PARA AKONG binuhusan ng napakalamig na tubig pagkakita kay Honey Kate na masayang nakikipagusap kay Mommy Vic. Tila ako inulos sa kinatatayuan ko at pakiwari ko'y nanlambot ang mga buto ko.
Seeing them talking with big smile on their faces is like a knife that stub on my back. It hurts me a lot like hell! I felt betrayed.
Pakiramdam ko ay parang tinusok-tusok ng libo-libong karayom ang dibdib ko sa sobrang sakit! Hindi kasi ako makapaniwala sa madadatnan ko! Hindi ko akalain na ganiyan pala kalapit si Mommy Vic kay Kate kapag wala ako.
Sa tindi ng paninibugho ko ay hindi ko na sila nagawa pang pagmasdan. Pinanlalabo na rin kasi ng mga luha ang mga mata ko. Napayuko na lamang ako at napasandal sa hamba ng pintuan. Sapo ko ang mukha ko at doon tahimik akong umiyak.
"Attarah? Come on! Why did you left me? I just wanted to kiss you—" nakangising sambit niya subalit bigla siyang natigilan nang makita ako. Agad niyang inalis ang mga kamay sa mukha ko at inangat ang baba ko. "Hey? W-Why are you crying? I-I was just teasing you..I'm sorry."
Umiling-iling ako at agad na isinenyas ang kamay ko at itinuro ang loob ng pribadong silid. "T-They're..here." Utal ko pang sabi habang nananatiling nakayuko.
"Darn!" Pagkuwa'y singhal niya. Marahil, nakita na niya ang mga naroon sa loob. "What the hell are they doing here??" Paanas niyang tanong.
Sumisinghot akong umiling.
Napabuga siya ng malakas at tinawag ang tauhan. "Hey, you! Tell me, do you know who invited them here?" Dinig kong tanong ni Jake sa tauhan na dali-dali namang lumapit.
"Ah, surprise visit daw ho, Ser Jake. Nabalitaan raw ho kasi ng pamilya Jacobs 'yong pagkaka-hospital ni Madam Victoria," magalang naman na tugon nito.
Napabuga uli ng malakas si Jake. "Darn it!" Napamura pa siya at saka ako hinarap at hinawakan sa magkabilang balikat. "Stop crying, Attarah. Now, all you have to do is to go to your room and take a long rest. Nagpadala na ako ng food doon. 'Wag ka ng tumuloy sa loob at baka ma-stress ka lang. I'm telling you, this is for your health sake, Attarah."
Umangat ako ng tingin sa kanya at kita ko ang pagkabahala sa mukha niya habang panaka-naka siyang sumusulyap sa loob at ibabalik muli ang paningin sa akin.
"Anong ginagawa nila dito, Jake?"
Umiling-iling siya. "I don't know. But, don't mind them. Remember, they don't know that I and Kate are over. This is my business matter and I promise to solve it."
"Papasok ako sa loob." Medyo matigas kong tugon. Natigil na rin kasi ang pagluha ko at matapang kong sinalubong ang hindi mapakali niyang mga mata. "Kailangan kong malaman ang totoong dahilan kung bakit sila nandito, Jake."
"Attarah, please!" Naghi-histerikal na niyang pakiusap. Naitukod pa niya ang dalawang braso sa wall at ikinulong ako. "Listen to me! This is for your own sake. Please, pumunta ka na sa kwarto." Saka siya bumaling sa tauhan. "Jak, ihatid mo si Attarah Jade sa kwarto niya."
"No!" Mahina ngunit madiin kong tinig. "Bakit mo ba ako pinapaalis? Bakit? Hindi mo pa rin ba kayang aminin ang totoo sa pamilya ni Kate? Nandito na rin lang sila! So, pagkakataon mo na 'to para sabihin na wala na kayo at tapos na ang relasyon ninyo! At, pagkakataon mo na rin 'to para aminin na kasal ka na rin sa 'kin!"
"No! I can't!" Sigaw niya.
Napaawang ang bibig ko. "Bakit hindi? Gano'n ka ba kaduwag, ha?" Mangiyak-ngiyak kong sambit. Nagiinit na naman ang mga mata ko.
Tumiim ang mga tingin niya. "Hindi ako duwag, Attarah, at wala kang alam sa nararamdaman ko ngayon! So, stop forcing me to do that, will you? This is not the right time to tell Kate's family that I'm already married! For god sake!" Napahilamos pa siya sa sariling mukha at tumalikod sa akin.
Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. "Then, this is the right time to tell them that I'm going to divorce you!" Nanginginig maging ang mga labi ko at nakakagat ko na rin ito sa pagpipigil na huwag akong mapahagulhol.
Muli siyang humarap sa akin at mabilis na nagbago ang ekspresyon niya. Lumambot iyon bigla. "Attarah.. I beg you. Don't do that. Mom was there, come on! Go to your room now, please," anya pa.
Hindi ako sumagot at iniwas ko na lamang ang tingin sa kanya. Dahilan naman para maisa-isa kong kilalanin ang mga naroon na pawang masasaya pa rin sa paguusap. Marahil, hindi pa rin nila kami napapansin. May kalayuan din kasi ang pagitan namin at abala rin sila.
Naroon ang mga mommy ni Kate na pawang kaedaran lang ni Mommy Vic at ang ikinapagtataka ko dahil naroroon din si Mrs. Esmeralda na minsan ko ng nakasalamuha sa salon.
Nang ilipat ko ang paningin sa gawing kanan ng malawak na salas ay naroon naman si Jaze kaharap ang mga lalaking kapatid ni Honey Kate na sina Henry Kent at Hanze Kyre na kasalukuyang umiinom ng wine.
Bigla na naman akong nawala sa sarili at nagsisimula na naman akong maawa sa sarili ko. Pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako ng lahat.
"Attarah, you can wait me up there in our room. Haharap lang ako saglit sa kanila tapos susunod ako sa 'yo pagkatapos," hirit pa ni Jake subalit nagsawalang-kibo na ako.
Inakala ni Jake na susunod ako sa sinabi niya kaya kaagad na siyang umalis at dali-daling lumapit sa mga ito.
Gusto ko na rin sanang mag-walk out at sundin ang sinabi niya subalit tila may kung anong pwersa ang tumutulak sa akin na pumasok sa loob at harapin ang mga ito!
Nasunod ang kagustuhan ng loob ko na harapin ang mga ito kung kaya't humakbang ako at sinundan ng tingin si Jake. Subalit, nagsisi lang din ako dahil pagkakita ko sa kanila ay halos ikatumba ko.
Sinalubong ni Kate ng mahigpit na yakap ang asawa ko at mabilis na ginawaran ng halik sa mismong labi. Tuwang-tuwa naman ang mga nakakita kabilang na si Mommy Vic na pumapalakpak pa. At ang nakakadurog ng puso ay 'yong hindi man lang nagawang umiwas ni Jake kahit na alam niyang nandirito pa ako't nakatingin sa kanila!
Tila nilamukos ang dibdib ko at hindi na ako halos makahinga pa. Parang sinasakal na rin ang leeg ko. Tuluyan na ring nanginig ang buong kalamnan ko dahilan para muli akong mapasandal sa hamba ng pintuan habang tila ako tanga na nanonood pa rin sa nakakapanakit na palabas nila!
Wala na rin akong nagawa pa no'ng hilahin ni Jake si Kate papalabas sa kabilang pintuan at masaya pang kumaway sa mga naroon ang babae.
Habol ko na ang hininga kong napapasubsob muli sa sarili kong mga kamay. Napahagulhol na rin ako ng tuluyan.
Maya-maya'y dinig kong sumarado ang pinto.
"Ma'am, halina ho kayo at ihahatid ko na kayo sa silid ninyo." Ani no'ng tauhan ni Mommy Vic na inutusan ni Jake.
Umiling ako habang nakasubsob pa sa mga kamay ko. "N-No. I stay here.." Hinayaan ko ang sarili kong mailabas ang sama ng loob ko.
"Sige ho, Ma'am. Dito lang ho ako at aalalayan ko kayo," aniya.
Maya-maya'y tumigil na rin ang pagiyak ko. Pilit kong kinalma ang sarili ko kahit ang hirap. Madami pa sana akong iluluha pero kailangan kong harapin ang nagaganap ngayon.
Inangat ko ang paningin ko sa tauhan na kasalukuyan din namang malungkot na nakatitig sa akin. "Buksan mo na, Jak. Papasok ako sa loob," utos ko.
Nagalinlangan naman siyang sumunod. "Pero, Mam, utos ho ni Ser na pumanhik na kayo sa silid ninyo."
"Tumanggi ako 'di ba? Buksan mo na ang pinto at papasok ako sa loob," mahina ngunit madiin kong sambit. Tinignan ko pa siya ng matiim.
Kaya naman, agad siyang tumalima at dali-dali na ring binuksan ang pintuan para sa akin.
Nagdesisyon akong humarap sa mga ito kaysa sa kumulong ako sa kwarto at mabaliw kakaisip.
Sa isip ko, 'eto na rin siguro ang pagkakataon para iklaro ang dapat na iklaro at aminin ang dapat na aminin! Gaya ng sinabi ko kay Jake kanina.
Ayaw ko ring pakulong sa isang relasyon na alam ko din namang walang halaga sa kanya.
Nang magsimula akong maglakad ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at para bang matutumba ako. Nanginginig pa rin kasi ang buong katawan ko dahilan para huminto muna ako sa pagabante.
My anxiety strikes me again!
Napahawak ako sa ulo ko at saka ko iyon ipinilig. Saka ko pinilit na maglakad ulit papalapit sa mga ito.
Nang nasa kalagitnaan na ako ay agad kong nakuha ang atensyon ni Mommy Vic. Sa una ay napaawang pa siya ng bibig bago siya dahan-dahang tumayo. "D-Dear!? T-Tarah, you're here? My god.. I-I thought you're in a vacation with your friend Amierizz?" Utal pang tanong ni Mommy Vic.
Napahinto ako sa paglapit at agad na nangunot ang noo ko. "Sana nga po nasa bakasyon ako at nang sa gano'n wala akong makikitang gan'to." Walang pasubali kong sabi. Punong-puno ng emosyon ang tinig ko.
Bahagyang napasulyap si Mommy Vic kay Jaze at muling ibinalik sa akin ang paningin. "Tarah..," bahagya pa niyang natutop ang bibig niya.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napatayo si Jaze mula sa kinauupuan niya subalit hindi siya nagaksayang lapitan ako. Nananatili lang siya sa kinatatayuan habang nakatingin sa akin. "Jade, let's talk about this later, okay? I will explain everything," anya.
Mapait akong ngumisi at saka lumingon sa kanya. "Bakit hindi mo pa sabihin ngayon, Jaze?" Matiim ko siyang tinignan.
"You don't understand." Napayuko siya at saka iniiwas ang tingin sa akin.
Napabuga ako. "I will never understand if you will not say it!"
"D-Dear, come near me," agaw ni Mommy Vic sa atensyon ko. "Come on."
Tumanggi ako. Hindi ko rin nagawang tumingin kay Mommy Vic kahit pa ramdam ko na nakatitig pa siya sa akin.
"B-Bakit? Bakit sila nandito, Mom?" Napaiyak na ako.
"D-Dear.. They just visited me." Sapo niya ang dibdib na humakbang palapit sa akin. Hindi niya malaman kung saan ako hahawakan nang makalapit. "I'm so sorry. I have no intention to hurt you. I just didn't expect them to come here and visit me."
Suminghot ako at saka pinigil ang mga luha na tila gripong nagbabagsakan mula sa mata ko. Saka ako deretsong tumingin sa kanya. "Pumunta lang po ako dito para kamustahin kayo, Mom. Nalaman ko kasi na dinala ka sa hospital dahil tumaas daw ang presyon niyo. And, I'm glad you're okay now. I saw you talking with Kate kanina at mukhang masaya po kayo at maayos na ang health niyo," mas pinatatag ko ang loob na huwag akong maiyak uli.
"Who is she, Victoria?" Dinig kong tanong ng isang babae sa likuran namin. Dahan-dahan naman akong lumingon at kitang-kita ko ang pagtataka at panunuri sa mga mata niya habang nasa akin na ang paningin. "Who are you, young lady? And, are you blind to not noticing that the owner of this mansion had respected guests?" Sounds intimidating and sarcasm.
"She's Attarah Jade montecillo, Hanibeth," ani Mommy Vic at hinawakan pa ako sa braso at ipinaharap sa babae. "Dear..she's Hanibeth Lee Jacobs, K-Kate's mom. And, 'miga, Attarah is kind of an introvert and she didn't mean to not noticing everyone here." pagpapaliwanag pa niya.
'Montecillo? Introvert? This is insulting!'
Napatingin ako kay Mommy Vic at mangiyak-ngiyak akong napailing..
'Hindi ako makapaniwala, Mom. Akala ko kakampi kita...' Sa isip ko.
"Oh? I see. How is she related to the Montecillo's who died long years ago?"
"That's her parents, Sarrah and Arthur Montecillo," tugon ni Mommy Vic.
Humugot ako ng malalim na hininga dahil tila piniga ang dibdib ko pagkarinig ko sa mga pangalan ng mga magulang ko. Napayuko ako para itago ang pangingilid muli ng mga luha ko.
"Hey! I remember you!" Sabad ni Mrs Esmeralda na ngayo'y nakakunot ang noo habang papalapit na rin sa kinaroroonan namin. "Hindi ba't siya 'yong girl na kasama mo sa salon, Victoria?"
"Y-Yes.. She is," tugon ni Mommy Vic.
"Exactly! I remember she walked out that time without paying the salon? Ikaw pa 'yong pinabayad niya, Victoria! And, you know what, Beth, this girl claiming Jake Xander her husband!" Ani Mrs. Esmeralda habang natatawa pa.
Muling nanginig ang mga kalamnan ko.
"What?? That girl claiming my daughter's boyfriend her husband? Oh my, Victoria! Is she sick?" Histerikal na saad ni Mrs. Hanibeth.
"Oh! Ladies, she's not feeling well that time kaya nag-walked out siya. And, nagbibiro lang din siya about sa sinabi niya," anya sa mga ginang at saka inilipat ang tingin sa akin. "Right, dear?"
"Alam mo po na totoo ang sinabi kong 'yon, Mom!" Tumataas-baba na ang dibdib ko sa sobrang galit.
"Tarah, Jake will gonna be mad at you if you tell a lie," napapalunok na saad ni Mommy Vic.
"I'm telling the truth here, Mom. And, I'm going to file an annulment after this."
Natigilan naman sina Mrs. Hanibeth at Mrs. Esmeralda maging si Mommy Vic. Pare-pareho pa silang napatakip ng kamay sa bibig.
Alam kong kabastusan ang ginawa ko pero hindi ko kayang tiisin na pagkaisahan nila ako ng harap-harapan.
Napansin kong napatayong muli si Jaze at agad na lumapit sa amin. "What's going on?" Tinignan niya kami isa-isa. "Jade? Why did you shout?"
Matalim kong tinignan si Jaze.
"I think, she may leave now. Paalisin mo na siya dito, hijo, Jaze." Ani Mrs. Hanibeth. Mukhang nandidiri sa akin. "She really are sick. She needs medication na, I think."
"Rather sent her to the mental, hijo." Sabad naman ni Mrs. Esmeralda.
"Hindi ho ako baliw!" Muli kong sigaw. Napapaiyak na ako sa galit.
"You are! Hah! Claiming my daughter's boyfriend your husband? You really are sick, for god sake!" Galit na sambit ni Mrs. Hanibeth.
"Enough, Hanibeth! Sige na, Tarah. You may go out—"
Hindi ko na pinatapos pa si Mommy Vic at agad na akong tumalikod. Hindi pa man ako nakakalayo ay may biglang humawak sa mga braso ko at hinigit ako dahilan para mapaharap ako sa kanya.
Si Kent. Nakikinig lang ito kanina subalit ngayon ay dito siya sa harapan ko at pinakatitigan ako ng maigi.
Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at saka ako umatras.
Napangisi siya. Tila may tama na ng alak. "Really? Same Jade, huh? Hehe. Well, it's nice to see you again, beautiful. Namiss kita." Hindi na ako nakaiwas pa nang pasugod siyang lumapit at bigla akong nakawan ng halik sa labi!
Naitulak ko siya kaagad at matalim ko siyang tinitigan. "Don't do that again, Kent!" Hindi ko talaga masikmura ang mapadikit sa kanya kahit pa saksakan siya ng kakisigan noon at ngayon.
Napakagat siya ng labi. "Until now ba naman ay pa-hard to get ka?" Napangisi siya nang makitang maningkit ng mga mata ko. "Anyway, tama ba 'yong narinig ko? You are claiming my best friend your husband?"
"Let her leave, Henry Kent. Come back here!" Tawag ni Mrs. Hanibeth kay Kent.
Nagpanting ang mga tenga ko kaya't napatingin ako ng masama dito.
"I'll sent you to your room, Jade. Come on." Napalingon ako kay Jaze na naglalakad na papalapit sa amin. Nang makalapit ay agad niya akong hinawakan sa braso.
Subalit, mabilis namang inagaw ni Kent ang kabila kong braso. "Come on, bro! I just wanted to talk to my old crush. Haha! Mamaya mo na siya kunin kapag nakapagusap na kami," anya.
"She's not comfortable with you so get off, bro," ani pa ni Jaze habang halos nakayakap na sa akin at inilalayo ako.
Gusto kong magpupumiglas sa dalawa ngunit nakakaramdam na ako ng panghihina. Parang nandidilim na rin ang paningin ko.
"Get off both of you!"
Napasinghap na lang ako nang may humila sa magkabila kong braso at inilayo kay Jaze at Kent. Hindi ko na kailangang lingunin ito dahil kilala ko ang boses nito.
Pansin ko rin ang pagsinghap nina Mrs. Esmeralda at Mrs. Hanibeth. Naroon na rin si Kate sa katabi ng mga ito habang pare-parehong nakamasid sa amin.
"Haha! Best friend! We're an adult now and I'm a change man also. Hindi na ako bully! Hehe! Ipaubaya mo na si Attarah Jade sa 'kin at mamahalin ko siya ng buong puso." Natatawang sambit ni Kent.
"Shut up, bro! Just go back to your seat and leave Attarah alone," seryosong tugon ni Jake.
Itinaas naman kunwari ni Kent ang kamay. "Fine!" Saka nakangising bumalik sa kinauupuan niya kung saan sila nagiinuman nila Jaze at ng walang pakealam na si Hanze Kyre.
"Let's go, Attarah!" Gitil na saad ni Jake at hinila ako subalit nahinto kami nang sumigaw si Kate.
"No!! Come back here, Xander!"
Napaharap si Jake at saka umiling.. "Ihahatid ko muna siya sa kwarto niya. Babalik ako." Sinulyapan muna ako ni Jake bago inilipat sa kay Kate ang tingin.
"Kaya niya ang sarili niya! Pabayaan mo na siya!" Ani pa ni Kate at basta na lang na tumayo at tumakbo papalapit sa amin. Hinigit niya si Jake sa tabi ko. "You, girl! Go and leave this place! You are not belong in this family!"