"SO, ANONG plano mo after mong lumabas dito, Tarah?" Sumisinghot pa ring tanong ni Amierizz pero medyo kalmado na. May kalakasan din ang tinig niya kung kaya't napalingon pa sa 'min sina Jake, Mr. Hemsworth at 'Nay Coring na pulang-pula rin ang mga mata dala sa naging iyakan namin. "Babalik ka ba sa bahay niyo?" Kung bakit iyon ang naging tanong niya ay hindi ko maintindihan.
Huminga ako ng malalim saka nakayukong umiling. "Hindi ko pa alam, 'mi.." Halos hindi nila madinig ang mga salitang sinabi ko dahil sa hina naman ng boses ko. Namamaos na kasi ako sa kasisigaw kanina at sa patuloy na pagiyak. Napapagod na rin ako at gusto ko na lang na matulog.
Ang totoo, hindi ko rin talaga alam kung babalik pa ba ako sa bahay namin ni Jake. Kung makikisama pa ba ako o magpapakalayo-layo na lang muna. Gulong-gulo pa ako at hindi pa ako makapagdesisyon. Hindi pa ako makapagisip ng mabuti...higit sa lahat para sa sarili ko.
Inabot ni Amierizz ang isang kamay ko at mahina iyong pinisil. "Sabihin mo lang sa 'kin kapag nakapag-desisyon ka na, ha? Nandito lang ako palagi para sa 'yo, okay? Sasamahan kita," madamdaming sambit niya kaya't inangat kong muli ang paningin ko saka ko siya naluluhang tinanguan. Agad naman niyang pinunasan ang luhang dumaloy sa pisngi ko. "For now, magpakatatag ka at magpagaling muna, hmm? Tutulungan kitang maka-recover ulit. Ayaw ko kasing nakikitang ganyan ang kaibigan ko."
Muli na namang nagpatakan ang mga luha ko sa sinabi niya. Totoong napakaswerte ko at may kaibigan ako na palaging nariyan para sa 'kin at handang damayan ako. "S-Salamat, 'mi.." Iyon lang ang tanging nasabi ko saka malungkot at pilit na ngumiti.
"Your smile is fake, my dear friend. Sana, soon makita ko na uli diyan sa lips mo 'yong totoo mong ngiti. Namimiss ko na kasi 'yong masayahing kaibigan ko mula pa no'ng high school tayo!" Sabi niya habang patuloy na pinipisil ang kamay ko. Pinalalakas ng mga ngiti niya ang loob ko. Nang hindi ako sumagot ay saka niya binitawan ang kamay ko at saka ako hinagod sa likod. "Sige na, Tarah.. Magpahinga ka muna. Babantayan kita at di ako aalis dito."
Tumango ako at muli na nga akong nahiga sa kama habang maingat niya akong inaalalayan.
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong mabilis na tumayo sina Jake at Mr. Hemsworth para yata alalayan ako ngunit huli na sila dahil nakahiga na ako. Nanatili pa rin silang nakatayo sa magkabilang gilid ng kama at nakatunghay sa 'kin. Hindi ko na rin sila pinansin pa dahil nararamdaman ko na talagang napapagod na ako at inaantok. Saka ko na muling ipinikit ang mga mata dahil hindi ko na rin kinakayang tignan si Jake. Nasasaktan lang kasi ako kapag nakikita ko siya. Kung bakit kasi nagpaiwan pa siya dito at di na lang sumama kay Kate. Doon naman siya masaya, eh!
Hanggang sa ilang sandali pa ay nakatulog na nga uli ako.
Nakakabinging katahimikan naman ang mga sumunod na nangyari paggising ko. Nagpalinga-linga pa ako sa buong paligid ng kwarto at nakita kong naririto pa rin sina Jake, Mr. Hemsworth at Amierizz. Wala na si 'Nay Coring. Marahil nauna ng umuwi.
Wala ding nagsasalita sa kanila at abala na lang sila sa kanya-kanya nilang gadget. Pero si Amierizz, kahit nasa cellphone ang paningin ay kita kong panaka-naka pa rin kung tumingin kay Jake at pakiwari'y pinipigilan na lamang ang sariling sunggaban ang asawa ko na kasalukuyan namang nakayuko sa mahabang upuan habang abala sa pagkalikot ng laptop niya.
"Uh, Miss Smith.. Glad you're awake now." Tawag-pansin sa 'kin ni Mr. Hemsworth. Napatayo pa siya sa kinauupuan nang mapansing gising na ako.
Napukaw din sa kinauupuan si Amierizz at seryosong lumapit sa akin at hinawakan ang noo ko. "Tarah. Kamusta ang pakiramdam mo?"
Pilit akong ngumiti. "Nauuhaw ako.." Sabi ko sa paos na boses.
Nagulat pa ako ng makitang si Jake ang mabilis na kumuha ng tubig at isinalin pa sa baso. Saka siya lumapit sa akin at inaabot iyon. Subalit, hindi ko agad kinuha dahil nakahiga pa ako.
Nakangiwi namang tumingin si Amierizz kay Jake habang inaalalayan akong makaupo.
"Drink.." Ani Jake at muling inabot sa akin ang baso.
Walang-kibo ko namang kinuha iyon at agad na inubos ang laman no'n. At pagkatapos kong uminom ay muli niyang kinuha sa kamay ko ang baso at ibinalik sa mesa.
"Psh! Hindi ko alam kung totoo ang pinapakita niya sa 'yo, Tarah, o ginagawa niya lang 'to dahil nakukunsensya siya sa nagawa niyang kasalanan sa 'yo. I don't believe him and I don't trust him," mahinang bulong ni Amierizz malapit sa tenga ko.
Napabuntong-hininga naman ako at hindi kumibo. Madami akong gustong sabihin subalit mas pinili ko na lang na manahimik.
"Miss Smith," tawag-pansin uli sa 'kin ni Mr. Hemsworth. Napalingon naman ako kaagad sa kanya.
"She's Mrs. Smith not Miss, Mr. Hemsworth," agaw pansin naman ni Jake.
"Ows..." Nakangising reaksyon ni Amierizz.
Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kanila.
"Oh..sorry, Mr. Jake Smith.. I do always call your wife 'Miss Smith'. I forgot that she's married. My bad." Naiiling na saad ni Mr. Hemsworth habang nakaharap kay Jake. Nang tumingin naman siya sa 'kin ay pilyo siyang ngumiti at saka ikinaway pa ang isang kamay. "Ahm..I think, I should go now.. I'm sorry.. I really want to stay here but I have an important meeting with my family tonight and they are now waiting for me," nakangiwi habang kumakamot sa batok na paalam niya.
Mabilis naman akong tumango at gumanti ng matamis na ngiti. "Don't be sorry.. It's okay.. Maraming-maraming salamat din sa lahat, Mr. Hemsworth. At, pasensya na, naabala kita." Kyeme kong sabi. Nahihiya kasi ako dahil sa naabala ko siya. Hindi naman niya ako kaano-ano para pagaksayahan pa niya ako ng mahabang oras.
"No! It's okay for me too. Hindi ka abala for me. I'm willing to help you kahit ano pang tulong. And..uh, I'll be back here to check you tomorrow..if ever na..pumayag ang husband mo na dalawin kita uli dito?"
"Sure! No problem, Mr. Pogi 102! You're always welcome to visit my friend. Therefore, we owe you a lot. Kung di dahil sa 'yo, baka pati si Tarah napahamak na rin," sabad ni Amierizz.
Tumango-tango ako bilang sang-ayon.
Nakangiting tinignan ako ng nakakaloko ni Amierizz bago pa inilipat ang tingin kay Mr. Hemsworth. "O, see? Payag si Tarah. Pumunta ka na lang dito bukas. For sure, nandito pa siya," kumindat pa si Amierizz sa 'kin nang muli niya akong lingunin.
Pinagkunutan ko naman siya ng noo.
Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Mr. Hemsworth kay Amierizz at napasulyap pa sa akin. Ngunit muli niya kaming hinarap ng walang makuhang tugon mula kay Jake. Para lang kasing tuod si Jake na nakatayo lang at tila walang naririnig.
"Get well soon, okay? And I..ano.. S-Sige na, Miss—I mean, Mrs. Smith! Hehe! I'll go ahead na." Kung anuman ang gustong sabihin ni Mr. Hemsworth ay hindi na niya nasabi pa dahil sa marahas na tikhim ni Jake.
Ako mismo ay nagulat sa tikhim na 'yon. Di ko malaman kung ano bang ipinapahiwatig niya.
"Alright! That's enough. You take care, Mr. Hemsworth. Thanks for your help again. Thank you," walang kangiti-ngiting saad ni Jake. Lumigid pa siya mula sa kabilang gilid ng kama at lumapit para kamayan si Mr. Hemsworth.
"Of course, I will." Nakangiti namang nakipagkamay si Mr. Hemsworth. "And, uh..take care of your wife, Mr. Jake Alexander Smith. She needs you not just today, not just tomorrow, but everyday."
Tango na lamang ang naging tugon ni Jake at hindi na sumagot pa. Saka na rin sila nagbitiw ng mga kamay.
Bago tumalikod si Mr. Hemsworth ay sinulyapan niya muna ako. Tumango siya saka kumaway uli. Pagkatapos ay saka na niya tinungo ang pinto.
Labis-labis din ang pasasalamat ni Amierizz kay Mr. Hemsworth habang inihahatid pa niya ito patungo sa pinto. Tango at ngiti na lang din ang nakita kong sagot ni Zack Hemsworth bago pa siya lumabas ng kwarto.
Kumaway pa sana ako pero di na iyon nakita ni Mr. Hemsworth subalit si Jake naman siyang nakakita no'n. Umiba 'yong awra niya na tila nasaktan sa simpleng ginawa ko. Pero, binalewala ko 'yon dahil baka guni-guni ko lang iyon!
Pabalik na sa kinahihigaan ko si Amierizz kung kaya't inalis ko na ang tingin kay Jake. Naupo pa si Amierizz sa kama at saka isinandal ang likod at ulo sa headboard. Pumikit pa siya at ipinagkrus ang mga braso. Inakala ko pa naman ay kakausapin niya ako pero balak din yata akong tulugan. Hindi ko na lang pinansin dahil baka puyat din 'tong kaibigan ko.
"Attarah, do you want something to eat? Foods? Fruits? Anything, just say it," aligagang saad ni Jake.
Napatingin uli ako sa kanya at saka mabilis na umiling. Hindi na rin ako sumagot pa. Tsaka, wala din naman talaga akong balak na kausapin siya. Hindi ko na siya kayang kausapin.
"Okay.. But still, I'm going to buy some foods for us here. Para mamaya kapag nagutom ka, may pagkain ng naka-ready dito," ani pa ni Jake.
Naisip ko, bakit ngayon lang niya naisip 'yon? Anong ginawa niya kanina habang tulog ako? Sana bumili na siya kanina.
Pero.. sana, di na lang siya umi-effort, diba? Hindi rin naman ako sanay.
"Lalabas na muna ako sandali, ha? Babalik din ako kaagad." Paalam niya pero wala siyang nakuhang tugon mula sa 'kin. Kung kaya't tumingin siya kay Amierizz na nananatiling nakapikit ngunit ramdam kong gising pa rin. "Ah, Amierizz, iwan ko muna kayo dito."
"Sige." Tugon ni Amierizz at tumango pa habang nakapikit. "Huwag ka na ring bumalik!" Madiing bulong ni Amierizz sa hangin.. Nangamba pa ako sa sinabi niyang iyon.
