NAPUNO ng katahimikan sa pagitan namin ni Jake pagkalabas ni Amierizz. Ni wala na sa amin ang may ganang bumasag no'n. Tanging ang mga mabibigat na hininga lang namin ang madidinig sa loob ng kwarto.
Ilang minuto na ang nakalipas ay nananatili pa rin akong tahimik, nakatulala sa kawalan, at malalim ang iniisip.
Habang si Jake ay nananatili namang nakatayo papaharap sa bintana at matatalim ang mga matang nakatitig doon. Tila galit na galit sa tinitignan niya. Dinig ko din ang minsan niyang pagtagis ng mga bagang at malalim na buntong-hininga.
Subalit, inignora ko 'yon. Kung dati ay kinakabahan ako sa tuwing ganyan si Jake, ngayon ay parang balewala na sa 'kin 'yon.
Parang mabibiyak din ang ulo ko sa kakaisip sa mga nangyayari.. Pinupuno ang isip ko sa mga alalahanin. Mas nagiging kumplikado kasi ang sitwasyon.
Maya-maya'y nasulyapan kong tumalikod si Jake Xander at saka tinungo ang pinto papalabas. Subalit, bago pa siya tuluyang makalabas ay nilingon niya muna ako.
Napatingin ako sa kanya at siya namang pagsalubong ng mga paningin namin.
"Lalabas muna ako." Paalam niya at saka itinaas ang kamay para ipakita ang vape na dinukot mula sa bulsa ng pantalon niya. Ngunit wala siyang nakuhang tugon sa 'kin. Para lang kasi akong nakatingin sa hangin. Sumenyas na lamang siya na lalabas na. "I'll be back in a minute."
Hindi ko pa rin siya nagawang tugunin. Ni tanguan ay di ko ginawa. Umalis na lamang siya ng hindi ko pinapansin.
Nang mapagisa ay doon na naman ako pinanghinaan. Nanunuot na naman sa dibdib ko ang kalungkutan. May parte din sa isip ko ang pagsisisi.
Kung hindi ko sana pinasok ang mundo ni Jake, 'di sana'y hindi naging magulo ang buhay ng bawat isa sa amin.
Wala sanang nasasaktan...at wala sanang nawalan.
Hindi sana ako nawalan..
Ambigat-bigat sa dibdib na animoy may mabigat na bagay na nakadagan sa akin.
"God, help me heal the pain inside me.." Mahinang bulong ko.
Sinasakop ang buong isip ko ng mga nangyari.. Napakasakit kung iisipin.. At nagaalala rin ako sa mga nangyayari ngayon at sa mga mangyayari pa..
Natakot ako kanina. Totoo. Akala ko, magkakasakitan si Jake at si Amierizz.
Though, hindi naman ni Jake pinatulan si Amierizz pero dahil sa nag-react siya ay mas lalo niya lang pinasiklab ang galit ng kaibigan ko.
Mabuti na lang din at napigilan ni Amierizz ang sarili niya.. Hindi ko pa naman siya kayang pigilan kapag nagagalit. Mangengealam at mangengealam talaga 'yon para kampihan ako laban sa kahit kanino, lalo na pagdating kay Jake. Pero, totoong ayaw ko na siyang mangealam tungkol sa amin ni Jake, ayaw ko kasi siyang madamay. At isa pa, labas na siya dito dahil problema na naming magasawa ito.. Ngunit, hindi ko masisisi ang kaibigan ko kung papagitna talaga siya para ipagtanggol ako.
Ayaw ko na sanang lumaki pa ang gulo at ayaw kong nagkakagulo ng dahil sa 'kin. Kaso lang, sadyang ganito yata ang magiging kahihinatnan ng maling pasya ko.
"Ayoko sanang humantong sa ganito ang lahat pero nangyari na. At gusto kong na matapos na 'to.." Sambit ko habang napapasubsob na ako sa mga kamay ko.. "Paglabas ko dito...gagawin ko ang dapat at sa tingin ko ay tama."
Maya-maya lang din ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Di ko inaasahan. Napahawak pa ako sa tiyan ko na bigla na lang humilab.
"Uhh.. Kung kailan naman magisa ako..saka pa ako makakaramdam neto.." Bulong ko habang namimilipit na sa hilab.
Kahit hirap na hirap pa akong bumangon ay pinilit ko. Bumaba ako ng kama para pumunta sa banyo. Hinigpitan ko na lamang ang paghawak sa stand ng dextrose para hindi ako ma-out balance.
