tunay na nararamdaman. "Trabaho? Iyan na ba ang tawag mo ngayon sa pagpatol sa matandang mayaman?" nang-iinsulto niyang patutsada. "Secretary ako... secretary, hindi sexetary," hindi nagpapatalo kong sagot. Nanggigigil na ako sa rumi ng pag-iisip nitong anak ni Don Lario pero ayaw kong ipakitang apektado ako masyado at baka lalo akong hamakin. "Hindi basta-basta nagpapalit ng empleyado si Daddy lalo na at iyong mga emplayadong direktang nagtatrabaho sa kanya kaya huwag mong bilugin ang ulo ko... hindi ako katulad ni Daddy na madaling nabulag sa kung anong kayang ibigay at gawin ng isang batang katulad mo. I know your kind." Balahura talaga ang bibig nitong kaharap ko! Buo na ang isip niya na may namagitan sa'min ng matanda niyang ama. Palagi naman akong nakakrinig ng mga panghuhusga mula sa ibang tao pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako masanay-sanay. Medyo nakakasakit pa rin ng loob pero matapang ako kaya taas-noo kong sinalubong ang mapanghusgang tingin mula sa anak ni Don Lario. Sayang, gwapo sana ito pero ang baba ng tingin sa'kin kaya ekis sa chupapi list ko! "Hinahamon mo ba ako, Drioz?" Nilangkapan ko ng konting landi ang boses ko at sinadyang inilapit ang sarili sa kanya upang humantad ang cleavage ko. Hindi raw madaling mabulag at kilala raw ang mga katulad ko pero hindi pa rin niya mapigilang mapadako sa nakahantad kong dibdib ang kanyang mga mata. Mahinhin akong tumawa, iyong tawang kayang kilitiin betlog niya. Akala niya huh! Professional yata ako sa pang-aakit! Kitang-kita ko kung paano tumalim ang mga titig niya at magtagis ang kanyang mga ngipin dahil sa ginawa ko. Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo at ginaya ang posisyon niya sa mesa upang mailapit ang mukha ko sa mukha niya. "Wala pang nakakahindi sa alindog ko," nang-aakit kong bulong malapit sa tainga niya. "Kaya huwag kang magsalita nang tapos... baka sa huli ay kainin mo ako—ay mali, kainin mo pala ang sinabi mo. Pero kung iyong una ang gusto mong gawin ay okay lang naman basta ba, masarap kang kumain, kasingsarap ng daddy mo." Sinadya ko iyong huli kong sinabi kahit hindi totoo upang lalo siyang galitin. Gusto kong maglupasay sa sahig sa kakatawa nang namula sa galit na nagmartsa palabas si Drioz. Hindi niya nakaya ang init! One point sa akin at zero kay Drioz. Simula pa lang ito ng gagawin kong pang-iinis lalo sa kanya. Hindi ko na ipapaliwanag ang sarili ko sa kanya upang mabago ang impresyon niya sa'kin. Ang gagawin ko ay sakyan ko ang paniniwala niya at inisin siya lalo! Tingnan natin kung sino ang unang susuko! Gwapo ka lang, Drioz, pero professional pokpok ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD