CHAPTER 19

3117 Words
Authors Note: I've changed my mind, guys. Hindi ko na gagawan ng POV si Jake Xander for some reason. Bahala siyang i-explain ang sarili niya. Hehe. Happy reading kahit nakakagalit ang episode! xxxxxxxxxxxxxx PARA AKONG tinadyakan sa dibdib sa sinabing iyon ni Honey Kate. Walang katumbas na sakit ang naramdaman ko sa mga nalaman ko mula pa kanina. Hindi ko malaman kung tao pa ba 'tong babaeng nasa harapan ko. "Y-You're..a murderer.." Sinikap kong isatinig iyon. "Am I a murderer? Really? I am a murderer. Hmm... I think, yeah! I'm a murderer!" Tila baliw na kinakausap ang sarili. Binitawan niya ako at saka siya humagalpak ng tawa. Tila siya baliw na nagpapaikot-ikot pa sa harapan ko. "Hahaha! Guys, she called me a murderer! Maybe because I killed her child! Oh, yeah! I think, yes! I am a murderer!" Wala siyang tigil sa kakatawa. "And, you deserved it, girl! That's your payment for stealing my love Jake Xander! You know, his mine! Mine alone!" Muli niya akong sinunggaban at hinataw ng kamao niya sa ulo. Nahilo ako at halos magsuka ng dugo. Nanginginig ako sa galit at gusto kong makawala para ipalasap sa kanya ang hirap at sakit na dinadanas ko ngayon. Subalit, wala akong magawa dahil mahigpit ang pagkakagapos sa mga kamay at paa ko. Nagawa ko pa ring iangat ang ulo ko para tignan ang ginagawa niya. At 'yon nga'y halos naglulupasay siya sa katatawa. Hawak pa niya ang buhok at ginulo-gulo iyon. Habang halos tumutuwad na siya sa katatawa ay kita ko naman sa gilid ng mga mata ko ang halos patakbong paglapit ni Mr. Hemsworth. Nilapitan nito si Kate at ipinaharap. Natigil naman si Kate sa kakatawa nang may ibulong si Mr. Hemsworth sa kanya. "Whaatt the??! Slap me and put a blood on my face now! Fvck! Hurry up!" Ani Kate na natataranta na at di malaman ang gagawin. Hindi ko naman malaman kung bakit sila natataranta. Maging ang mga tauhan niya kasi ay naging alerto na. Nakita ko pa ang pagtakas ng isa. "I can't do that, baby!" Apila naman ni Mr. Hemsworth na hindi na rin malaman ang gagawin. Kung susunod ba sa gusto ni Kate o hindi. "Come on! Let's get out of here! Madadatnan niya tayo!" "No! I had a new plan! Do it now, idiot! Kalagin niyo si Attaraha Jade diyan at ako ang ipalit ninyo! Magmadali kayo!" "Pero, Ma'am, hindi ho namin magagawang igapos kayo," ani ng isang tauhan. "Tonto! Kalagan mo na 'yan! Magmadali ka na!" Nasunod nga ang gusto ni Kate at kinalagan ako. Saka siya pumuwesto sa upuan at mabilis na inilagay sa likod ang mga kamay. "Rufo! Tie my hands! Faster!" Muli niyang hinarap si Mr. Hemsworth at nang hindi pa nito ginagawa ang gusto niya ay tinadyakan niya na ito sa harapan. "Moron! Slap me now!!!" Doon na siya tarantang sinampal ni Mr. Hemsworth. "Aaahhh! Damn you!!" Sigaw ni Kate. Medyo napaling kasi ang mukha niya sa pagkakasampal sa kanya ni Mr. Hemsworth. "You'll pay for me after this, idiot!" "I-I'm sorry, baby." Hinging paumanhin ni Mr. Hemsworth at niyakap pa si Kate. Subalit, nagpumiglas naman si Kate. "Baby? Let's go! They're on their way!" "Moron! Put a blood on my face now! Hurry up!" Doon na siya nilagyan ni Mr. Hemsworth ng dugo sa mukha na kinuha nito mula sa 'kin. "That's enough! Nakakadiri ang dugo niya! Ewwww!! Gosh! Now, go ahead! Leave this place and hide that woman! Gawin niyo na kung anuman ang gusto niyo! Itapon niyo kapag patay na!" Ani Kate na ikinabahala ko. "How about you?" Nagaalalang tanong ni Mr. Hemsworth kay Kate. "I'll act as a victim! That's my new plan! Umalis na kayo! Ako na ang bahala dito!!" Nagpatiuna ng lumabas si Mr. Hemsworth at kasunod ang ibang tauhan. Habang ang dalawa sa mga tauhan ang nagkaladkad sa akin. Mabilisan din nila akong nilagyan ng tape sa bibig habang tumatakbo. Subalit, mukhang huli na ang pagtakas nila dahil nakarinig ako ng paparating na pulis. "Tang*na! May mga pulis!" Sigaw ng isang nakahawak sa 'kin. "Iwan na natin 'to! Masyadong mabigat! Malayo pa ang pinagparkingan ng sasakyan ko!" Ani no'ng isa. "Sayang 'to! Mawawalan tayo ng panghimagas mamaya!" "Bahala ka diyan! Kargahin mong magisa! Basta ako, 'di ako papahuli sa mga parak!" Saka nito binitawan ang isang braso ko. "Hayop 'tong si Ervin! G*go! Sayang. Pero, mas mahal ko pa ang buhay ko!" Sa pagkataranta, imbes na isama ako papalabas ng abandonadong warehouse ay basta na lang ako isinalya sa isang bodega at iniwanan doon. "Babalikan kita!" Nagawa pa nitong isarado ang pintuan bago ito kumaripas ng takbo papatakas. Hanggang sa may marinig akong mga taong nagsipasok sa loob at dinig ko pa ang nangingibabaw na pamilyar na boses. 'Jake?' Nabuhayan ako kahit papaano. Alam kong tutulungan niya pa rin ako. Sinubukan kong sumigaw ngunit hindi ko magawa. Tanging ungol lang ang nagawa ko. "Kate??! What the hell are you doing here?" Dinig kong tanong ni Jake. "Xander! Oh my god! Oh my god! They kidnap me! Help me!! Huhuhu! Help me.." Dinig kong palahaw ni Kate. "They kidnap me! They drag me here and left me!!" Napaawang ang bibig ko at 'di ako makapaniwala.. 'Jake.. Ako ang biktima dito..hindi siya!' "Fvck! Did you recognized who kidnapped you? Damn! You had a wound!" "I-I don't know! I didn't recognize them because they were all wearing masks! They drag me here and they beat me up before they leave. My god! Gusto rin nila akong gahasain but thank god dumating ka to save me!" Umiiyak na sumbong ni Kate. Hindi sumagot si Jake kaya sandaling natahimik at sinamantala ko iyon. Gumawa ako ng ingay. Pinagsisipa ko ang kahoy na dingding at umungol ng malakas. "May iba pa bang kinidnap maliban sa 'yo, Miss Jacobs?" "I don't know, chief! I don't know! Oh my god! Help me get out of this place, Xander!" Ani Kate na naghihisterikal na. "Come on! They might come back here!" "Okay! Okay! Chief! Kayo na ang bahala diyan. Galugarin niyo ang buong gusali. Find the other victims if there are any," ani Jake. 'No!! Jake!!! Nandito ako!!!!!! Hanapin mo 'ko please!!!!!' Muli akong umungol ng malakas para kunin ang atensyon nila at marinig nila ako. Pero, parang bingi ang mga ito. Narinig ko naman ang mga yabag ng mga pulis at nabuhayan uli ako. Naghihintay ako na makita nila ang kinaroroonan ko ngunit parang hindi nila ito makita. Paulit-ulit akong gumawa ng ingay pero tila wala silang naririnig. "Negative, Sir! Walang ibang tao rito!" Anila. Muli akong umungol ng malakas at halos mapaos na ako. Ngunit, hindi talaga nila ako naririnig. Hanggang sa wala na akong madinig na kahit man lang kaluskos nila sa labas. Iniwanan na nila ako. Napahagulhol na lamang ako ng iyak sa kawalan ng pagasa. 'Mamamatay na ba ako dito..?' 'Eto na ba ang katapusan ko...?' Naipikit ko na ang mga mata ko dahil sa kawalan na ng lakas.. Hinang-hina na ako at hindi na kaya ng katawan ko. Subalit, nagsipasok sa isipan ko sina Doc. Zeih, Amierizz, at ang mga magulang ko. 'You have to be strong, Attarah Jade.' 'Nandito lang ako, Tarah.. Hindi kita pababayaan. Kaibigan mo 'ko at karamay mo.' 'Anak, kapag dumating man ang araw na mawala kami ng daddy mo, alalahanin mo lagi na kasama mo ang panginoon. Di ka niya pababayaan. Manalangin ka sa kanya.' 'Anak ko, lumaban ka.. 