"A-ANONG...sinabi mo? P-Pakiulit nga?"
"Miss Smith.. I said..uh.." Hindi niya matapos ang pagsasalita. Kumakamot pa siya sa batok na tila natutuliro.
Mula sa pagkakahiga ay pilit kong ibinangon ang sarili ko. Nais sana niya akong tulungan ngunit tumanggi ako. Naupo ako habang hindi ko inaalis ang tingin sa kanya.
"Mr. Hemsworth, right?" Nagtataka naman siyang napatango-tango. "Nadinig kong naguusap kayo kanina ng doktor. Gising na ako kanina pa at di ko lang iminumulat ang mga mata ko. At wala akong narinig sa usapan niyo tungkol sa baby ko. Wala.. K-Kaya..please, s-sabihin mo na okay lang ang baby ko. Oo, mahina ang kapit niya pero alam ko.. nandito pa siya.." Sabi ko habang hinahaplos ang tiyan ko pero hindi ko na napipigilan ang mga mata kong umiyak. "N-Now, tell me, a-anong problema sa 'kin? B-Bakit ako ia-admit? Okay naman na ako, eh. Gusto ko na ngang umuwi. Malakas na ako." Pilit akong ngumiti nang salubungin ko ang mga tingin niya.
"Miss Smith.." Malumanay at malungkot niyang boses.. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot. "I'm sorry.. But your baby was...l-lost."
Bigla akong humagalpak ng tawa habang tila gripo na sa pagagos ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit pina-prank ako nitong lalaking ngayon ko lang naman nakita.
Nang tumigil ako sa kakatawa ay nakangisi pa rin akong nakipagtitigan sa kanya at sinusuri ang kabuuan niya. Kita ko naman ang awa sa mukha niya at tila maiiyak na.
"Mr. Hemsworth, alam kong nagbibiro ka lang, eh. Hindi kasi totoo 'yang sinasabi mo. Imposibleng mawala ang baby ko gayong nawalan lamang ako ng malay kanina. Nagbibiro ka lang di'ba?" Paniniguro ko.
Napabuntong-hininga siya ng malalim saka umiling. "I know, masakit tanggapin ang katotohanan, Miss Smith. Pero..wala na talaga ang baby sa tiyan mo. 'Yon ang sabi ng doktor sa akin kanina. Nakunan ka after ka mag-collapsed. And, I am very sorry for your loss."
Doon na nawala ang ngisi ko. Sandali pa akong natigilan habang nakatulala sa kanya. Maya-maya pa'y unti-unti na akong pinanghinaan, napapayuko at napapasubsob sa sarili kong mga palad. Doon na rin ako nagsimulang humagulhol. Walang kasing-lakas na hagulhol.
Walang kasing-sakit ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Mas kakayanin ko pa sanang mawala si Jake kaysa sa magiging baby namin.. Kaso...pareho pa silang nawala. Alam kong hindi naman talaga naging akin si Jake kahit pa kasal kami. At alam ko ring hindi na niya ako pagaaksayahan pa ng panahon oras na malaman niyang wala na ang anak namin. Iyon din naman kasi ang nakikita kong dahilan kaya niya ako pinakikisamahan ulit. Sobra-sobra din ang sama ng loob ko dahil siya rin naman ang dahilan kaya nawala ang baby! Siya ang sinisisi ko kung bakit nawala ang magiging anak ko!
Naramdaman ko ang paglapit ni Mr. Hemsworth at masuyo akong hinagod sa likuran ko. Hinayaan ko na lamang siya dahil kahit papano ay ramdam kong may karamay ako sa pagdadalamhati ko.
"Tarah??"
Inangat ko ang mukha ko na hilam sa luha. Kasabay din no'n ay huminto sa paghagod ng likod ko si Mr. Hemsworth. Sinulyapan ko siya at nakangiti niya akong tinanguan. Dumistansya pa siya ng ilang hakbang palayo sa 'kin para igive-way ang mga dumating.
Nang ibalik ko ang paningin sa harapan ko ay sumiklab ang galit sa dibdib ko nang makitang kasunod na pumasok ni Nay Coring sina Jake at...Kate!
"Anong ginagawa niyo dito??" Punong-puno ng galit na tanong ko.
"Attarah, I'm here to check you. What happened?" Kunwari'y nagaalang tinig ni Jake Xander. Lumapit pa siya sa 'kin subalit sinenyasan ko siyang huwag akong lalapitan. "Attarah. Tell me what happened."
"Umalis na ka na dito, Jake. Hindi kita kailangan," mariin kong saad. Mas lalo pang lumakas ang pagkakakuyom ko sa mga palad ko. "Isama mo na ang asungot mo... Umalis na kayo!!"
"Look. I'm sorry kung ngayon lang ako nakapunta. I didn't know na may nangyari sa 'yo," malumanay pa ring hinging paumanhin ni Jake.
"Papa'no mong malalaman? Gayong nag-over night ka sa iba at hindi mo makontrol ang babae mong basta na lang sumusugod sa bahay?" Nagngingitngit kong sabi.
"W-What are you talking about? Sinong sumugod sa bahay?"
"Wag ka ng magmaang-maangan, Jake!" Gitil kong tugon. "Umalis ka na at isama mo na ang babaeng 'yan!" Duro ko kay Kate na kanina pang nakaismid sa 'kin.
"And why? Sino ba ang gusto mong nandito? Siya?" Turo niya kay Mr. Hemsworth na kalmado lang. "Are you enjoying with his company, huh?"
"Woah.." Reaksyon ni Mr. Hemsworth na napapailing na lang sa tabi.
"Do we know you?" Dinig kong tanong ni Jake.
"No." Umiling-iling si Mr. Hemsworth. "I am your neighborhood. A concern citizen who sent Miss Smith here in the hospital. And, I am Zack Daniel Zobel Hemsworth. Nice to meet you guys," kumaway na lamang siya dahil ramdam niya ang kasarkastikuhan ni Jake.
"You had a nice name, huh?" Maarteng sabad ng makiring si Kate.
"Thanks!" Nakangiting sagot ni Mr. Hemsworth.
"Tsk!" Singhal ni Jake.
Napapahiya ako para kay Mr. Hemsworth dahil sa pinapakitang behavior ni Jake! Imbes kasi na magpasalamat sa tao ay suma-sarkastiko pa siya.
Sinalubong ko ng masamang tingin si Jake. "Gusto mong madinig ang sagot ko? Oo! Mas gugustuhin ko pang si Mr. Hemsworth ang nandirito. Mabuti pa kasi ang ibang tao, may malasakit sa 'kin.. Pero, ikaw? Ikaw ang dahilan kung bakit ako nakaratay ngayon dito! Kaya, please lang! Umalis ka na! Ayoko ng makita ka!" Nanginginig sa galit na turan ko.
Natigilan naman si Jake.
"T-Tarah, hija, pasensya ka na pero isinama ko sila rito dahil wala akong kilala na kamaganak mo." Sabad ni 'Nay Coring. "Tsaka, naisip ko na walang magbabantay sa'yo rito mamayang gabi. Kailangan ko din kasing umuwi sa amin dahil may sakit ang anak ko. At si Mr. Hemsworth, pinakiusapan ko lang siya na 'wag kang iiwanan muna dahil bumalik ako sa bahay niyo para kumuha ng mga gamit mo," paliwanag pa niya. Inilalagay niya sa maliit na mesa ang mga prutas at isang bag na itim. Saka humarap at lumapit kay Mr. Hemsworth. "Ah..Ser, madaming salamat pala. Ikaw ang nahingian ko ng tulong kanina. Kung hindi dahil sa 'yo baka kung ano na ang nangyari sa kay Tarah. Salamat."
"You're welcome," nakangiting sambit ni Mr. Hemsworth saka sumulyap sa 'kin. "She needs someone's sympathy. Like you said, nagiisa lang siya dito kaya nakaka-konsensya naman kung iiwan ko pa siya. Lalo pa at may pinagdadaanan pa siya," malungkot na dugtong niya.
"Madaming salamat, Ser. Ambait niyo ho," nakangiting pasalamat ni Nay Coring.
"But, were here now." Sarkastiko na namang sabad ni Jake. Napatingin pa kaming lahat sa kanya. "Maaari ka ng umalis. And, thank you so much by the way by sending my WIFE here." Pinagkadiinan pa niya ang salitang 'wife' na di ko malaman kung bakit.
"Your wife.. Yeah, sure. I'll go ahead." Tumango-tango si Mr. Hemsworth at humarap sa 'kin.
"No. Hindi ka aalis. Sila ang kailangang umalis," sabi ko. "Nay Coring, buksan niyo na ho ang pinto at paalisin niyo na sila. Ayoko na hong nandito sila."
"No! I'm not leaving here either! I'm your husband, Attarah! Damn it," pagmamatigas ni Jake.
Hindi naman malaman ni Nay Coring kung susunod ba sa sinabi ko o hindi. Nakita ko kasi ang takot sa mukha niya sa naging tugon ni Jake.
"Attarah, please tell me what happened. Kaya ako nandito dahil nagaalala rin ako," kalmado ng saad ni Jake.
Hindi ako sumagot. Ni tingnan siya ay di ko ginawa.
"Ah..S-Ser Xander, nahimatay ho siya sa bahay pagdating ko kanina. Mabuti na nga lang at dumating kaagad ako. Hindi ko na nasabi sa'yo kanina dahil taranta na rin ako. Kung wala siguro si Mr. Hemsworth ay baka kung ano na ang nangyare kay Tarah," ani 'Nay Coring.
"Tsk!" Singhal ni Jake. "Attarah, how's your feeling? Pwede ka na raw bang umuwi?"
"No. Not yet." Si Mr. Hemsworth ang sumagot. "Anyway, I think Miss Smith cannot answer anything about happened to her. She's traumatize. She's not feeling well right now. Kailangan din niyang ma-admit to monitor her condition."
"To monitor her condition? Why?" Nagtatakang tanong ni Jake.
"Her doctor told me her condition and I know the real reason why she's here. Do you guys really want to know about what happened to her?" Ani Mr. Hemsworth.
"Yes! That's why were here! Ano ba ang nangyari sa kanya?" Napipikon na saad ni Jake.
"Wala na ang baby ko! Wala na siya Jake! W-Wala na.. Ano?! Masaya na kayo?? Masaya na kayong dalawa?! Ha?!" Sigaw ko habang matatalim ang tingin ko sa dalawa. "Nandito na ko't lahat sa hospital, nakuha niyo pang humarap sa 'kin ng magkasama??! Wala ba talaga kayong konsensya? Wala ba kayong awa??!!!!" Naghi-histerikal ko ng sambit. Hilam na hilam na akong muli sa luha at maski sipon ko ay natitikman ko na.
"W-Wala na..ang b-baby?" Pautal-utal na sambit ni Jake.
"Hindi mo ba ako narinig?? Wala na! Wala na siya dahil sainyong dalawa!!" Saka ko matalim na tinignan si Kate. Kita ko ang sunod-sunod nitong paglunok. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko at dinuro ko siya. "Ikaw... hindi ko alam kung saan nangagaling ang lakas ng loob at kakapalan mo. Nakuha mo pang pumunta dito matapos nang ginawa mo kaninang umaga?! Lumayas ka rito!!!!" Halos maubos ang lakas ko sa ginagawa kong pagsisisigaw. Gusto ko din kasing mailabas ang galit ko. Hindi ko na kaya pang maging martir at tanga.
"Don't blame me! Wala akong kasalanan sa 'yo!" Ganting sigaw ni Kate.
"Enough, Kate!" Saway ni Jake sa babae at saka ako hinarap. "What do you mean? A-Anong ginawa ni Kate sa'yo? Anong ginawa niya para mahantong sa pagkawala ng magiging anak ko?!"
"Siya ang tanungin mo!! Dahil kahit pa anong sabihin ko, siya pa rin ang kakampihan mo! Magsama kayo!!!" Mas malakas ko pang sigaw.
Lumapit uli sa 'kin si Mr. Hemsworth at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Please, calm down. Hindi ka pa okay," anya sa mahinahon at nagaalalang boses.
Doon na ako unti-unting kumalma at muli ko ng ipinikit ang mga mata. Subalit, tumatahip pa rin ang dibdib ko sa sobrang galit.
"What did you do, Kate?!" Dinig kong tanong ni Jake. Naimulat kong muli ang mga mata ko at nagulat ako dahil nasa akin ang mga paningin niya. Di ko malaman kung ano ang nakikita kong reaksyon sa mukha niya habang panaka-naka ding tumitingin kay Mr. Hemsworth. "What did you do!?"
Napatalon pa sa pagkakagulat si Kate. "N-Nothing, love! You know naman her, right? She's a liar! She's making up stories para mabaling ang galit mo sa 'kin." Tila naman maamong tupa itong umiling-iling.
"I know you did something, Kate! Tell me!" Pagalit na sabi ni Jake.
"Ugh! Fine! I came to your house just to mocked Attarah Jade. I didn't know that she's pregnant! Gosh! I swear to god I have no intention to kill the baby!" Pasigaw ding sagot ni Kate. "But still, I don't wanna say sorry to her, Jake Xander. Because, all I can is..." Humarap sa akin si Kate. "Were quits!"
"Kate!" Saway ni Jake.
"What? Hindi ba't quits na kami? I also pregnant when you broke up with me! Na-depressed din ako no'n! Nawala din ako sa sarili! Hanggang sa nawala rin sa 'kin ang sana'y magiging baby natin! At si Attarah Jade ang dahilan ng pagkawala ng baby ko! What happened to her is just her karma!" Umiiyak itong sinulyapan ako bago pa nagtatatakbo papalabas ng kwarto.
Natigilan ako sa narinig.. Wala akong alam sa pinagdaanan ni Kate mula ng ikasal sa akin si Jake. Hindi ko alam na pareho lang din pala kami ng pinagdaanan. Pareho kaming nasasaktan. Pareho kaming biktima. Hindi ko alam na nawalan na rin siya ng anak...anak nila dapat ni Jake.
Naging makasarili ba talaga ako?
Eto bang nangyayari sa akin ay kabayaran sa mga pinagdaanan ni Kate?
Karma nga ba sa 'kin 'to?
Napapikit at napasubsob ako sa sarili kong mga palad. Tahimik akong umiyak.
Parang wala na ako sa sarili. Naglalayag na ng napakalayo ang diwa ko. Tila kasama ang isip at kaluluwa ko sa pagkawala ng baby ko. Wala na akong pakealam pa sa paligid ko.
Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang pagku-comfort sa 'kin ng lalaking hindi ko naman kaano-ano pero hindi ko malaman kung bakit mabilis nitong pinapagaan ang pakiramdam ko.
"What's going on here?"
Sabay-sabay kaming napatingin sa kakapasok pa lang na si Amierizz. Isa-isa niya kaming tinignan habang salubong ang matatarik niyang kilay. Hanggang sa natigil ang tingin niya sa 'kin.
"My god, Tarah! Anong nangyari? Bakit ka nandito?" Tanong niya habang papalapit sa 'kin. "Kung hindi pa ako nagtanong sa information desk, di ko pa malalaman na ikaw ang pasyente dito! God! Inakala ko pa naman iba ang pinunta dito ng asawa mo! Mag-i-imbestiga sana ako, eh!" Patuloy pa niya at saka hinarap si Jake na nasa kabilang gilid ko. "Hoy! Jake Xander! Bakit nga pala nandito 'yong babae mo? Nakasalubong ko pa siya sa hallway, eh! Tinarayan pa ako! 'Kala naman niya hindi ko siya papatulan. Neknek niya! 'Tsaka, wala ba talaga kayong konsensya? Nasa hospital na nga si Tarah, ini-stressed niyo pa? Really? Psh!" Paanas niya pero dinedma lang siya ni Jake.
"Mi.. Tama na," saway ko.
"No, Tarah! Kailangan nilang ma-realize na mali ang ginagawa nila sa 'yo. And, for sure, 'yong babae na naman niya ang main reason kaya ka na-hospital! Tama ako o tama ako?" Giit pa ni Amierizz. Na kay Jake ang paningin.
"Mi.." Tawag-pansin ko sa kanya. Nabaling naman agad ang paningin niya sa 'kin. Pero, napukol ang tingin niya kay Mr. Hemsworth na kanina pang tahimik sa may malapit sa ulunan ko.
"Anong drama 'to, my dear Attarah? Who's that man beside you? May boylet ka rin, huh? Oh well, for me, mas pabor na ako diyan. Manglalaki ka rin ng makabawi ka diyan sa asawa mong di maka-move on sa ex niya!"
"Tss. Mi!" Muli kong saway. Kung di ko kasi siya aawatin, baka kung ano-ano pa ang lumabas sa bibig niya.
"Nakoww! Oo na, Tarah! Knows ko na! Ayaw mong bugbugin ko ng talak 'yang asawa mo gayong deserve naman talaga niya!" Hirit pa rin ni Amierizz saka bumaling kay Mr. Hemsworth. "Ehe! Dito na lang ako kay Mr. Pogi 102 makikichika. Mukhang mabait. Hi! I'm Amierizz Gomez, bestfriend nitong pasyente. May I know who you are and.. are you single? Ehe!" Nakipagkamay pa siya habang tila kinikiliti.
"Zack Hemsworth, by the way. Kapitbahay nila ako at ako ang nagdala sa kanya rito," pagpapakilala ni Mr. Hemsworth kay Amierizz na napapatango-tango.
"Oh? Ikaw ang nagdala kay Tarah?"
"Yes. Humingi ng tulong si Nanay Coring for my help. That's why I'm here," sagot ni Zack.
"Really? Eh..nasaan ka Jake Xander? Bakit ibang tao 'yong nagdala sa kaibigan ko?" Kunwari pa'y inilagay ni Amierizz ang kamay niya sa may tenga niya para marinig ang sasabihin ni Jake. Subalit, walang naging tugon ang asawa ko. "Psh! Di ko alam na di ka na pala nakakapagsalita, Jake. Haisst!"
Hindi ko alam kung bakit hindi makapalag si Jake sa bunganga ni Amierizz. Hindi ko alam kung nagbibingi-bingihan lamang ba siya o talagang ayaw lang niyang pumatol. Nakayuko lamang siya.
"Anyway, thank you so much, Zack, ha? Thanks for your help."
"You're welcome," tugon ni Mr. Hemsworth kay Amierizz.
"Mi.. Halika dito sa 'kin." Idinipa ko ang mga kamay ko para salubungin ang yakap niya. Siya lang naman kasi ang sandalan ko kahit noon pa man.
"Agoy! Ang drama...!" Niyakap naman niya ako. Pero nagulat siya ng humagulhol na ako ng iyak. "T-Tarah? O-Okay ka lang ba? Oo nga pala, bakit ka dinala dito?"
"N-Nahimatay ako, mi, kaninang umaga at pagkatapos...pagkatapos pagising ko...w-wala na ang baby ko.." Pautal-utal kong sabi. Halos hindi ako makapagsalita ng maayos.
Bigla siyang kumalas mula sa pagkakayakap namin.
"Ha?? A-Ano?! B-Bakit? Anong nangyari? A-Anong dahilan? My god!" Napapaiyak na rin niyang sambit.
"M-Mahina raw ang kapit, eh.." Pumipiyok ko pang tugon.
"My god! Tarah..."
Halos sabay kaming napapahagulhol na dalawa.