"YOU'RE WRONG, KATE." Walang emosyong sumabat si Jaze at saka pumagitna sa amin. "You know already that she's part of our family. And, I think, Jade needs to stay here instead of pushing her to leave. You know, your family need to know what's between my brother and her," anya kay Kate.
"No! You can't do that, Jaze," umiiling na sambit ni Kate.
"It's time. You have to tell them the truth," ani pa ni Jaze.
"No!" Protesta ni Kate.
"They need to know the truth that you and Jake are over!"
"Stop it, Jaze Xanter!" Ani naman ni Jake.
Napangisi si Jaze. "What a coward.."
"I am not! I was just protecting their feelings!" Tugon ng nagtitimping si Jake.
"Really? Or you are just playing with their feelings??"
Simbilis ng kidlat na tinadyakan ni Jake si Jaze. Nagpambuno pa ang dalawa. Mabuti na lang at naawat sila nina Kent at ni Hance Kyre na tila lasing na rin.
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Unti-unti na naman akong sinuot ng takot at tila hinahabol ng sampong kabayo sa bilis ang pintig ng dibdib ko.
"Jaze! Jake! What are you doing? Enough!!" Paninita ni Mommy Vic sa mga anak. "Ngayon pa talaga kayo magaaway?"
"Tell him to shut his big mouth, Mom!" Galit na saad ni Jake.
"You are such a coward! Why didn't you tell them the truth! You are just playing games with them!" Pasigaw na tugon ni Jaze. "Stop playing like a spoiled brat kid!"
"Shut up! You know nothing!"
Walang tigil sa balyahan ng salita sina Jake at Jaze. Natigil lang sila nang padapuan sila ni Mommy Vic ng tag-isang sampal.
"Enough, both of you!" Galit na sigaw ni Mommy Vic.
"Is there anything we don't know?" Maya-maya'y tanong ni Kent at saka binitawan na ang kalmado ng si Jake Xander. Nagpalipat-lipat pa ang tingin niya sa amin. "Tell us now. We want to know."
"Don't ask anything, kuya! Jaze was just lying. He's mad at my boyfriend until now and you know that!" Sabad ni Kate.
"I had a feeling that there is something between Attarah Jade and Jake."
"Nah! What kind of question is that, Henry Kent!? You knew that Xander is in a relationship with your sister!" Pabulyaw na saad ng ina ni Kate. Lumapit na rin ito at saka ako matalim na tinitigan pagkalapit.
"I know, Mom. And, I know also that Jake will never cheat my younger sister. Right, bro?" Nakangising tanong ni Kent kay Jake.
Hindi naman makasagot si Jake. Napapalunok lang siya at tila hirap na hirap magsalita.
"They are in a relationship!" Si Jaze ang walang gatol na tumugon sa katanungan ni Kent na ikinasinghap ng lahat. "And, the truth is, they are already married!"
Nakaramdam ako ng pagkabahala! Parang tinambol ng malakas ang dibdib ko.
"Jaze Vanxanter! Sinabi ko na sa 'yo na huwag mong pangungunahan ang kapatid mo! Why you're so hard headed?!" Galit na saway ni Mommy Vic kay Jaze.
"He's too slow and coward, Mom, and I don't like that move," nakangisi pang tugon ni Jaze at tila balewala lang sa kanya ang naging reaksyon ng pamilya ni Kate.
Kita ko ang pagigting ng mga bagang ni Jake habang nakatitig ng masama kay Jaze.
"So it's true?" Napatingin kaming lahat kay Mrs. Esmeralda na ngayo'y nakatayo sa may katabi ni Mrs. Hanibeth at madilim ang awra. "And, you know about this, Victoria?"
Napabuntong-hininga si Mommy Vic at napahawak pa sa dibdib. "Yes." Napatingin siya sa aming lahat.
"And, gusto niyo pang itago sa amin ang tungkol dito? What for?" Ani Mrs. Hanibeth.
"Wala akong balak na itago ito. I was just waiting for my son to confess everything about his breakup with your daughter. But, to tell you about his marriage? Hindi niya na kailangang sabihin 'yon. My son is no longer in a relationship with Kate. That's the truth Jaze was telling about," mahabang paliwanag ni Mommy Vic.
"You disappoint us, Victoria." Mapait na umiling-iling si Mrs. Hanibeth. "We'll go ahead. Let's go kids!" Aya nito sa mga anak.
"Tita!" Habol ni Jake sa ina ni Kate. Nilingon naman agad siya nito. "Tita, I'm very sorry if I disappoint you. Hindi ko gustong saktan si Kate.. It's just that—" hindi na natapos ni Jake ang pagpapaliwanag dahil dumapo na sa pisngi niya ang kamay nito.
"What do you think you did, huh? Xanter is right. You are just playing my daughter's feelings! You don't deserve her! At sinayang mo lang ang tiwala namin!" Sigaw ni Mrs. Hanibeth kay Jake. Pagkuway nabaling sa akin ang masamang tingin nito. "And, you... You will never be happy for the rest of your life with him!"
Napalunok ako.
"Enough, Hanibeth!" Ganting sigaw ni Mommy Vic. "My son chose Attarah Jade and we have nothing to do with that! But then, I am also sorry for you, hija, Kate. You're such a nice and a very beautiful young lady and soon you can find a better match for you."
Umiiyak na umiiling-iling si Kate. "No, tita! Jake is mine! He still loves me! And, Jake told me that he doesn't love Attarah Jade." Humahagol pang saad ni Kate at humarap kay Jake. "Love, please, tell them that you still want me. You know, I can't bear to lose you!"
"Tumigil ka na!!"
————————
SHE'S AWAKE now."
Sumuot bigla sa pandinig ko ang malambing na boses ng isang babae na siya ring nagpagising ng diwa ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad akong nagtaka dahil tumambad sa paningin ko ang napakaamong mukha ni Doctor Zeih, ang doktor ni Mommy Vic. Nakangiti pa siya maging ang mga mata niya habang nakatunghay sa akin.
"Hi. We're so glad you're awake now. How are you feeling?" Tanong niya.
Naguguluhan naman akong pinakiramdaman ang sarili.
'Ano nga bang nangyari sa 'kin?'
Gusto ko sanang itanong kung anong nangyari at kung bakit ako nandirito ngayo't nakahiga sa malaking sofa. Kaya lang, hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Nananatiling tikom ang bibig ko habang nakatingin sa mukha niya.
"Why she didn't response?" Tanong ni Jake na naroon nakatayo sa may paanan ko. "Attarah, tell us you're already okay. If not, we will send you to the hospital again."
Nailipat ko kay Jake ang paningin at matagal ko siyang tinitigan.
"Don't force her to speak up, Jake," ani Doc Zeih. "She's not ready."
"Maybe, she's still confused that's why she can't speak yet. Am I right, Jade?" Agaw-pansin na tanong ni Jaze habang nasa likuran ni Doc. Zeih at nakatayo rin.
Mahina akong tumango.
Nailibot ko pa ang paningin at nagtataka ako kung bakit may mga taong nakapalibot sa akin. Hindi ko naman maaninag ang mga mukha nila dahil nasisilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana at nakatutok iyon sa mga mata ko.
Maya-maya'y may lumapit sa akin at unti-unti ko namang naaaninag ang mukha niya.
'Mommy Vic..'
Mugtong-mugto ang mga mata niya at namumula pa ang tungki ng ilong niya.
"Glad you're awake now, dear. H-How are you? M-May masakit pa ba sa 'yo?" Umiiyak niyang tanong at hindi malaman kung saan ako hahawakan. "I'm so sorry for what happened.. I didn't mean to hurt you and your feelings. Kanina ko lang din nalaman na..na nakunan ka pala at kalalabas pa lang ng hospital. No one told me about this. D-Dear.. I'm so sorry.."
Napapikit ako dahil bahagyang sumakit ang mga mata ko dahil sa liwanag.
"Tarah, d-dear talk to me. Don't get mad at me, please? I'm very sorry," patuloy pa ni Mommy Vic, pinipisil ang isang kamay ko.
Naimulat kong muli ang mga mata ko at tinitigan ko siya ng deretso. Pero, tila naman naging manhid ang puso ko at wala akong maramdamang lungkot.
Nakatitig lang ako sa kanya na tila naguguluhan pa rin.
"She was slightly shocked, Tita Vic. Traumatize pa ang mga nerves niya after what happened," ani Doc. Zeih kay Mommy Vic.
"I-Is that so?"
"Yes po. And, all of these are just the effect of those medicine na binigay sa kanya. You know, having miscarriage is not a normal thing. Your physical, emotional, and mental health are affected. She is also suffering so much stress and then her anxiety attacks her."
"Oh..Tarah.." Mangiyak-ngiyak na hinaplos ni Mommy Vic ang pisngi ko.
Totoong hindi ko pa kayang ibuka ang bibig ko kahit pa gustong-gusto ko ng magsalita.
"How long na ganyan siya?" Seryosong tanong ni Jake.
"Let's just wait for about a minute or hour, Jake Xander. Have a long patience and understanding. That's what you have to do," tugon ni Doc Zeih kay Jake. Ibinaling niyang muli ang atensyon sa akin. Hinawakan niya rin ako sa noo at hinaplos iyon. Sobrang gaan ng kamay niya. "Plus, her body was still weak, most especially her heart and mind. Hindi niya kakayaning humarap ng panibagong problema. Pag nagkataon, baka tuluyang mauwi sa depression ang wife mo."
Nadinig ko ang malakas na iyak ni Mommy Vic. "Oh god.. Tarah, dear.. I can't believe it.. You suffered a lot of heart breaks because of me. I'm so sorry," napayakap pa siya sa akin ng mahigpit bago siya kinuha ni Jake at inalalayan.
"Mom, don't blame yourself, okay? Wala kang kasalanan dito," ani Jake habang hinahaplos ang likod ng mommy niya.
"That's right. Because, this is all your fault," sabad ni Jaze.
"Magaaway na naman ba kayo? I said, enough na!" Saway ni Mommy Vic sa dalawa.
Napatitig ako sa kanila habang lalong naguguluhan.
'Ano nga ba kasi ang nangyari at sinisisi ni Mommy Vic ang sarili niya?'
Literal kasi na wala akong maalala. Ang huli ko lang kasing natatandaan ay 'yong naabutan ko ang pamilya ni Kate at nagkaroon din ng kaunting tensyon sa pagitan mismo namin ni Kate. At, nalaman na ng pamilya nito ang tungkol sa paghihiwalay nila at ang tungkol din sa amin ni Jake.
"Please, get well, Attarah Jade. You need to gain more vitality to get back your strength," Banayad na hinawi ni Doc. Zeih ang ilang hibla ng buhok ko na tumatabing sa mukha ko. "Help yourself through all this, okay? Makakatulong din sa 'yo 'yong gamot na binigay ko for anti-depressant. Just take it para maging tuloy-tuloy ang paggaling mo."
Deretso kong tinignan si Doc. Zeih at pinilit kong gawaran siya ng tipid na ngiti. Mahina rin akong tumango.
"You're beautiful when you were smiling, do you know that? Just do it everytime we met." Matamis din siyang ngumiti pabalik. "Oh! Ahm, I think, you're already hungry. Jake, told us na hindi ka pa raw kumakain since last dinner. Aww.. That's not good for your health. Pinagalitan ko din si Jake Xander kasi he's so pabaya!" Inirapan pa niya si Jake.
Napasulyap naman ako kay Jake na napapalunok na lamang sa kinatatayuan.
"Can you get up now so you can eat your food?" Ani Doc. Zeih sa akin at tumango naman ako. "Good."
Pipilitin ko na sanang maupong magisa pero nanghihina pa rin talaga ako. Wala pa akong kalakas-lakas dahil na rin siguro sa pagpapabaya ko sa sarili. Mabuti na lang din at maagap akong naalalayan ni Jaze at Doc. Zeih.
Si Jake ang nagprepare ng food ko dahil sa utos ni Doc. Zeih. Hindi iyon kusang-loob dahil parang napipilitan lang siya sa mga kilos niya. Hinayaan ko na ring pagsilbihan niya ako dahil wala pa rin talaga akong lakas para asikasuhin ang sarili ko.
Mabilis ko lang ding kinain 'yong nasa tray ko. Kahit alam kong nakatingin silang lahat sa akin ay inignora ko na lang. Kailangan ko na rin talagang kumain para may lakas ako.
Nang matapos ako ay saka lang uli lumapit si Jake para kunin ang mga pinagkainan ko at iniabot iyon sa katulong na dumulog.
"Is she done of her drama?"
Pumitik ang dibdib ko pagkarinig sa boses ni Honey Kate. Hindi ko alam pero parang may nanumbalik na galit sa dibdib ko. Dahan-dahan ko pang inangat ang tingin dito at nakita ko siyang nakasandal sa may pintuan at matalim ang mga titig sa akin.
"Kate? Why you're still here? I thought you left already with your family?" Nagaalalang tinig ni Jake at agad na dinaluhan ang babae.
"I have to stay! Then, why are you pushing me to leave, huh? You know naman na wala akong ginawang fault sa babaeng 'yan! Siya ang sumugod sa akin at basta na lang akong sinabunutan! Look at my hair, gosh! Kaya, tama lang 'yong ginawa ni Mommy sa kanya. And, siya dapat ang pinapaalis ninyo dito because she ruined our partnership!" Sigaw ni Kate habang nakaduro sa akin ang isang daliri.
'Sinugod ko siya at sinabunutan?'
Biglang nangunot ang noo ko.
'At anong ginawa sa 'kin ng mommy niya? Bakit hindi ko maalala?'
Pilit ko pang inaalala ang huling nangyari pero parang naging blanko na iyon sa utak ko. Sumasakit lang ang ulo ko.
"Kate, please! Let's give us space! Attarah is still not okay! Kakagising niya lang," saad ni Jake habang hinihila papalabas si Kate pero pumiglas ang babae.
"Let me go, Jake! So now, mas kinakampihan mo na siya over me?" Ani Kate na di malaman kung iiyak o matatawa. "But, fine! Alam ko naman ang reason kung bakit parang alalang-alala kayo diyan kay Attarah Jade," nakangisi niyang sambit.
"Enough!" Sigaw ni Mommy Vic at masama ang tingin na pinukol si Kate. "Jake Xander, get her out of my mansion! Now!" Nagulat ako sa sigaw ni Mommy Vic.
"Let's go, Kate! Just leave in here!" Ani Jake at muling hinila si Kate. Subalit, mabilis na namang pumiglas si Kate at tinignan niya sina Jaze, Mommy Vic.
"Stop pretentious! Just reveal your selves now because soon she will know your hidden intention and you will regret it!" Saka nagmartsa papalabas si Kate.
Walang nakatugon sa sinabi ni Kate at kita ko ang pagkaawang ng mga bibig nila Mommy Vic, Jaze, at Jake. Pagtitimpi at pagkabigla ang nakikita kong reaksyon sa mga mukha nila.
Nilukob kami ng katahimikan. Walang nagsisalita at tila pinapakiramdaman nila ang galaw ko.
Minabuti ko ng bumangon at tumayo mula sa kinauupuan ko. Hinarap ko sila kahit nanghihina pa ako. Sinikap ko na ring magsalita. "S-Sabihin niyo sa 'kin...anong ibig sabihin ni Kate?" Halos paos kong tanong.
Naingat ni Jake ang tingin sa akin. "N-Nothing! Don't mind her," napapalunok siyang tumingin kay Mommy Vic bago muling ibinalik sa akin ang paningin. "Don't take it seriously, Attarah. She just wanted to take a revenge."
Matagal kong tinignan si Jake at sinuri ko ang mukha niya. Nakikita ko sa kanya na mayroon nga siyang tinatago base sa ekspresyon ng mga mata niya.
At, gusto kong malaman kung ano iyon.
"My heart are broken. I can't take this anymore." Si Mommy Vic. "Zeih, come! Samahan mo 'ko sa room ko and please monitor my health."
"Yes po, Tita Vic,"mabilis naman na tugon ni Doc Zeih at saka lumingon muna sa akin. "Be strong, Jade." Ngumiti pa siya at mahinang pinisil ang palad ko.
Nakuha ko pa ring tumango kahit na gulong-gulo ngayon ang utak ko.
"Jake Xander, fix this!" Ani Mommy Vic kay Jake bago sila tuluyang umalis.
"Y-Yes, mom.." Napapayukong tugon ni Jake.
Ngayon ko lang nakitang magalit si Mommy Vic. Parang naging ibang tao siya sa paningin ko.
Malalim akong napabuntong-hininga at napabuga.
Tumalikod na rin ako at iniwanan sina Jake at Jaze na tila may pinaguusapan ng palihim. Lumayo pa sila sa akin para hindi ko sila madinig. Binalewala ko na iyon dahil gusto ko na ring makaalis. I felt suffocated. Hindi na ako makahinga ng maayos.
"Attarah, wait!" Tawag ni Jake sa 'kin pero hindi niya na ako nahabol pa dahil agad ng sumara ang elevator.
Pagkarating ko sa third floor ay kaagad kong tinungo ang dati kong kwarto. Hindi na rin ako nagaksaya pa ng oras at kinuha ko ang ilang importanteng gamit at mga papeles na iniwan pa sa akin ng mga magulang ko. Inilagay ko ang lahat ng iyon sa iisang maleta.
Papalabas na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Jake.
"Attarah," humihingal pa siya habang papalapit sa 'kin. Hindi ko maintindihan ang reaksyon sa mukha niya habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa mukha ko at sa bitbit kong luggage. "W-Where you going?"
Hindi ko siya sinagot at balak ko na sanang lampasan siya subalit nahawakan niya ako kaagad sa braso.
"Tell me where you going? God! Speak up, please! Nakapagsalita ka na kanina, eh."
Huminga ako ng malalim. "Nabanggit ko na sa 'yo kung saan ako pupunta pagkatapos dito," walang kasing seryoso at walang kaimo-emosyon kong tugon.
"Sa cemetery? It's raining outside. Look at the window. You might get sick if you go there."
"As if you're really concerned about me," sarkastiko kong sabi.
"Of course, I am. Hindi kita sasamahan sa hospital kung wala akong pakealam sa 'yo!"
"Dahil wala naman talaga, Jake!"
Natigilan siya at napahawak pa sa batok.
"Jade? Where are you going?" Biglang sumulpot si Jaze. Nakatingin siya sa maletang hawak ko.
Hindi ko siya sinagot.
"Alam ba ni Mom na aalis ka? She might get worried kapag nalaman niyang umalis ka. You're still not okay," ani pa ni Jaze.
"Leave us alone, Jaze Vanxanter! We talked here and you just kept interrupting the conversation!" Pabulyaw na sambit ni Jake kay Jaze.
"I just wanted to know where she going! What's wrong with that??"
Napabuntong-hininga ako at saka napailing. Nagsisimula na naman kasi silang magbangayan. Gusto ko na sanang magwalk out subalit nahaharangan nila ang daraanan ko.
"Tell me.. Ikaw ba ang nagpapunta ng pamilya ni Kate dito?" Dinig kong tanong ni Jake kay Jaze.
"Yes," walang alinlangan na tugon ni Jaze.
Napapihit ako papaharap kay Jaze. "I-Ikaw ang nagpapunta sa kanila dito?"
Tumango si Jaze. "I have to do this because I think this is best way to tell them the truth. No more hiding things. No more secrets. You know I don't like hiding secrets."
Natigilan ako. Kuha ko ang punto niya. Pero, nagkaroon ng tensyon at hindi naging maayos ang lahat.
"Eto ba ang dahilan kung bakit pinapunta mo 'ko dito? Nasa plano mo na ba 'to?"
"I'm sorry..but, yes," tugon ni Jaze.
"Pero sana, inisip mo muna na posibleng may mangyari sa 'kin o kay Mommy Vic. Alam mong hindi pa 'ko gaanong okay at nagpapa-recover din ang mommy galing sa sakit niya!" Pinangiliran ako ng luha.
"Jade, we care for you and mom, okay? Believe me.. It's just that, ginawa ko lang 'to para magkaharap-harap na kayo at matapos na ang problem."
"Tsk! You only did this for your own sake, Jaze! Alam mo kasi na hindi ako tatantanan ng mga Jacobs kapag nalaman nila na wala na kami ni Kate!"
Tumawa ng peke si Jaze. "You can't hide that forever, idiot! Dapat nga magpasalamat ka sa 'kin dahil nakawala ka na sa psychopathic na 'yon!" Tuluyan ng tumawa si Jaze.
Natulos ako sa kinatatayuan ko at napanganga na lang sa narinig.