Wala na ring naging tugon si Jake at saka na siya nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Nang wala na si Jake ay saka na iminulat ni Amierizz ang mga singkiting mata at itinutok talaga sa mga mata ko.
"Why?" Nagtataka kong tanong.
"Alam ko na kung ano ang reason kung bakit ka nakunan," anya at nilukuban ako ng kaba. "Walang nagawa 'yong asawa mo at ipinakwento kong lahat sa katulong niyo 'yong nangyari sa 'yo habang tulog ka. At nalaman kong si Honey Kate Jacobs ang siyang may kagagawan ng lahat ng 'to! Kakagigil no'ng sh*t na 'yon! Kung alam ko lang, inilampaso ko na 'yong pagmumukha no'n kanina sa hallway, eh! At, isa pa, g*go din kasi 'yang asawa mo! Alam mo, Tarah, kung ako lang, aanitan ko talaga 'yang Jake na 'yan! Ang sarap din niyang sapakin ng paulit-ulit! Naku! Nagtitimpi lang talaga ako sa kanya dahil sa 'yo." Nanggigigil na saad ni Amierizz na umaaksyon pa ang mga kamay sa ere.
"Nakunan din si Kate, 'mi. Dahil din sa 'kin.."
Natigil siya sa pagngingitngit niya dahil sa narinig. "What? Anong sinasabi mo diyan?"
"Nawala 'yong magiging baby nila no'ng mag-break sila. At ako din ang sinisisi niya.. Pakiramdam ko, hanggang ngayon ay depressed pa rin si Kate dahil nawala daw siya sa sarili no'ng maghiwalay sila, dagdag pa ng pagkawala no'ng baby sana nila. Kaya siguro patuloy niya pa rin akong ginugulo."
"Pero, hindi pa rin tama ang ginawa niya, Tarah! Buhay ang nawala. Pwedeng-pwede mo nga silang kasuhan ng adultery, eh!"
Umiling-iling ako. "Nawalan ako..at masakit sa 'kin 'yon.. Kung anuman ang nararamdaman ko ngayon ay siguradong naramdaman din 'to ni Kate. Lalo ng masakit para sa kanya dahil 'yong taong sana'y kasama niya, asawa na ng iba."
"Tarah.." Inalo niya ako ng maramdaman kong nanginginig ang kalamnan ko. "Still, you don't deserve this. Hindi mo deserve ang masaktan. Andami ng nawala sa 'yo.. Andami mo ng napagdaanang sakit.. Kaya, tama na, ayaw ko ng makitang sinasaktan ka ng iba."
"What I'm going to do?" Tanong ko.
"Set him free."
Nagpatakan ang mga luha ko sa sinabing iyon ni Amierizz.
Hanggang sa ilang sandali pa ay muling bumukas ang pinto at pumasok doon ang doktor kasama ang dalawang nurse. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at pilit na pinakakalma ang sarili.
Nagtaka ako kung bakit mayroon silang dalang stretcher pero hindi ko naman nagawang umusisa.
"Para po saan 'yan?" Si Amierizz ang nagtanong.
"Ililipat namin ang pasyente sa operating room. Schedule ng raspa niya ngayon," saad ng doktor.
Napa-oh na lang si Amierizz at malungkot akong hinagod sa buhok. Napapalunok naman akong isinandal ang ulo sa may balikat niya.
Malungkot ang doktor na kinausap ako sa pagkawala ng baby ko. Lahat ng detalye ay nabanggit niya. Sinabi niyang napakaraming dugo ang nawala sa 'kin kaya hindi na talaga naagapan pa ang bata. Ngayon na rin mismo ang schedule ng raspa ko kaya pala kailangan kong ma-admit.
Maya-maya pa'y magkatulong ang dalawang nurse sa paglipat sa 'kin sa stretcher at pagkatapos ay inilabas nila ako para dalhin sa operating room. Nakaalalay sa 'kin si Amierizz at kapantay lamang ng isang nurse na tumutulak ng stretcher.
Hanggang sa makarating na kami sa pintuan ng operating room. Hindi na pinayagan pang makapasok si Amierizz.
Madami pa sanang pagpapalakas ng loob ang sinabi si Amierizz ngunit hindi ko na 'yon nadidinig pa dahil sa kabang nararamdaman.
Hanggang sa ipasok na nga ako at sinimulan na ang pagra-raspa sa 'kin.
Ilang oras din ang ginawang operation. Gising na gising ako kaya't ramdam ko ang sakit habang niraraspa. Sakit na hindi lang dahil sa ginagawa sa private part ko kundi dahil sa sakit na pagkawala ng baby ko.
Nang matapos kong raspahin ay dinala muna ako sa recovery room at inobserbahan. Siguro tatlong oras bago ako inilipat sa private room ko.
Nanatili akong nakapikit habang ipinapasok sa kwarto hanggang sa ilipat ako sa kama ko mula sa pagkakahiga ko sa stretcher. Ayaw kong imulat ang mga mata ko dahil baka si Jake lang ang unang mabungaran ko. Panigurado kasing nakabalikan na ito.
"Tulog po ba siya, doc?" Dinig kong tanong ni Amierizz. "Kumusta po siya?"
"She's awake but let her rest. She needs more of that. Kailangan niya ng madaming pahinga para bumalik kaagad ang lakas niya," tugon ng doctor.
"Oh! Okay po, doc."
"Thank you, doctor," dinig ko ding sabad ni Jake. "Thank you for taking care of my wife."
"Oh! So, you are the husband?" Takang tanong ng doktor.
"Yeah. I am. Jake Alexander Smith here," mabilis na sagot ni Jake.
"Oh! I know you, Mr. Smith. Your my clients—uh! Nevermind. Take good care of your wife then." Iyon lang ang naging tugon ng doktor saka nagiwan ng ilang habilin sa mga nurse bago lumabas ng kwarto.
Nagtataka ako dahil kadalasan sa mga doktor ay napakaraming ibinibilin sa mga asa-asawa o bantay ng pasyente.. Pero, nang magpakilala si Jake..wala man lang sinabi kundi alagaan lang ako. May gusto din sana itong sabihin ngunit di na tinuloy. Nakakapagtaka lang!
Kasalukuyan na ring pinapalitan ng nurse ang suwero ko. Gusto ko na nga sanang ipatanggal iyon pero kailangan ko pa rin daw 'yon. Bale, iyon daw ang magbibigay ng nutrients sa katawan ko habang hindi pa ako pwedeng kumain ng solid foods. Though, pwede naman, pero kasi wala pa akong gana sa ngayon.
Dala ng epekto ng mga gamot ay nakatulog na naman ako. Hindi ko na nga rin namalayan ang pagalis ng mga kasama ko. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagpaiwan para bantayan ako. Umaga na kasi at sumisikat na rin ang araw ng magising ako kinaumagahan.
Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita kong magisa lang ako sa kwarto.
Wala si Amierizz.
At wala rin si Jake.
Marahil isa lang sa kanila ang nagpaiwan at nasa labas lang para kumain ng almusal.
Sa pagiisa, ay muli kong naalala ang nangyari kahapon. Muli tuloy akong nakulong sa lungkot. Napapaluha na rin ako.
Wala na ang magiging anak ni Jake sa 'kin. Na sana'y inaasahan kong magiging tulay para maayos ang pagsasama namin.
Kaso.. Wala na..
Sobrang nakakapang-hinayang na mawalan. Sa isang iglap lang kasi, nawala at binawi na kaagad sa 'kin kahit hindi ko pa man nayayakap o nahahawakan.
Muli na naman akong pinanghihinaan sa naiisip..
'Eto 'yong isa sa pakiramdam na parang gusto mo ng mawala.. Kagaya ito ng pakiramdam no'ng pagkawala ng mga magulang ko. Sobrang sakit. Pakiramdam ko parang wala ng saysay ang buhay ko.
But, I realize that life is too precious to be wasted. Natutunan ko 'yan after kong mag-attemp ng suicide. That's not a good idea. Hindi ko naman talaga kailangang sayangin ang buhay ko. All I need is to step forward while moving on. God is always there to guide you.
Yes, I know I can move on.. Kahit mahirap, kakayanin ko.. Hindi ko na kailanman uulitin 'yong katangahang ginawa ko.
Nasa malalim akong pagiisip nang biglang tumunog ang flush ng banyo at saka ilang segundo pa ay bumukas ang pinto.. Lumingon ako para hintayin kung sino ang lalabas doon.
At, wala na ngang ibang lumabas sa banyo kundi si Jake! Bagong ligo at kasalukuyan pang nagpupunas ng buhok gamit ang maliit na towel.
Ibig sabihin, siya ang naiwan sa 'kin para samahan ako dito. Ang inaasahan ko pa naman ay si Amierizz ang pipirme.
Nagulat pa ako ng medyo napatalon si Jake nang makitang nakatingin ako sa kanya. Nagkasalubong pa ang mga paningin namin at seryoso akong nakipagtitigan sa kanya. Siya din naman ang unang umiwas at saka dumeretso sa mini table.
"Are you hungry?" Tanong niya sa malumanay na boses. Kasalukuyan na siyang nagtitimpla ng kape niya sa mug. "Nagpa-deliver ako ng food dahil di ko gusto 'yong food nila dito. Ayoko ng lasa. Di tulad ng luto mo, masarap," ani pa niya. Di ko malaman kung matutuwa ba sa papuri niya o matatawa.
'Trying to be appreciative, huh?' Anang isip ko.
Dala ng lungkot na hindi na yata maaalis sa puso ko ay hindi ko siya pinansin. Tahimik lamang akong nakamasid sa kanya at sa kung saan.
Ilang saglit pa ay lumapit siya sa 'kin dala ang isang tray na puno ng mga pagkain. Inisa-isa ko pang tinignan iyon.
"You need to eat your breakfast. Hindi ka kumain kagabi," sabi niya habang inilalapag sa may paanan ko ang tray.
Nakahiga ako kaya tinulungan niya muna akong makaupo. Nang okay na ay saka niya inilipat sa may kandungan ko ang tray at ipinatong sa stand upang di ma-out balance.
Inisa-isa kong tinignan ang pagkain; Milk, white bread, macaroni soup, sliced apple and banana cake which is paborito ko. Muli ko pang pinagmasdan ang mga pagkain bago ko inilipat ang tingin kay Jake na masuyong nakatingin sa 'kin.
"Bakit mo ginagawa 'to?" Wala sana akong balak na magtanong o kahit na magsalita pero di ko pa rin maiiwasan.
"Just eat your breakfast. Lalamig na ang soup mo."
Wala naman akong mahihita sa kanya kaya di na ako nagabalang magtanong ulit.
Nagsimula akong kumain ng hindi man lang ako nagpapasalamat sa inihain niya. Ni hindi ko siya niyayaya o tanungin kung kumain na rin ba siya. Ni hindi ko siya tinitignan kahit pa ramdam kong sinusundan niya ang bawat subo ko. Naupo pa siya sa may gilid ng kama ko habang pinagmamasdan ako.
"The doctor told me, bukas ka pa raw makakauwi. So, we need to stay here the whole day and a night together," sabi niya.
"Pwede mo na akong iwan, Jake. Tawagan mo na lang si Amierizz para pumalit sa 'yo."
Dinig ko ang paghugot niya ng malalim na buntong-hininga. "No. You're my obligation. I'm your husband and I'll stay here." Mahina pero madiin niyang pagkakasabi.
"I'll set you free.."