Nang kasalukuyan na akong nasa loob ng banyo ay saka naman biglang nagkaroon ng ingay sa labas.
Nangunot ang noo ko sa pagtataka.
"Are you really sure na hindi siya lumabas ng room?? Still, check the CCTV! Jesus!"
"Yes, sir!"
"Nurse Frey, sino ba ang bantay ng pasyente dito?"
"Uh..si Mr. Jake Smith po, Sir."
"Tsk! Maging siya wala rin dito! Papaano kung may mangyaring masama kay Jade??"
"Yon na nga po, Sir, eh. Hindi pa po okay si Miss Smith. Kaka-raspa lang niya kahapon."
Nagtataka akong pinakinggan ang usapan sa labas at saka ko naman nahimigan ang maingay at pamilyar na pamilyar na boses ng isang lalaki.
"Where the hell is Jake? He supposed to be here to monitor her wife! Bakit kasi wala rin siya dito?" Pagalit na tanong ng lalaki.
"W-We don't know, Sir. Hindi namin napansin na umalis 'yong asawa no'ng pasyente," tugon ng nurse. "Hala kasi..saan naman kaya pumunta si Miss Smith?"
"Jesus! Are you sure na hindi pa dini-discharge 'yong pasyente?"
"Sigurado po, Sir."
Maya-maya'y may biglang pumasok at dinig ko pa ang lagatak ng heels nito.
"Will you please calm down, Jaze? Bukas ang pinto ng room at dinig na dinig sa labas ang boses mo!"
Mas lalong nangunot ang noo ko. Sigurado akong minsan ko ng nadinig ang boses ng babaeng 'yon.
"Tsk! I don't care, Zeih!" Singhal ni Jaze.. "What are you doing here too? Are you following me, huh? And, why did you left Mom? She needs you!"
'Zeih.. Shoot! Siya 'yong bagong doktor ni Mommy Vic.'
"I know! May kukunin lang akong gamit sa office ko and then I'll be back there. At kung iniisip mo na sinundan kita dito, you're wrong! Narinig kitang naghihisterikal kaya lumapit ako dito sa room ng ASAWA NG KAPATID mo!" Pinakadiinan nito ang huling sinabi.
"Then, why are you still here? Just go to your office and go back to the mansion!"
"How dare you!" Singhal ni Zeih.
Hindi na sumagot si Jaze. Narinig ko na lang na muling lumagatak ang heels papalayo.
Nagtataka din ako kung bakit gano'n na lang ang naging sagutan nila. Kung bakit gano'n sila kung magusap. Kung sabagay, di ko naman sila nakakasama kaya di ko alam kung anong status ang meron sila.
"Sir! We already check the CCTV!" Humahangos na bungad ng isa na namang lalaki. "And, hindi po namin nakita sa monitor na lumabas si Miss Smith. Si Sir Smith lang po ang nakita naming lumabas and he was there at the veranda right now."
"Then, where is she? Where is Jade?" Iritableng tanong ni Jaze.
"Sir, hindi kaya..nasa loob lang ng po ng CR si Miss Smith?" Tanong naman ng lalaking may malaking boses. "Na-check na po ba doon?"
"Jesus! Didn't you check it, Nurse Frey?" Pagalit na tanong ni Jaze.
"Ah..Eh, h-hindi po.."
"Jesus! Let me do it! Ako na ang kakatok!" Pabulyaw na sambit ni Jaze.
Hanggang sa may mga yabag na lang na lumapit patungo sa banyo at sa sandali pa nga'y sunod-sunod na itong kumatok sa pinto. Sinusubukan pang buksan ang doorknob.
"Jade?? Jade! Tell me, are you there?" Sigaw niya sa labas.
Napabuntong-hininga na lang ako saka napapailing na sumagot. "Oo!" Napapikit pa ako dahil biglang kumirot ang inoperahan sa 'kin.
"Jesus! Why you didn't even make some noise? Nagkakagulo na kami dito coz we thought you left here! God! What are you doing there??"
Hindi ako sumagot. 'Bakit ko naman sasabihin? Nakakahiya..' Masyadong masakit ang tiyan ko at di pa 'ko tapos.
"Jade, don't do anything that will harm yourself! I'm telling you, papasukin kita diyan sa loob ngayon mismo! Don't make anything bad on yourself, please! Tell me, you're okay there??"
Natigilan ako. Nangunot maging ang noo ko.
'Anong pinagsasasabi nito? Tsaka... anong iniisip nito? 'Kala ba nito ay gumagawa ako ng bagay na ikapapahamak ko?'
'Hindi ko na gagawin 'yong ginawa ko dati, sinusumpa ko!'
At dahil sa bigla akong natahimik ay muli na naman niyang kinalampag ang pintuan. Napatalon pa 'yong kaluluwa ko sa sobrang gulat!
"Jade! Jesus! What are you doing there?? Please answer me!" Histerikal na naman niyang tanong.
Napahawak na ako sa sintido at napailing-iling.
"Jade! I'm telling you! Papasukin talaga kita diyan!"
"I'm pooping! Ang OA mo, Jaze!" Napasigaw na rin ako para tumigil na siya.
Bigla namang natahimik si Jaze sa labas. Ilang segundo pa bago siya muling nagsalita. "O-Okay.. I'll wait you here outside. Hindi ako aalis dito sa pinto. Just tell me if you need some help, okay?" Kalmado na siya at hindi na kagaya kanina.
Para namang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. Kahit naiinis ako sa pangiistorbo niya ay sumibol naman ang kaunting saya sa dibdib ko.
Kasi, kahit papaano pa rin pala ay may mga taong nagmamahal sa akin at nagaalala. Hindi ko nga lang sila makita dahil naging manhid ako.
"Lalabas na kami, Sir. Just call us if you need some help too." Ani ng nurse.
"Alright. Thank you guys."
"No problem, Sir!" Saka dinig ko na ang mga yabag nila papalabas ng kwarto.
Ilang minuto din akong naglagi sa loob. Papalabas na rin sana ako nang muling sumigaw sa labas si Jaze.
"Aren't you finish yet, Jade?? I have waited for about five minutes!"
Hindi na ako sumagot pa at tuluyan na ngang binuksan ang pinto.
"Napakaingay mo naman, Jaze! Nagbawas lang naman ako, eh!" Kunwari'y nakaismid kong sambit at saka muling hinawakan ang stand ng dextrose. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap. Sobrang higpit no'n na halos hindi ko na magawang makahinga. Kaya naman, tinampal ko siya sa likod. "M-Masyadong mahigpit! Di na ako makahinga!"
Saka naman niya ako pinakawalan. Ngumiti siya at saka niya hinaplos ang magkabilang pisngi ko gamit ang dalawang kamay niya.
"I'm sorry.. Sobrang nagalala lang ako kanina. I thought, gumagawa ka na naman ng ikapapahamak mo."
"Hindi na 'yon mauulit pa, Jaze," malungkot akong ngumiti. Saka ko din inalis ang mga kamay niyang nasa pisngi ko.
"Which one? Ano 'yong hindi na mauulit?"
Pairap akong tumingin sa kanya. "Yong pag-commit ko ng suicide."
Napatango-tango siya. "Ah.. I thought, babawalan mo na akong i-hug ka."
"Mas lalong di na pwedeng maulit! Kita mo ng may asawa na ako, eh, hilig mo pa ring mang-akap! Kaya siguro nagagalit sa 'yo si Jake, eh!"
Napasimangot siya pagkabanggit ko no'n. Pagkuway, kumibit-balikat na lang. "So, why? I mean, what happened? Why did they brought you here, huh? Amierizz told me na nandito ka but hindi niya sinabi sa 'kin ang reason kung bakit ka dinala dito," anya sa himig slang na boses na gustong-gusto ko sa kanya.
Bago ako sumagot ay pinakatitigan ko muna siya. Malungkot akong nakatingin sa mapupungay niyang mata. Gano'n din siya sa 'kin, naghihintay sa kasagutan ng tanong niya.
Nilukob na naman tuloy ako ng matinding lungkot..
Parang nahihirapan naman akong sabihin ang nangyari kaya napayakap na lang ako sa kanya. Hindi ko na naman napigilan ang muling maging emosyunal.
"Jade?" Nagulat siya pero hinayaan naman niya akong humikbi sa balikat niya. Hinahaplos pa niya ang likod ko. "Just cry.. I'm here for you."
Malungkot akong napangiti..
Nang gumaan na ang pakiramdam ko ay saka lang ako kumalas sa kanya. "Thank you at nadalaw mo 'ko." Pilit akong ngumiti.
Kita ko naman ang pagaalala sa gwapo niyang mukha. "Jade, if you can't tell me what happened, that's fine. The important is you're okay—" naputol ang sasabihin niya ng muling magbagsakan ang mga luha ko.
"N-Nakunan ako, Jaze. Wala na 'yong magiging b-baby ko." Halos manginig na naman ang bibig ko.
Nakita ko ang pagkabigla sa naging reaksyon niya. "W-What? I mean.. W-What happened?" Muli niyang hinaplos ang pisngi ko at pinunasan ang ilang butil ng luha na pumapatak pa rin doon.
"What are you doing here, Jaze?"
Nagulat pa ako sa biglaang pagsulpot ni Jake. Kaagad akong napatingin sa kanya at kita ko ang madilim niyang aura. Salubong na salubong ang mga kilay niya at matatalim ang mga matang nakatingin sa likuran ni Jaze.
"Lumayo-layo ka ng kaunti sa asawa ko. Masakit sa mata, eh." Nakaismid pang saad ni Jake. Nananatili siyang nasa may pintuan habang nakamasid sa 'min.
Doon naman biglang umayos ng tayo si Jaze subalit nananatili pa rin siyang nakatingin sa akin. Pero, hindi ko makita ang naging reaksyon niya dahil hindi mapuknat ang mga mata ko kay Jake. Kinakabahan kasi ako sa maaaring gawin ng asawa ko.
Nakaramdam ako ng tensyon nang humarap na nga si Jaze kay Jake. Napahakbang pa ako sa kaba.
"I was just worried about her that's why I'm here. I don't know what happened to her and I wanna check her up if she's fine and in a good condition," ani Jaze sa mababang timbre ng boses.
"No need to worry about my wife. She's fine now and I'm here to take good care of her," ani Jake at binalingan ako. "Go to your bed sweetheart. You need to rest," utos niya pa sa akin pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.
Nanginginig ang mga kalamnan ko habang nakahawak sa bakal na sinasabitan ng suwero ko.
"She's not totally fine, Xander. Losing a baby is like the end of the world! How could you say that she's fine already? Did you really feel the way she felt, huh?"
Napalunok ako. Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba. Ayaw kong mag-pangabot ang dalawang ito lalo pa't nandito sila sa hospital.
"Of course!" Nakita kong umiigting ang mga panga ni Jake habang magkasalubong ang mga paningin nila ni Jaze. "I lost my child twice! And, it was very painful for me!"
Napapikit na ako at naisandal ko ang noo ko sa stand. Parang ayaw ko ng marinig pa ang pinagdidebatehan nila.
"Twice??" Takang tanong ni Jaze.
Mapait na napangisi si Jake. "Yes. So, you have no right to ask me if I also feel what she felt. I live also in pain! And, you know what I mean."
"Sorry to hear that. But, still, Attarah Jade didn't deserved this."
"Deserves what?! I am here to take good care of her! Ano bang gusto mong gawin ko?"
Napamutla ako sa biglaang taas ng boses ni Jake. Naiangat ko pa ang tingin sa kanya.
"You left her here alone! Nagkagulo kami dito dahil inakala namin ay bigla siyang umalis! Then, we found out that she's just there at the fvcking bathroom! Eh, pa'no? Wala siyang kasama dito pagpasok no'ng nurse at pagdating ko!"
Mataman ang mga matang sinulyapan ako ni Jake. Ngunit, wala siyang sinabi na kung anuman. Pagkatapos ay muli siyang tumingin kay Jaze. "You know what? I don't have to explain anything, brother. You may go coz I'm here now. My wife needs more rest to gain strength." Malumanay niyang sabi kasabay ng paglapit sa akin at kinuha ang stand ng dextrose ko saka ako inalalayan pabalik ng kama.
Wala naman akong nagawa at nagpatianod na lamang ako. Ayaw ko na kasing magkaroon pa ng extension sa pagbabangayan ang dalawa.
Nang makahiga ako ay binalingan ko si Jaze. Napatingin naman siya sa akin at tila inaarok ang mga mata ko. Inaarok ang totoong nararamdaman ko.
"Call me kapag nakalabas ka na dito. Gusto kitang makausap privately," ani Jaze at tatalikod na sana pero muli siyang napahinto. "Sa mansyon ka dumeretso after mong makalabas."
Sasagot na sana ako nang biglang pumagitna si Jake.
"Wait! Wait! Wait!" Hinarap naman siya ni Jaze. "Why do you want to talk to my wife? Privately? Tsk!Really?"
Ngumisi naman si Jaze ng nakakaloko. "It's none of your business, brod. But, if you want to know about our topic, it is about I and Attarah Jade," anya at saka malalaki ang hakbang na lumabas sa nakabukas na pinto.