WARNING: SPG
"P-PSYCHOPATH si..K-Kate?" Di makapaniwalang bulalas ko habang nakaharap kay Jaze.
Tumango-tango siya. "She is." Nakangisi pang tugon niya.
Umuusok naman sa inis na itinulak at sinipa ni Jake Xander si Jaze. "She's not a psychopath, stupid!" Saka siya bumaling sa akin at hinila na ako papalabas ng kwarto.
Naiwan namin si Jaze na nakabulusok sa paanan ng kama. Hindi ito makatayo at ininda ang pagkakalagpak sa sahig. Halos takbuhin na rin ni Jake ang hallway habang hila-hila niya ang braso ko sa kamamadaling makalayo. Mabilis niya rin akong hinila papasok ng elevator nang bumukas iyon.
At doon marahas niya akong hinarap at isinandig pa sa wall.
"Didn't I tell you not to immediately believe what Jaze says, Attarah?? You know, he's a stupid! Everything that comes out of his mouth, it's all his madness! Sinabi ko na sa 'yo 'to dati pa."
"Wala akong matandaang sinabi mo 'yan, Jake!" Inis akong lumayo sa kanya na ikinakunot ng noo niya. "Tsaka, gusto ko lang namang kumpirmahin 'yong sinabi niya, eh. Ano bang masama do'n?"
"Because, that's not true and you don't need any confirmation about it! I know Kate very well. She's just like that, sometimes she's a brat but a nice woman, indeed," pandedepensa niya sa katauhan ni Kate.
Hindi na ako sumagot. Iniiwas ko na lamang ang tingin at itinuon na lang iyon sa kawalan. Wala pa rin kasi akong lakas na makipag-debate sa kanya. Alam at alam ko din kasi na ipagtatanggol niya lang si Kate against sa lahat, lalo na pagdating sa akin.
Naramdaman niya rin siguro ang pagsasawalang-kibo ko. Panaka-naka niya ako kung sulyapan at waring hinihintay akong magsalita at kausapin siya. Subalit, nanatili na akong tahimik hanggang sa makalabas kami ng elevator at maglakad papalabas ng mansyon.
"Can you just wait me?" Aniya habang nilalampasan ko na siya. Ngunit, tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. "Why are you in hurry?" Tanong niya no'ng maabutan ako.
Hindi ko pa rin siya sinasagot.
"Give me your luggage." Kukunin niya na sana ang maleta sa pagkakahawak ko subalit agad ko 'yong inilayo sa kanya. "Come on. Pumasok ka na sa kotse at ako na ang maglalagay niyan sa compartment."
Umiling ako at tinignan ko siya ng seryoso. "'Wag mo na akong ihatid sa pupuntahan ko, Jake. Kaya ko na ang sarili ko. May taxi namang dumadaan dito, eh."
"Nagusap na tayo before nating pumunta dito, right? I told you na sasamahan kita. Come on. Give me your luggage." Inaabot niya uli ang maleta ko pero umatras ako ng umatras. "Attarah!"
Hindi ako nagpatinag. "Pabayaan mo na ako, Jake. Kaya ko na ang sarili ko," kalmado pa rin ang tinig ko.
"But, you are my obligation! For heaven sake!"
"Kung ginagawa mo lang 'to dahil sa obligasyon mo 'ko, please...itigil mo na, Jake! Ako na ang nagsasabi sa 'yo.. Nahihirapan ka lang kasi, eh!" Sabi ko at saka ako tumingala sa langit. Tumila na rin ang ulan pero makulimlim pa rin iyon. Nang ibalik ko ang tingin kay Jake ay nakita ko ang pagiigting ng mga panga niya. "Bumalik ka na sa loob, Jake. Or better yet, ayusin mo na lang ang lahat ng 'to," sabi ko pa at saka ko na siya tinalikuran.
Alam kong batid niya ang tinutukoy ko kaya hindi ko na ito klinaro pa.
Nilakad ko ang halos kalahating kilometrong layo ng gate bitbit ang maleta ko. Nagpapasalamat din ako dahil hinayaan akong umalis ni Jake. Marahil, gusto niya rin muna akong mapagisa. Kaya, maluwag akong nakahinga habang papalayo sa kanya.
Nilakad ko ang halos kalahating kilometrong layo ng gate mula sa mansyon. Kaya, halos hingalin ako pagdating ko sa may highway.
Nang may humintong taxi sa tapat ko ay kaagad na rin akong sumakay. Ni hindi ko na rin halos tinignan ang driver dahil sa pagod at sa kagustuhan ko ng ipikit ang mga mata ko. Hindi pa rin kasi talaga ako okay pero pinilit ko ng bumiyahe magisa.
"Sa'n ho tayo, Ma'am?" Tanong ng driver.
Sinulyapan ko lang ito tapos muli na akong pumikit. "Sa Villa de Gomez po, manong." Nahilot ko pa ang sintido ko.
"Sige ho!"
Isinandal ko muna sa headrest ng upuan ang ulo ko at saka ko tuluyang ipinikit ang mga mata. Subalit, muli akong nagmulat nang makaamoy ako ng kakaiba.
Nilukob na ako ng matinding takot ng makita kong ngumisi ang driver mula sa repleksyon niya sa rearview mirror.
"M-Mr..Hemsworth?" Halos wala ng tinig na lumabas sa bibig ko.
"Hi! How are you?"
Napalunok ako. "B-Bakit ikaw—?" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang muli siyang mag-spray matapos niyang ibalik ang gas mask sa mukha. "Anong kailangan mo sa 'kin?! Buksan mo 'to! Please!!" Pagmamakaawa ko subalit tila nagsasaya siya habang nakikita akong nahihirapang huminga. Gano'n pa man ay sinubukan ko pa ring buksan ang pinto ng sasakyan ngunit naka-locked na iyon.
"I was just ordered by someone I love the most, Attarah Jade. I'm sorry."
"S-Sino?!"
"Later you will know when you survive your level one oppression. Good luck."
Napaiyak na lang ako nang makaramdam na ako ng panghihina. Hanggang sa tuluyan na nga akong mahilo at makatulog.
——————
"LOOK AT HER.. Ugh! She looks so pitiful.."
"Are you serious? I thought you wanted to get revenge on that girl, baby? Why are you sorry now?"
"Idiot! I do not regret it! And, I don't feel sorry for her! Duhhh! She deserve this!"
"Oh! Okay. So, what will you do now?"
"Of course, I will torture her! That's the plan, idiot!"
"Damn. Baby, will you stop calling me idiot? That hurts me!"
"Stop calling me baby also! Gosh! You're still the nerd boy I know even if you undergo plastic surgery and made yourself handsome, Andrei!"
"I'm not that nerd anymore, baby. You know who I am now."
"Whatever!"
"You can do whatever you want now until you are satisfied with your revenge. I'll always be here for you to support you in every thing. No matter what."
"Good boy. Now, wake her up coz I'm very thirsty on her blood! Go!"
Malinaw na malinaw sa pandinig ko ang paguusap ng dalawang tao.
At akala ko ay nananaginip lang ako at binabangungot lang...
Subalit, bigla akong nahimasmasan ng buhusan ako ng malamig na tubig na ikinatalon ko pa mula sa kinauupuan ko. At dahil din doon ay natimbuwang ako sa sahig at kasama ko pang natumba ang silyang inuupuan ko. Doon ko lang din napansin na nakagapos pala ang mga kamay ko maging ang mga paa ko. Meron din akong busal sa bibig at nakapiring ang mga mata ko.
Gusto kong sumigaw at humagulhol sa iyak subalit mas nangingibabaw ang takot sa dibdib ko. Napipigilan no'n ang ibang emosyon ko.
Dinig ko ang hagalpakan ng tawa sa paligid ko. Hindi ko mabilang kung ilan ang mga naroon pero mas nangingibabaw ang halakhak ng babaeng nasa malapit sa akin.
Kahit boses lang nito ay nakikilala ko..
"Help her to stand, Bogie! Can't you see that? She can't stand on her own! Ugh! She's so helpless now and I'm so freaking happy to see her in that situation." Tumatawang saad ng babae...
'Kate..'
"Tumayo ka! Napakalampa!"
Naramdaman kong may humablot ng braso ko at marahas akong itinayo at muling pinaupo sa upuan.
Doon ko naramdaman ang sakit dulot ng pagkakatumba ko. Kasabay din no'n ang panginginig ng mga kalamnan ko dahil sa lamig ng tubig na ibinuhos sa akin kanina. Basang-basa ako at tumatagos iyon sa mga panloob ko.
"Remove her blinds and the gag, Bogie. I wanna see her blood tears falling on her eyes," utos ni Kate sa tauhan.
Sumunod naman ang tauhan at maya-maya pa'y natanggal na ang piring sa mga mata ko. Subalit, hindi ko pa rin iyon magawang imulat dahil siguro sa tagal ng pagkakapiring sa akin.
"Now, you see me, Attarah Jade, huh? Hahaha! Are you surprised?" Hinila pa niya ang buhok ko sa likod kung kaya't napatingala ako sa kanya. "Tell me! Are you surprised?!" Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatunghay sa akin.
Dahil nakatingala ako sa kanya ay nahihirapan akong makapagsalita pero pinilit ko. "J-Jaze is right.. Y-You're..a pshychopath!" Sabi ko sa kanya na ikinatawa niya ng todo. Binitawan niya ang buhok ko at lumapit siya kay Mr. Hemsworth na tila estatwang nakatayo lang sa gilid.
"Did you hear that, Zack? She said, Jaze Vanxanter Smith is right! Do you agree what they said that I'm a psycho 'eme like that?"
"No, you're not! They are just stupid!" Tugon ni Mr. Hemsworth.
"Thank you for believin' in me, baby! Hahaha!" Malandi pang hinaplos ni Kate ang pisngi ni Mr. Hemsworth bago pa siya muling lumapit sa akin. Pagkuway, dinuro niya ako. "You will suffer because of it. You're ready, gurl? I'm telling you, be ready!"
Hindi ako nakakilos nang mabilis na dumapo sa mga pisngi ko ang mabibigat niyang kamay.
Kaliwa't-kanan niya akong pinagsasampal at halos wala siyang kapaguran sa pagsapak sa 'kin. Hindi lang sa pisngi ko lumilipad ang mga kamay niya kundi pati na rin sa ulo ko, sa leeg ko, at sa mga balikat ko.
Halos humihingal siya nang maisipan niya akong tigilan.
Halos mainom ko na rin ang sarili kong dugo na umaagos mula sa ilong ko at sa mga nagputok na labi ko.
Ramdam ko na rin ang pagkahilo pero gising na gising pa rin ang diwa ko.
'Be strong..' Naalala ko ang sinabi ni Doc. Zeih.
Subalit, hindi pa doon natatapos ang galit ni Honey Kate. Dahil maya-maya lang ay inutusan niya si Mr. Hemsworth na hubarin ang mga suot ko.
"I don't like to see her naked body, baby. I only want to see yours," ani Mr. Hemsworth.
"Then, I'll grant your wish later," tugon ni Kate at binalingan ang isa sa mga tauhan niya na naroon. "Rufo! Take her clothes off! Now!"
"Yes, Ma'am! You know that I love sexy body!" Dumidila at napapakagat ng labing saad ng lalaki.
Tawanan muli ang lahat ng kumuha ng gunting ang lalaki at sumasayaw-sayaw pa ito habang lumalapit sa 'kin.
"N-No.." Walang-boses kong saad..
Wala na akong nagawa pa no'ng gupitin nito ang mga damit ko. Tanging panloob ko na lamang ang itinira nito.
"Ang sexy mo.. Pahawak nga ako! Ump!" Anito at ipinatong pa sa bra ko ang malalaki nitong kamay. "Grabe! Punong-puno!"
"A-Alisin mong kamay mo!" Nanghihina man ay nagpumiglas ako kahit imposibleng makawala ako.
"Umalis ka na diyan, Rufo! 'Wag mong unahan si boss!" Tawag no'ng isang lalaki.
Saka naman umalis sa harapan ko ang lalaki na halos naglalaway pa kanina.
Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag ngunit saglit lang iyon.
"Hahaha! That's it! Matakam na kayo ngayon dahil pagkatapos na makuha ni Kuya ang gusto niya diyan sa babaeng 'yan, for sure, ibibigay niya na 'yan sainyo!"
'K-Kuya?'
'S-Si..Kent?'
Napayuko na ako at saka mariing napapikit. Hindi ko na kakayanin 'to..
'God, help me...'
"But, for now. Akin na muna siya," dinig kong dugtong pa ni Kate. "What level are we, Zack?"
'L-Level?'
"We're on level six, baby," tugon ni Mr. Hemsworth.
'S-Six?'
"Okay. So, what do I need to do next?" Tanong uli ni Kate.
"To show her the CCTV footage of her parents before they died."
Dumagundong ng malakas ang dibdib ko at bigla kong naiangat ang mukha ko.
'A-Anong CCTV...footage?'
"You heard it right, Attarah Jade. Clear your eyes so you can watch every detail of the video. You have to see it before you leave this earth! Hahaha!" Ani Kate.
Ginawa ko ang sinabi niya. Pinilit kong palinawin ang paningin ko kahit hilong-hilo na.
Nagsimula ang video sa isang lugar kung saan may tatlong taong naguusap doon. Natinag ako nang makita kong magulang ko ang mga iyon at ang isa naman ay si..Mommy Vic.
"Victoria, kailangan na naming bawiin ang sa amin. Alam mong para sa amin ang lahat ng inaari mong iyo!" Ani Mommy Sarrah.
"Stupid! Wala ng sa 'yo, Sarrah! Itinakwil ka na ng pamilyang nagkupkop sa 'yo! Sa akin ipinama ang lahat ng pagaari ng mga Antonio! Kaya, umalis na kayo dito sa mansyon KO! Akin na ito at hindi sa 'yo!"
"Huwag kang gahaman, Victoria!" Sabad ni Daddy Arthur.
"May liham kaming nakuha sa mga gamit ni Papa, Victoria!" Ani Mommy Sarrah at may ipinakitang papel kay Mommy Vic. "Nakasaad dito na sa akin niya pa rin iiwanan ang lahat ng pagaari niya! Napakalinaw dito! At isa pa, hindi ba't kaibigan lang kita! Dinala kita dito sa mansyon hindi para kunin ang dapat na sa akin! Pero, anong ginawa mo? Nagtiis ako ng halos labinlimang taon! Ikaw? Nagpakasasa ka sa yaman na hindi naman sa 'yo! Kaya, ibigay mo na sa akin ang lahat ng titulo at pagaari ng mga Antonio!"
"No way! Lahat ng ito ay pinaghirapan kong makuha, Sarrah! Nagtiis din ako ng ilang taon para alagaan ang Papa mo! Hindi pwedeng basta-basta mo na lang na babawiin ang nasa akin na! Hindi ako papayag! Kahit na magkamatayan pa!"
"Huwag kang magsalita ng ganyan, Victoria! Matakot ka sa sinasabi mo!" Si Daddy Arthur..
"Lumayas na kayo dito!" Sigaw ni Mommy Vic.
"Hindi kami aalis dito hanggat hindi ko nakukuha ang dapat na sa akin, Victoria!" Ganting sigaw ni Mommy Sarrah.. "Para sa anak ko 'yan!"
"May mga anak din ako, Sarrah!"
"Hindi mo sila anak! Ampon mo lang sila! At, mas lalong wala silang karapatan sa pagaari ng Papa! Lahat ng iyon ay para kay Attarah!"
"Yon ay kung malalaman pa niya!"
"A-Anong ibig mong sabihin, Victoria??" Kabadong tanong ni Mommy Sarrah.
"Umalis na kayo at bilisan niyo! Tiyakin niyong maabutan niyo pa siya!"
Marahil sa takot ay kumaripas naman ng takbo pabalik sa sasakyan sina Mommy Sarrah at Daddy Arthur.
Doon na rin natapos ang video..
Hilam na hilam sa luha ang mga mata ko habang halos natutulala pa ako sa screen na nagmumula sa projector.
Hindi ko alam na iyon na pala ang dahilan kung bakit bigla na lang nawala ang mga magulang ko.
Sobrang hindi ako makapaniwala!
All these years ay paniwalang-paniwala ako sa kabutihan ni Mommy Vic. Ni wala akong naramdamang hatred sa kanya. Puro kabaitan at pagaaruga lang kasi ang ipinakita niya sa akin mula ng kupkupin niya ako.
Sobrang sakit..
Natinag ako nang may humila na naman sa buhok ko dahilan para mapatingala akong muli.
"Now what? Hahaha! Glad to see you crying! Ano? Masakit bang traydurin ka ng taong inakala mong mahal na mahal ka?" Tanong ni Kate.
Wala na akong lakas pang makipagsagutan sa kanya. Wala na rin akong lakas para pumalag sa pinaggagagawa niya.
"I really love to see you in this kind of situation, do you know that? Kasi..you know! I really really feel jealous everytime I saw you and Jake Xander together. Specially when in bed? Gosh! Parang gusto kong pags*saksakin ang bawat parte ng katawan mo!" Muli niya akong sinampal ng ubod lakas. Halos niyanig ang utak ko at hindi ko na maibalik ang pagkakapaling ng ulo ko.
"T-Tama...na.." Pakiusap ko.
"What did you say?" Inilapit pa niya kunwari ang tenga sa bibig ko. "Come on! Hahaha! Speak up, moron!"
"S-Sayong..sayo si J-Jake.. H-Hindi..niya ako m-mahal.."
"Hahahaha!" Sobrang lakas ng tawa niya. Halos mapaubo pa siya sa sobrang tawa. Maya-maya'y tumigil siya at pumihit papaharap sa akin. "Yeah, I know right! Alam kong mahal na mahal ako no'ng tangang 'yon! Ewan ko nga ba kasi at naging sunod-sunuran siya sa nanay niya! Kapag pera na kasi talaga ang pinaguusapan, 'no? Psh! Kung bakit naman kasi ayaw ng mga Smith sa pera namin? Gosh! Ga'no ba kasi kalaki 'yang kayamanan niyo at nakuha pa nilang ipapatay ang parents mo? At kunwari pa'y kukupkupin ka nila para manatiling sekreto ang ginawa nila? Kita mo, ipinakasal ka pa kay Jake Xander na alam namang may nobyang mas maganda pa sa 'yo! Akala naman nila siguro, walang sisiwalat sa mga baho nila, eh! Very idiot! They are such a moron and stupid!"
"W-Wala..akong alam.."
"And, now you know!" Pumalakpak pa siya at tinawag ang pansin ni Zack na hindi na matahimik sa kinatatayuan. "Hey! Zack! What's my next move? Nakakapagsalita pa 'tong babaeng 'to, eh!"
"What?"
"Tell me what's next!" Iritableng tanong ni Kate.
Saka naman lumapit si Mr. Hemsworth sa kinaroroonan namin. "It's about the baby," aniya.
"Her or mine?"
"Yours, baby."
"Oh! Yeah, right." Humarap uli sa akin si Kate at ngingisi-ngisi pa. "I have something to tell you, Attarah Jade. Do you know what?" She paused in a second and then she pulled up my hair again and tweaked me. "Paniwalang-paniwala ba naman si Jake Xander sa pregnancy kit na binigay ko sa kanya. Hahaha! He didn't even noticed na that was fake! And then, when I told him the baby was lost, gosh! I super love it when I saw him beating you at the door step that night."
'I-Ibig sabihin.. H-Hindi siya nabuntis ni Jake?' Anang isip ko. Hindi ko na 'yon naisatinig pa dahil sa posisyon ko.
"Someone is coming, baby!" Pukaw ni Mr. Hemsworth sa atensyon ni Kate.
"No worries! That's kuya Kent, Zack." Hindi na siya sinagot ni Mr. Hemsworth. Kaya naman, ako na uli ang hinarap niya. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko sa sobrang sakit ng pagkakahila niya sa buhok ko.. "Pity woman.. You know, before I left you and be killed, I would like you to know my darkest secret..."
Nagmulat akong muli ng mga mata ko at deretso ko siyang tinitigan.
"I killed the baby on your womb!"