CHAPTER 15

2433 Words
"ATTARAH.." Kaagad na naagaw ni Jake ang atensyon ko nang marahas siyang lumapit sa kama matapos ng ilang segundo niyang pagkakatulala sa pintong nilabasan ni Jaze Vanxanter. Nang tumingin ako sa kanya ay kita ko ang pagtagis ng mga bagang niya at tila hindi mapakali ang mga kilos niya. Nanatili akong kalmado at tila walang emosyong nakatingin sa kanya habang hinihintay siyang magsalita. "Look. I admit that this is all my fault. And, I'm sorry for that." Biglang lumambot ang ekspresyon niya. "Sorry that I caused you pain. But, I just want you to know that..that I'm also in pain.. I'm blaming myself that I lost my child and that's because of me." Hindi ako kumibo. Matagal ko din siyang tinitigan. I can sense na sincere siya sa sinasabi niya and I can feel na totoo ang sakit na nararamdaman niya ngayon. He's not good on pretending, actually. Iniiwas ko ang paningin sa kanya at saka ako pumikit. Ayoko siyang tignan dahil mas lalo ko lang na nararamdaman 'yong sakit kung paanong mawalan. "Attarah, please.." Tawag-pansin niya uli sa akin kaya't iminulat ko na ang mga mata ko. "Don't be mad at me. I'm just a human—" naputol ang sasabihin niya ng basta na lang akong bumangon. "Why are you saying this? Blaming yourself and telling me that you're also in pain? For what, Jake? At, gusto mong huwag akong makaramdam ng galit sa 'yo dahil sa nasasaktan ka rin? You think, gano'n-gano'n na lang 'yon?" Napangising-aso ako sa pagkaasar. "Jake..YOU and Kate are the responsible kaya nawala 'yong magiging anak ko!" Nanginginig ang mga labi kong sambit. "At 'yong nangyari kay Kate, sa pagkawala rin ng baby niyo, wala akong kinalaman do'n! Kasalanan mo 'yon, Jake! Kaya, 'wag na 'wag niya akong sisisihin sa nangyari sa kanya!" Ewan ko at kung bakit bigla na lang din lumabas sa bibig ko ang tungkol doon. Muling nagtagisan ang mga bagang niya at matiim akong tinitigan. "Don't mention about her and what happened to her, Attarah. We were talking about us!" Tugon niya. "I don't want to talk about us, Jake! Because, there is no us in the first place!" "You're my wife, Attarah! For heaven sake!" "Oo nga! Magasawa tayo. Pero, magasawa lang tayo sa papel! That's what you said to me after we got married, right?" "I didn't mean to say that." "Really? But , I'm serious of what I said to you, Jake. I'm setting you free as soon as possible." Napangisi siya at matatalim ang mga mata habang nakatunghay sa akin. "I thought you love me, huh? Why you giving up so early?" "Sinabi ko na rin sa 'yo ang dahilan, 'di ba? 'Wag ka ng paulit-ulit." Napabuga ako at iniiwas ko na ang tingin sa kanya. "Ayaw ko ng pagusapan 'to kasi paulit-ulit lang naman. Gusto ko ng magpahinga." Saka ko na ipinikit ang mga mata ko at isinandal ang likod sa headrest ng kama. Hindi siya sumagot at dinig ko ang mabibigat niyang hininga. Alam kong ramdam niya na ayaw ko ng makipagusap sa kanya kaya siguro nanahimik na lang siya. Hanggang sa nadinig ko na lamang ang mga yabag niya papalayo sa kinahihigaan ko. Doon lang lumuwag ang dibdib ko subalit hindi ko naman napigilan ang pagbuhos ng masaganang luha sa mga mata ko. ———— KINABUKASAN, pasado alas onse no'ng ma-discharge ako sa hospital. Nananatili pa rin akong walang imik mula kahapon hanggang makalabas ako. Kahit nga no'ng kinakausap kami no'ng doktor kaninang madaling araw ay tila wala na akong gana pang magsalita. Si Jake na lamang ang sumasagot sa mga bilin no'ng doktor. Kasalukuyan na akong nakaupo sa sasakyan habang hinihintay si Jake na inilalagay ang mga gamit sa compartment. Gusto ko sanang pumikit at ipahingang muli ang mga mata kaso nasabik akong makita ang liwanag na nagmumula sa araw. Ilang araw din kasi akong naka-confine at puro puting gamit lang ang nakikita ko roon. Maya-maya lang ay naagaw ni Jake ang atensyon ko no'ng hinihingal siyang pumasok sa kotse at agad na naupo sa driver seat. Mainit na kasi sa labas at halos tagaktak ang pawis niya. Pagkuwa'y nilingon niya ako. "Gusto mo bang mag-lunch muna tayo sa restaurant or mag-drive thru na lang tayo? It's lunch time already." Tanong niya habang nagpupunas ng mga pawis niya sa mukha. Hindi ako sumagot. Tinignan ko lang siya at pagkuwa'y muli na akong tumingin sa labas ng bintana. "Attarah, I know you're already starving. Hindi ka pa kumakain ng breakfast, eh. And, you didn't even bothered to eat your dinner last night," he sounds so concerned. But, I still ignoring him. "Okay. I think, magluluto na lang ako ng lunch natin sa bahay. Alam ko kasi na gusto mo ng makauwi at makita si Chami. And, uhm..may stock pa naman siguro sa fridge." Gustong matuwa ng puso ko sa mga lumalabas sa bibig niya ngayon subalit nananaig pa rin ang sama ng loob ko. "Ideretso mo 'ko sa mansyon ninyo, Jake.." Nasa labas pa rin ng bintana ang paningin ko kaya't hindi ko alam kung anong naging reaksyon niya sa sinabi ko. "Gusto kong dalawin si Mommy Vic," dugtong ko. Matunog siyang ngumisi. "Si Mom ba..o si Jaze?" Biglang nangunot ang noo ko. Naibaling ko kaagad ang paningin sa kanya at tinignan siya ng masama. Gusto ko siyang sagutin sa malisyosong tanong niya pero pinigilan kong huwag ng magsalita. Kasi ang totoo, gusto ko rin naman talagang makausap si Jaze. Bumuntong-hininga siya. "You know, I understand you.. Masama pa rin ang loob mo sa 'kin kaya siguro hindi mo na ako sinasagot every time na kinakausap kita. But, damn! I feel like an idiot here, Attarah Jade. Have pity on me, please," matunog na naman siyang napangisi. Iniwas ko ang paningin sa kanya at napailing na lang. "Paandarin mo na 'yang kotse mo, Jake. May pupuntahan pa ako pagkatapos." May galit sa tono ang boses ko. "Where do you go after? Tell me first before I start the engine." Naaasar ako pero pinipilit kong kalmahin ang sarili ko. "Somewhere else where I can found peace," makahulugang saad ko. "Oh, okay.. I thought, pupuntahan mo si Mr. Hemsworth." Marahas akong napatingin sa kanya. "Bakit mo naman nasabi 'yan?" Naiinis kong tanong. Kumibit naman siya ng balikat. "Maybe, I thought you're going to thank him for what he did." Ngumisi pa siya ng nakakaloko. Natigilan ako at bigla kong naalala 'yong tulong na ginawa sa akin ni Mr. Hemsworth. Nagtaka din ako kung bakit hindi na ito bumalik ng hospital sa kabila ng sinabi nitong babalik para i-check ako. Di bale, magpapasalamat na lang ako sa kanya uli kapag nakita ko siya. "May I know where do you wanna go later so I can drive you?" Bumalik na sa pagiging seryoso ang mukha niya at nawala na rin 'yong ngisi sa mga labi niya. "Come on! I'm waiting." Napabuntong-hininga ako. "I want to visit my child's grave," sabi ko at saka ko na iniiwas ang tingin sa kanya. Natigilan siya ng ilang minuto pagkasabi ko no'n. "I'll coming with you." Pagkuwa'y tahimik na niyang pinaandar muli ang sasakyan. Hindi na rin ako sumagot pa. Bahala siya kung sasama siya o hindi. May karapatan din naman siya. Sa kalagitnaan ng biyahe ay muli niyang binasag ang katahimikan sa pagitan namin. "I'm curious.." Lumingon ako sa kanya at hinintay kong sumulyap siya sa akin subalit nakatutok lang ang mga paningin niya sa harapan. Kaya, muli kong ibinalik ang tingin sa labas kahit pa nakakangalay sa leeg. "Curious saan?" "Ano nga ba ang paguusapan ninyo ni Jaze Vanxanter? Oh! I remember, nabanggit niya pala kahapon na tungkol nga pala sa inyong dalawa ang paguusapan ninyo." Tumango-tango pa siya. Napailing-iling na lamang ako at dinedma ang mga sinabi niya. Pakiramdam ko kasi ay nilalagyan niya ng malisya ang paguusap namin ni Jaze mamaya. "Can I join? I mean, gusto kong makinig sa paguusapan ninyo. May right naman siguro ako, 'no? I'm worried kasi na baka kapag nasanay kang palaging siya ang kasama at kausap mo, iwan mo na lang ako ng basta-basta, Attarah. And then, at the end of the day, malalaman ko na lang na may relasyon na pala kayong dalawa." Bigla siyang natawa. "But damn, I wont let that happen. Not again!" Marahas akong napatingin sa kanya at pinaningkitan siya ng mga mata. "Malisyoso ka rin 'no? Pinagiisipan mo pa ng masama ang kapatid mo! 'Tsaka, bakit mo naman nasabing baka dumating 'yong time na si Jaze na ang karelasyon ko? Hindi ako magpapakasal sa 'yo kung si Jaze lang pala ang end game ko!" Inis kong sabi. "Naniniguro lang ako, Attarah. And, masama bang bakuran ko ang noon pa ma'y pagaari ko?" Kabado ako sa kaseryosohan niya. Parang ibang Jake na naman ang kaharap ko ngayon! "A-Ano bang sinasabi mo?" Halos pabulong kong tanong. Inihinto niya muna ang sasakyan sa tabi at saka niya ako hinarap. "Listen. The first time I met you, I knew that your heart is mine, Attarah. Hindi ka pa man umaamin, alam kong may gusto ka na sa 'kin. And I told myself before that no one can stole you from me. Not even Jaze, Kent or that Mr. Hemsworth. I'm glad that you're sticking to me until now despite of many trials and hindrances." Napakagat pa siya sa pangibabang labi niya. Natigilan ako. Tila umatras ang dila ko at hindi ako makasagot sa mga sinabi niya. 'Anong pinagsasasabi niya? Bakit parang lumiliko na ang kwento?' Pagkuwa'y ipinilig ko ang ulo ko at saka ko siya tinitigan deretso sa mga mata niya. "Feelings can also change Jake. Kung noon mahal ka, bukas hindi na." "Some people are like that except you. Your love for me is growing even if I hurt you and your feelings." "Sa dami ng nangyari..sa kabila ng lahat, gumaganyan ka? Baliw ka na ba? Pagamot ka na at isama mo si Kate na may tama na rin yata!" Bigla siyang natawa sa sinabi ko. "The old Attarah Jade is coming back! Haha! But..I think, you're right, I'm crazy.." Bigla siyang sumeryoso. "I'm going crazy if you leave me.." Kaagad na nagtagisan ang mga bagang ko! Hindi ko malaman at hindi ko mabasa ang taong kaharap ko ngayon! Hindi siya si Jake Alexander Smith na halos ipagtabuyan at pandirihan ako matapos naming ikasal! "At, mas mababaliw ako lalo kapag naulit 'yong nangyari noon, Attarah." Kinabahan ako sa diin ng pagkakasabi niya at sa pagsalubong ng mga kilay niya. Natutulala akong nakatitig sa mukha niya habang iniintindi 'yong mga binitawan niya. "Nangyari noon? Anong nangyari noon?" Kinakabahan kong tanong. Inalis niya ang paningin sa akin at hinarap uli ang manibela. "Ayoko ng maulit 'yong ginawa ni Jaze noon," anya habang muli ng pinaandar ang sasakyan. Nangunot ang noo ko. "A-Anong ginawa ni Jaze?" "Soon.. Malalaman mo din. But, not now." Naiwan akong nago-overthink! Gusto ko siyang kulitin sa pambibitin niya pero mas pinili ko na lang na manahimik. 'Ano naman kaya ang sinasabi niyang ginawa ni Jaze noon na ayaw na niyang maulit?' 'Kaya ba hindi sila magkasundong magkambal?' 'Kaya ba lagi silang nagiiwasan at nagbabangayan?' 'Ano nga ba ang dahilan ng sigalot nila??' 'Dahil ba sa 'kin? Pero...imposible 'yon!' Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim at naipikit ko ng mariin ang mga mata. "Sa mansyon na lang tayo kumain. For sure maraming niluto si chef boy doon," ani pa ni Jake pero di na ako sumagot. Nahulog kasi ako sa malalim na pagiisip. Ilang minuto pa nang marating na namin ang mansyon. Hindi ko na hinintay pang alalayan ako ni Jake at dali-dali akong bumaba sa kotse. Pero, dahil sa mahina pa ako ay maingat pa rin akong naglakad papalayo. Nauna na akong pumasok sa entrada at kaagad naman akong sinalubong ng mga katulong. "Magandang tanghali po, Mam Tarah!" Sabay-sabay na bati ng mga ito. "Mabuti naman po at nakalabas na kayo ng hospital." Bigla akong natigilan. "Alam ninyong na-hospital ako?" Tanong ko. "Opo, Mam." Sagot no'ng isa. "Alam po ng lahat ng nakatira dito." Bigla akong nagalala. "S-Si Mommy Vic? Alam ba niya?" "Opo, Mam Tarah. Iyak nga po ng iyak si Madame Victoria, eh." Napalunok ako. Marahil nasabi na ni Jaze kay Mommy Vic ang nangyari. "Magandang tanghali po, Ser Jake." "Mm." Tugon ni Jake sa mga ito. Nagulat din ako no'ng hapitin niya ako sa beywang at inilapit sa kanya. Hindi ako pumalag dahil nakakahiya sa mga katulong nila. "Where's mom?" "Ah.. Nasa visitors area po, Ser. May mga bisita ho kasing dumating kaninang umaga." Napaisip naman ako kung sinong mga bisita ang dumating. Subalit, hindi na ako nagusisa pa. "Okay. Ipaghanda niyo na lang kami ni Attarah Jade ng food at dalhin niyo sa room namin. Ilagay niyo lang sa table," utos ni Jake. "Yes po, Ser." Tulala akong inakay ni Jake papalayo. Nanlalambot ako sa pagaalala kay Mommy Vic. Though, wala naman akong magagawa dahil masakit ang nangyari sa akin. Malayo pa ang visitors area mula sa entrada ng mansyon kaya malayo-layo ang lalakarin namin. Mabagal pa akong maglakad dahil kakaraspa lang sa akin. Kuntodo alalay naman si Jake na akala mo huwarang asawa pagdating sa akin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkairita! Kaya naman, walang anu-ano'y inalis ko ang braso niya sa beywang ko at dumistansya. "Excited to see him?" Pangaasar sa akin ni Jake habang papalapit na kami sa pinto papasok ng visitors area. At saka, si Jaze lang naman ang tinutukoy niya na sa tanong niya kaya hindi ko na siya pinansin. "Don't be so excited, sweetheart. Relax." Muli siyang lumapit sa akin at malisyoso pang hinaplos ang bandang puson ko. "Alisin mo nga 'yang kamay mo!" Inis kong sabi at tinampal ko ang kamay niya. Napangisi naman siya kasabay ng pagkamot sa noo niya. "Remember, I'm still your husband, Attarah. We're not over yet, you know? I can do what I want to do. Even to do this!" At walang sabi-sabi ay mabilis niya akong hinawakan sa magkabilang pisngi at kinuyumos ng halik sa labi. Kumawala ako matapos ng ilang segundo niyang pagangkin sa mga labi ko. Humahangos pa akong dinuro siya. Gusto ko siyang murahin sa inis pero pinigil ko. Ayaw kong gumawa ng eskandalo lalo pa't nasa teritoryo niya ako! Lumayo na lamang ako at muli siyang tinalikuran. Panay ang pagpupunas ko ng mga laway niya na naiwan pa sa mga gilid ng bibig ko! Inis na inis pa ako ako habang kumakatok sa double door at ilang segundo lang din ay bumukas iyon. Subalit, nabulaga ako nang tumambad sa akin ang mga mukha ng mga bisita na sa hinagap ay hindi ko inaasahang makita!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD