"I'LL SET you free.."
Matapos kong banggitin ang mga salitang iyon ay bahagyang natigilan si Jake at hindi niya maalis ang tingin sa 'kin. Tila nagulat siya at di makapaniwala sa sinabi ko.
Sinamantala ko naman ang pagkakataong 'yon dahil gusto kong iparamdam sa kanya ang galit sa puso ko, ang lungkot at sakit na naipon sa dibdib ko.
Matapang akong nakipagtitigan sa kanya. Ayaw ko sanang humantong ang lahat sa ganito pero 'eto na lang siguro ang daan para maging maayos ang lahat.
Kasalukuyan na akong binabalot ng matinding emosyon ko. Nagsisimula ng bumikig ang lalamunan ko at anumang oras ay kakawala na rin ang mga luha ko.
Pagkuway, napapailing siyang tumayo at saka walang-kibong kinuha ang tray na nasa kandungan ko. Wala siyang imik na isinauli sa lababo ang tray at ilang segundo rin siyang nanatiling nakatayo doon na tila may malalim munang iniisip.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay naapektuhan siya sa sinabi ko.
Pagbalik niya ay parang tinusok ang puso ko nang makitang namumula ang gilid ng mga mata niya. Hula ko pa nga ay umiyak siya. Pero imposible iyon. Imposibleng umiyak siya nang dahil sa sinabi ko, higit sa lahat kung dahil lang sa akin.
Pigil ang hininga ko nang muli siyang naupo sa may gilid ng kama at halos hindi mapuknat ang tingin sa mga mata ko. "Y-You're just kidding me, right?" Napangisi pa siya na akala'y biro lang ang sinabi ko sa kanya.
Umiling ako. "H-Hindi ako nagbibiro, Jake.." Sabi ko habang nilalabanan ang titig niya.
Ngumisi pa siya lalo subalit hindi naman nakikisama ang mga mata niya. Namumula iyon na parang anumang oras ay magbabagsakan ang mga luha niya.
Tumikhim siya at saka sumeryoso."Just go to sleep if you're still sleepy, Attarah Jade. Gigisingin na lang uli kita mamaya kapag may ituturok na gamot sa 'yo," anya at tatalikuran na sana ako. Subalit, mabilis kong hinila ang laylayan ng shirt niya. Nilingon niya naman ako ngunit nananatili pa rin siyang nakatalikod sa 'kin. "What? You need something?"
"Maghiwalay na tayo, Jake! And, that's what you need. Palalayain na kita. H-Hindi ako nagbibiro. Ayoko na."
Para patunayan ang sinabi ko ay lakas-loob kong hinubad ang singsing na suot at iniabot iyon sa kanya. Subalit, nakatulala lamang siya sa pinakaimportanteng bagay na nasa kamay ko at tila walang balak na kunin iyon. Kaya naman, inilagay ko na lamang ang singsing sa may gilid ng kama na nasa tapat niya.
Kita ko ang paglitaw ng mga ugat sa leeg at maging sa sentido niya. Sunod-sunod din siyang napapalunok na animoy may bagay na nakabara sa lalamunan niya habang nakatulala sa singsing.
Humugot ako ng malalim na buntong-hininga upang pigilan ang sariling mapahagulhol. "M-Mahal kita at pinangarap kong makasama ka sa habang-buhay pero..pero kasi, 'di ko na kaya, eh.. H-Hindi ko na kaya pang mamalimos ng pagmamahal mo.." Nanginginig ang mga labi ko at isa-isa na ring nagbabagsakan ang mga luha ko.
Hindi pa rin siya makapagsalita. Nasa singsing pa rin ang paningin niya.
"P-Pare-pareho lang naman kasi tayong nahihirapan at nasasaktan, eh.." Pagpapatuloy ko pa. "K-Kaya, nakapag-desisyon na akong p-palayain ka na lang, Jake."
Doon niya na inangat ang paningin at saka ko sinalubong ang matiim niyang pagkakatitig. Dinig ko ang mabigat at mabilis niyang paghinga. Bago siya nagsalita ay humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga at saka nagpakawala ng hangin sa baga. "Attarah, look.. I know, galit ka sa akin because of what happened. Kaya ka din siguro nakapagdesisyon ng ganyan. And you know that it's too impossible for us to get separated. We're married. And, there is no divorce here in our country." Mababakas sa tinig niya ang sakit na hindi ko alam kung saan nanggagaling.
Natulala pa ako sa kanya ng ilang saglit bago ako nakapagsalita ulit. "May..m-may isa pang paraan para mapawalang-bisa ang k-kasal natin, Jake.." Hirap na hirap akong magsalita.. Ang sakit-sakit kasi sa dibdib.
"Are you going to file an annulment? Is that what you mean?"
Mahina akong tumango. "O-Oo.. M-May tutulong sa 'kin.. Para maibigay ko na rin sa 'yo ang kalayaang gusto mo.." Halos makagat ko na ang mga labi kong kanina pang nanginginig.
"Damn it, Attarah!!" Padabog siyang nagpalakad-lakad paroo't-parito. Hawak ang noo at nagpipigil ng inis. Pagkatapos ay muli siyang humarap sa 'kin. "Did I tell you that I want to get separated with you?! I don't remember! Wala akong sinasabing gano'n sa 'yo!"
"H-Hindi ba't pabor din naman sa 'yo 'tong gusto ko? Eh, kasi..hindi naman kasi magwowork 'tong marriage natin at ramdam ko namang h-hindi ka masaya sa 'kin. At k-kahit pa anong gawin ko, alam kong hindi malilipat sa 'kin ang pagmamahal mo. Kasi hanggang ngayon, si Kate pa rin.. S-Siya pa rin ang mahal mo!"
"Yes! That's the truth! Dahil hindi gano'n kadaling makalimot, Attarah! It's not in an instant ay mawawala na kaagad 'yong feelings ko sa naging karelasyon ko for about six long years just because I've been married to another woman, to you! Hindi 'yon gano'n kadali! Kate is a very nice and a loving girlfriend to me.. Mas sobra akong nasaktan no'ng nasaktan ko siya at iniwan pang magisa! Napakalaki ng naging kasalanan ko sa kanya, Attarah!"
Bumigay na ako at hindi ko na napigilan pang mapahaguhol. Nasapo ko pa ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko.
"Inaamin ko, mas nanaig 'yong galit ko no'ng una kaya kita nasaktan, physically, emotionally. You know, It's not easy for me to let go of someone na naging part na ng buhay ko sa mahabang panahon. Inaamin ko din na until now, hindi pa rin ako masaya. Papaano akong magiging masaya? Nasaktan ko 'yong taong minahal ko!"
Ngayon ko mas naunawaan ang nararamdaman niya. Alam ko din naman na nasasaktan siya.. nahihirapan siya. Siya ang nasa gitna ng lahat. Siya ang naiipit. At sa huli...sa kanya lahat ang sisi.
"Alam ng diyos na wala akong inyensyong sirain kayo ni Kate.. H-Hindi kita pinilit na ikasal sa 'kin, Jake.. Pero, n-no'ng pumayag kang matuloy ang kasal natin, d-do'n ako nagkaroon ng pagasa na baka may nararamdaman ka din sa 'kin. Ngunit, sa sinabi mo ngayon, maliwanag na sa 'kin na siya pa rin talaga.. At, sobrang sakit na marinig ang katotohanan.. Kaya..siguro, tama lang 'tong desisyon ko.. I-Ibabalik na lang kita sa kanya."
Mahina siyang tumawa. "Anong akala mo sa 'kin, ha? Damit? Na pagkatapos mong suotin at kapag naramdaman mong hindi ka kumportable, ibabalik mo sa sampayan ulit? F*ck!" Napamura pa siya na ikinagulat ko. "At, siguro.. Kaya mo siguro ako pinapalaya ngayon dahil may iba ka na.. Tell me.. May iba ka na bang pinapangarap ngayon?" Nakaismid niyang tanong.
Naingat kong bigla ang tingin sa kanya dahil sa naging tanong niyang iyon. Para ding umurong ang mga luha ko at natigil na 'yon sa pagtulo.
"No! Wala! At 'wag mo 'kong pagisipan ng ganyan! Mahal kita at alam mo 'yan! Wala akong ibang ginusto kundi ikaw lang! Hindi totoo 'yang iniisip mo!"
"Defensive.. Nice." Nakangising saad niya.
"Sinasabi ko lang ang totoo, Jake. Sinabi ko na sa 'yo kung anuman ang rason ko kung bakit ako makikipaghiwalay sa 'yo. Hindi 'yon dahil sa iniisip mo! At, kaya ko rin 'to sinasabi sa 'yo dahil paglabas ko rito...hindi na ako uuwi sa bahay.. Hindi na ako titira kasama mo. Kaya ko pa naman sanang magtiis, eh..kaya lang..sa nangyari, sa pagkawala ng baby natin, napanghinaan na ako.. Gusto ko na lang muna na makalimot."
"I understand what you feel right now, Attarah. But still, hindi mangyayari ang gusto mo." Sabi niya sa mahinahong tinig at saka napabuntong-hininga pa.. "Chami will find and miss you if you won't go home. And of course, hindi papayag si Mom. She will get mad at me, for goodness sake!"
"Maiintindihan 'to ni M-Mommy Vic.." Nakayuko kong saad. "And, si Chami... Isasama ko siya."
"Yeah! Mom will understand but she will never accept this to happened. And, isa pa, makakasamâ sa kanya kapag binigla natin siya sa gusto mong mangyari. May sakit si Mommy ngayon at nagpapa-recover. I'm worried na baka mas lalong tumaas ang presyon ng dugo niya kapag nalaman niyang wala na ang magiging apo niya.. Jesus! I don't know how to explain to her everything. So, if you have a plan to escape, not now.. I need you to stand by me. I beg you."
Sa dami ng sinabi ay ang tungkol kay Mommy Vic ang siyang naintindihan ko. "M-May sakit si Mommy Vic?" Tinatambol ang dibdib ko sa kaba at pagaalala. "A-Anong nangyari sa kanya, Jake??"
Malungkot na tumitig sa 'kin si Jake at saka muli siyang naupo sa kama. "Tumaas ang blood pressure niya. But, nothing to worry about, she's fine now. Bumaba naman kaagad BP niya nang madala siya sa hospital."
Nakahinga ako ng maluwag. "God..thank you.." Sambit ko. "S-Saang hospital dinala si Mommy Vic? Dito rin ba? P-Pupuntahan ko siya!" Babangon na sana ako nang bigla niya akong pinigilan.
"Nasa mansyon na siya ngayon. Ayaw niyang mag-stay sa hospital dahil mas lalo raw siyang magkakasakit. Kaya sa mansyon siya mino-monitor ng nurse niya ngayon," seryoso niyang sabi at nasa kawalan na ang tingin. "Kaya nga wala siya dito, eh." Maya-maya pa'y patuloy niya. "Dahil kung nagkataon na okay si Mom, for sure, nandito 'yon para sabunin ako, para pagalitan ako, sisihin ako at kung ano-ano pa."
"Na deserve mo naman talaga! Psh!"
Bigla kaming napalingon ni Jake sa may pintuan. Naroon nakasandal sa wall si Amierizz at masamang-masama ang tingin kay Jake.
"Mi? K-Kanina ka pa ba diyan?" Kinakabahan kong tanong. Ramdam ko kasi ang galit ng kaibigan ko.
"Kararating ko lang, Tarah. At eksaktong pagpasok ko, nadinig ko ang huling usapan ninyo," mataray niyang tugon habang iniirapan si Jake na wala namang balak na patulan siya. "And, pasensya na bestie, sumabat ako." Naikot pa ni Amierizz ang mga mata niya dahil dini-dedma lang siya ni Jake.
Lumipat na rin ng upuan si Jake marahil para bigyang daan si Amierizz na makausap ako. Muli din siyang nanahimik. Tuloy, hindi na rin namin napagpatuloy ang naging usapan namin tungkol sa pakikipaghiwalay ko sa kanya. Na marahil, hindi rin yata matutuloy sa ngayon dahil kay Mommy Vic.
Pagkalapag ni Amierizz sa mga dala-dala niyang prutas at pagkain ay agad siyang lumapit sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi. Pagkatapos ay naupo siya sa kama. "So, kumusta ang pakiramdam mo? Inalagaan ka ba ng maayos ng bantay mo o pinabayaan ka lang?" Lumambot ang awra niya pagkakita sa namamaga ko pang mga mata. "Kita mo, kagagaling mo lang sa pagiyak, eh.. Tama 'yong huling tanong ko, 'no?"
Sinulyapan ko muna si Jake na seryosong nakaupo sa di kalayuan. Abala na rin siya sa laptop niya. Malaki din ang kwarto kaya hindi naman niya siguro nadidinig ang paguusapan namin ni Amierizz..
"Sinubukan ko ng makipaghiwalay sa kanya, 'mi." Sabj ko sa mahinang boses.
Saka ko muling kinuha ang singsing na nakapatong sa kabilang gilid ng kama at ipinakita ko 'yon kay Amierizz.
Namilog naman ang mga mata niya. "Really? Anong sinabi niya?"
"Hindi siya pumayag.."
Napasimangot siya sa sagot ko. "Kesyo sa pumayag siya o sa hindi, iwanan mo na 'yan, Tarah!" Gigil niyang sambit. Nagtatagis pa ang mga bagang niya.
Napailing-iling naman ako.. "May sakit si Mommy Vic ngayon.. Inatake na naman ng highblood. At kapag nalaman no'n na maghihiwalay na kami ni Jake at w-wala na rin ang..ang magiging apo niya sana, baka mapahamak pa siya ng dahil do'n. H-Hindi kakayanin ng kunsensya ko kapag may nangyari kay Mommy Vic, 'mi.."
"Nandoon na tayo.. Pero, papaano ka? To be continued ang pagtitiis mo sa asawa mo, gano'n? Na magbubulag-bulagan ka na lang at magtitiis diyan? Eh, parang bato ang puso niyan pagdating sa 'yo, eh!"
Napabuntong-hininga ako. "P-Para kay Mommy Vic..siguro..magtitiis pa rin ako."
Napapailing-iling na lamang si Amierizz.. "As always, wala akong magagawa kundi ang tignan ka na lang na nahihirapan at umiiyak nang dahil sa maling desisyon na 'yan.. Hay! Sige na, Tarah. Dinaanan lang talaga kita dito para dalhan ng mga pagkain at prutas na kailangan mo. May pupuntahan kasi kami ni boylet mamaya. Gusto ko din sanang mag-stay ng kahit ilang minuto pa kaso ayokong mag-stay sa isang lugar na nakikita 'yang asawa mo. Napaka-gwapo nga, may invisible namang sungay!"
"Mi.. Naiintindihan ko ang galit mo kay Jake.. Pero sana 'wag mo na siyang intindihin pa. Ayokong nadadamay ka sa problema ko.."
Napabuga siya sa sinabi ko. "Anong 'wag intindihin? Sa ginawa niya sa 'yo? No way! Hindi ko makakalimutan kung papaano mong sinubukang kitilin ang buhay mo ng dahil sa ginawa niya! Tarah, hindi ako galit sa pagkatao niya..galit na galit ako sa ginagawa niya!" Galit din siyang napabangon sa kama.
Hindi na ako nakasagot pa.. Nagsimula ng dumagundong sa kaba ang dibdib ko. Napasulyap pa ako kay Jake dahil doon. At nakita kong nag-react siya.
"God! Nakakagalit lang talaga, Tarah.. Kung hindi rin dahil sa kanya, hindi sana mawawala 'yong magiging baby niyo. Siya ang may kasalan ng lahat!"
Nilukuban na ako ng takot nang makitang tumayo si Jake at lumapit sa 'min. Naramdaman din agad ni Amierizz ang presensya ni Jake at mabilis siyang humarap sa asawa ko.
"Are you threaten me by your stares? Well, I am not threatened!" Sigaw ni Amierizz at dinuro pa si Jake.
"Hindi kita tinatakot, Amierizz. At, oo! Inaamin ko naman na ako ang may kasalanan ng lahat at ako ang may problema dito. But, please! 'Wag niyo ng ulit-ulitin ang paninisi sa 'kin. Guilty na nga ako, eh!" Tugon ni Jake.
"Oh! Nice! Mabuti naman pala na inaamin mong ikaw ang may problema!" Tumango-tango pa at napapangisi. "But, bakit parang hindi ko feel 'yong guiltiness mo kuno, Jake Xander?"
"Mi..Jake! Please.. tumigil kayo. 'Wag na kayong magtalo. 'Wag na kayong magaway dito, please?" Awat ko.
"Psh! Pasalamat ka, nandito tayo sa hospital at nagpapagaling pa si Tarah! Dahil kung hindi, raratratin talaga kita, Jake Xander 'g*go' Smith!" Gigil na sambit ni Amierizz. Kita ko oa ang paguntugan ng mga ngipin niya. Saka bumaling sa 'kin. "Aalis na ako, Tarah. Tawagan mo 'ko kapag nakauwi ka ng safe," anya pa sabay talikod at nakairap na tumalilis papalabas ng kwarto.
Hindi na ako nakasagot pa at napapahawak na lang ako sa noo ko dahil para akong aatakihin ng migraine!
Sumasakit ang ulo ko dahil tila lalong nagiging magulo ang sitwasyon..