'Wag kang susuko. Kaya mo 'yan.' Iyon ang mga pumasok sa isipan ko na muling nagpalakas ng loob ko. "M-Mom..D-Dad..A-Amierizz.." Nanghihina kong banggit sa kanila. Sa kakarampot na lakas ay dahan-dahan akong umupo at sinikap na ibaliktad ang kamay na mailagay sa harapan ko. Nang magawa iyon ay kinapa ko ang tali sa mga paa ko at binuhol iyon. Napakadilim ng kinaroroonan ko kung kaya't ni hindi ko man lang maaninag kahit man lang isang parte ng katawan ko. Subalit, sinikap ko pa ring makalagan ang mga paa at napagtagumpayan ko iyon. Nagkaroon ako ng kaunting pagasa. Tinanggal ko kaagad ang tape sa bibig at saka ko na rin isinunod ang pagkakatali sa mga kamay ko kahit pa nararamdaman ko ang napakatinding hapdi sa higpit ng pagkakatali sa akin. Kahit pa nagkandasugat-sugat na iyon ay wala na akong pakealam pa. Dumadagundong ang dibdib ko sa takot at kaba nang magawa kong alisin ang pagkakagapos ng mga kamay ko. Doon na ako dahan-dahang tumayo. Pinilit kong makalakad kahit pa halos mapilay ako. Kinapa ko ang pintuan at nang matagpuan ko iyon ay kaagad kong ipinihit ang doorknob at mabilis na lumabas sa mabaho at madilim na kwartong iyon! Nanghihina, nanginginig at puno ng takot ang dibdib ko habang binabaybay ko ang pasilyo papalabas ng abandonadong gusali. Napakadilim at tanging liwanag na nagmumula sa buwan ang nagtatanglaw ng liwanag sa dinaraanan ko. Lumayo ako at narating ko rin sa wakas ang kalsada. Sobrang nanghihina na ako ngunit pinapatatag ko pa rin ang sarili ko para lang maligtas ang sarili. 'Kailangan ko pang mabuhay para balikan ang mga taong gumawa nito sa akin!' Banta ng isip ko. Naghintay pa ako ng ilang sandali bago ko namataang may paparating na sasakyan. Nang malapit na iyon ay saka ako pumagitna sa kalsada para harangin kung sino man ito. Itinaas ko pa ang dalawang kamay ko para pahintuin ito. At nang huminto nga ito ay doon na ako pumikit at hinayaan ang unti-unting pagbagsak ng katawan ko sa kalsada. Hindi ko alam kung sino ang nasa sasakyan ngunit naging panatag ang kalooban ko bago pa man ako mawalan ng ulirat. Nang magkamalay, kaagad kong pinakiramdaman ang sarili bago ko iminulat ang mga mata ko. "Glad you're awake now, Attarah Jade." Kusang lumuha ang mga mata ko nang mabungaran ng paningin ko si Doc. Zeih. "I-Ikaw ang..n-nakakita sa 'kin?" Tanong ko sa halos paos kong boses. Bumibikig din ang lalamunan ko. "Yes and you are safe here with me. How's your wound? Masakit pa ba?" Sobrang seryoso ng ekpresyon ng mukha niya at halos hindi rin mapuknat ang tingin niya sa akin. "I know what happened. And, I know who did that to you." Umiling-iling ako. Natutulala ako sa kanya. "Maybe, you're confused. Well, kakampi mo 'ko, Attarah Jade. And let me introduce my self to you. I'm not just a doctor. I am also a detective and a lawyer." Saka siya may hinugot sa bulsa at inilabas doon ang mga ID at ipinakita ito sa akin. "Here. Do you trust me now?" Napalunok pa ako dahil hindi ako makapaniwala na halos iba-iba ang propesyon niya. Subalit, hindi ito ang tamang oras para humanga sa kakayanan niya. "M-May iba na bang..nakakaalam sa nangyari sa 'kin?" Tanong ko. Umiling siya. "Wala pa. No one knows yet. Coz, I waited for you to wake up para ikaw na mismo ang magsabi sa mga taong pinagkakatiwalaan mo, kung ano ang nangyari sa 'yo," anya at hinawakan ang kamay ko na may nakatusok na suwero. "Huli na no'ng malaman kong hinayaan kang umalis magisa ni Jake Xander. Hinanap kita pero 'di kita makita. Until, I called a friend para hanapin ka and yet he was there witnessing what they did to you. And then, when I come to that abandoned place, nakita kita sa kalsada may kalayuan na sa lugar, nakahubad at bugbog ang mukha. I was too shocked when you collapsed in front of my car. I'm sorry if I didn't catch you." Napaiyak na lamang ako sa haba ng sinabi niya. Hindi ko alam na may iba pa pala na magmamalasakit sa 'kin. "Kinidnap ako..binugbog at..at..ahhh! Aww.. S-Sumasakit ang ulo ko, d-doc!" Hindi ko magawang tapusin ang sinasabi dahil biglang kumirot ang ulo ko. Para itong mabibiyak. Bigla namang napatayo si Doc. Zeih at may kinuhang injection. "This is just an antibiotic. Don't be scared." Itinusok niya iyon sa suwero ko. Napapapikit pa ako dahil ramdam ko ang pagdaloy ng gamot sa ugat ko. "Sa dami ng sugat mo sa mukha at namamaga pa, naapektuhan din ang ulo mo sa pagkakaalog," anya. "A-Akala ko nga..k-katapusan ko na, doc.." Maya-maya nga lang ay biglang nawala ang sakit at unti-unti na rin akong kumalma. Subalit, muli na namang bumalik ang takot ko nang bumukas ang pinto at makilala ko ang lalaking basta na lang pumasok at walang emosyong lumapit kay Doc. Zeih. "I've got an evidence against them, my lady," ani nong lalaki. "B-Bakit siya n-nandito!?" Nanginginig kong tanong. Napatingin sa akin si Doc. Zeih at nakita ang panginginig ko habang nakatingin sa bruskong lalaking kaharap niya. "Why are you shaking, Attarah Jade?" Nagaalala pa siyang lumapit sa akin. Dinuro ko ang lalaki. "S-Siya ang isa sa mga tauhan na..n-naghubad ng mga damit ko at..a-at.." Hindi ko masabi 'yong ginawang kabastusan sa akin. "B-Bakit nandito siya? M-Magkasabwat kayo??" "Oh. Don't be scared, Attarah Jade. He's my co agent," ani Doc Zeih at hinarap ang lalaki na naka-foker face pa rin. "What did you do to her, Rufo?" "I'm sorry. I have to act as one of their men so I can do my job easily," kalmadong saad ng lalaki at yumuko pa siya sa may paanan ng hinihigaan ko. "I didn't mean to hurt you, Miss Smith. I'm so sorry." Hindi ako makapagsalita. Naging blangko ang utak ko. Nang hindi ako sumagot ay muli siyang nagpatuloy. "Binalikan kita sa kung saan ka iniwanan ng mga damuho. Wala ka na doon. Mabuti na lang at na-locate ko 'yong mini cam na isiningit ko sa loob ng bra mo," ani ni Rufo. 'K-Kaya niya ba ako hinawakan sa dibdib para mailagay 'yong gadget na 'yon?' Takang-tanong ng isip ko. Napalunok ako. "Be thankful na nandito ka ngayon kay Zeih, Miss Smith. You'll be safe here. And, you have to stay here coz you can't go outside for now.. It's so dangerous outside coz they are after you." Hindi mahinto ang panginginig ko. "P-Pero..kailangan ko silang isuplong sa mga pulis," sabi ko. "The police men think that Miss Jacobs was the only victim of that kidnapping incident. It wasn't you, Miss Smith. Naipahayag na rin sa buong media. The topic are trending in all social media sites." "What the hell!" Singhal ni Doc. Zeih. "They are the suspects about the Honey Sebastian's killing case long years ago! Ang mga Jacobs mismo, ang pamilya nila ang siyang pumatay kay Honey Sebastian na dating kasintahan ng asawa mo na si Jake Alexander Smith!" Nanginginig na rin siya sa galit. Hindi ako makapaniwala sa nalaman. "D-Dating kasintahan ni Jake?" Napalunok ako.. "...at H-Honey ang pangalan?" "Yes. And, she's my bestfriend, Attarah Jade. Honey Kate killed my bestfriend Honey Sebastian!" Doon na umiyak si Doc. Zeih. 'Siya ba ang HONEY na tinutukoy ni Jake sa panaginip niya noon...?' "Sangkot si Jaze Vanxanter sa murder case na ini-file ng parents ni Honey. Why because, isinama niya sa lugar ang kaibigan ko at hinayaan niya na malasing doon si Honey. At, doon na-tyempuhan ng mga Jacobs ang kaibigan ko. Pinatulog ng mga demonyo si Jaze at doon na ginawa ang karahasan kay Honey. Si Kent at Kyre ang gumahasa at si Kate mismo ang tumapos sa buhay ng kaibigan ko. My bestfriend has multiple stab wound all over her body, especially sa puso ng kaibigan ko," pagpapatuloy pa ni Doc. Zeih. "I really can't accept her death! God! I want to kill those murderer!" "B-Bakit 'to ginagawa ni Kate? Bakit kailangan niyang pumatay??" Tanong ko habang sa kawalan ang tingin. "Because, she's obsessed with Jake Xander!! Noon pa! Nakuha niya ng pumatay ng tao noon dahil gusto niya ay sa kanya lang si Jake," ani Doc. Zeih. "And now, she's after you. She's going to kill you like what she did to my bestfriend!" "Ipinagkasundo lang naman kaming ipakasal ni Mommy Vic. Pero, totoong mahal ko si Jake. Kaya, nagpakasal ako." "Ginawa 'yon ni Mrs. Victoria Smith upang maging successful ang plano niya sa 'yo," sabad ni Rufo. "Hugas kamay siya sa kasalanan kapag pinatay ka ni Miss Jacobs at tuluyang mapapasakanila ang kayaman mo." Napatingin ako sa mukha nito. "Alam niyo ang tungkol sa plano ni Mommy Vic?" Tumango-tango sila. "Oo, Attarah Jade. Matagal na naming alam. Kaya lagi akong nakasunod sa mga galaw ni Mrs. Victoria, dahilan din kung kaya ako pumasok bilang private doctor niya," ani Doc. Zeih. "Sa akin nanggaling ang video na ipinakita sa 'yo sa warehouse. I have that film for so long ago. Unknown person gave that to me," si Rufo. Napapikit ako ng mariin. Kung bakit kasi hindi ko kaagad nalaman ng maaga ang lahat... Maya-maya'y tumunog ang cellphone ni Rufo. Agad nitong sinagot ang tawag. Sinenyasan naman akong tumahimik ni Doc. Zeih. "Yes, Miss Jacobs. Yes po. Okay, okay." Saka muling ibinulsa ni Rufo ang cellphone sa bulsa ng jacket niya. "Pinaghahanap ka ng mga tauhan ni Mr. Hemsworth at Miss Jacobs, Miss Smith. They really after you. Hindi sila titigil hanggat hindi ka nila nakikita at napapatay." Pinanlamigan ako sa takot. "Don't worry. Justice will serve soon, Attarah Jade. Maipakukulong ko rin ang mga hayop na 'yan. I'll make surw na pagbabayaran nila ang mga kasalanan nila!" Nagtitimpi pa rin sa galit na saad ni Doc. Zeih. "I've got an evidence like I told you guys. I recorded this scene while Miss Jacobs beating Miss Smith," ani Rufo habang pinapanood ang video sa sariling cellphone. "But still, even we had an evidence, they'll gonna make a way para maibasura ang kaso na ipa-file natin. Their family are one of the powerful family here in our country. Mahirap silang kalaban." "No one is above the law, buddy. Victims needs justice!" Matapang na saad ni Doc. Zeih. Ni hindi ko na madinig ang lambing sa boses niya. Tila naging tigre iyon sa galit. Saka niya ako marahas na hinarap. "Kami na ang bahala dito, Attarah Jade. Magagamit namin 'yong nakuhang ibedensya ni Rufo para makamit mo ang hustisya sa ginawa nila sa 'yo. And, I'll assure you also na magkakaroon ng justice 'yong pagkamatay ng parents mo. At soon, maililipat sa pangalan mo ang kayamanan na dapat ay sa 'yo." "T-Thank you.." Umiiyak na naman kong sambit. "You have to be strong, Attarah Jade. Lagi ko 'yang sinasabi sa 'yo. Kapag magaling ka na, harapin mo sila ng may matibay na kalooban. 'Wag kang padadaig sa emosyon mo dahil 'yan ang tatalo sa 'yo," anya at hinarap naman si Rufo. "Buddy, tawagan mo na si Amierizz at ipaalam ang nangyari sa kaibigan niya. That woman is also need a protection. Kailangan nilang umalis ng bansa oramismo!" "Copy!" Ani Rufo at tumalikod na sa amin. "A-Aalis kami ng bansa?" Tanong ko. Tumango siya. "Yes. For you and your friend safety. Kapag okay na ang lahat, maaari na kayong bumalik dito. No if's, no but's. That's an order."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD