CHAPTER 8

3163 Words
PAGKARATING namin sa mansyon ay agad naming napukaw ang atensyon ng mga bisitang naroon. Subalit, hindi ko magawang salubungin ang nanunuring tingin ng mga ito kung kaya't sa ibang bagay ko na lamang itinuon ang paningin. Magkasabay kaming naglalakad ni Jake sa red carpet at nadadaanan namin ang iba pang mga bisita na napapasinghap pa, nagbubulungan at hindi makapaniwala sa nakikita. Naupo kami ni Jake sa isang mesa na nasa unahang bahagi. Malapit sa may maliit na entablado. "Are you hungry?" Tanong ni Jake. Umiling ako. "Oo. Hindi ako nakapananghalian kanina, eh." Malalim naman siyang napabuntong-hininga at saka tumayo. "I'll get you some food." Saka tumalikod. Habang hinihintay si Jake ay nagpalinga-linga muna ako at hinanap si Mommy Vic subalit iba naman ang nadapuan ng paningin ko. Isa iyong grupo ng mga babae na tila sibat kung makatingin sa 'kin. Hindi ko na lang pinansin. Sakto namang dumating na si Jake at may dalang pagkain. Ipinatong niya ang plate sa harap ko. "Eat." Tipid niyang saad. Tumango ako. "Thanks." Saka ko na hinarap ang pagkain. Gutom na talaga ako. "Is that Jake Xander?" Dinig kong bulong ng isa sa mga babae sa likuran namin. "Yeah." Tugon naman ng isa. "Why he's with Attarah Jade? Hindi ba't si Honey Kate ang girlfriend niya? Why they were together?" "I don't know. But, I heard Jake and Kate's love story has ended up already. The reason why is..third party." 'Nagbreak na sila?' Napalingon ako kay Jake at tinitigan siya. Subalit, tila wala naman siyang nadirinig. Wala siyang imik at parang malalim ang iniisip. "Whaatt? For real?!" "Yes! And maybe, the third party is her." Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ng huling nagsalita pero nasisiguro kong ako ang pinatatamaan nito. Ngunit wala sa mga ito ang pansin ko kundi doon sa mga narinig ko. 'Totoo nga bang wala na sila? Kailan pa? Kaya ba..nagiging mabait na sa 'kin si Jake?' Sunod-sunod na tanong ng isipan ko. The party hasn't start yet. Ewan ko ngunit mukhang tama ang sinabi ni Jaze na nagkukulong ngayon si Mommy Vic. Nagaalala tuloy ako. Kaya naman, matapos kong kumain ay binalingan ko na si Jake at kinuha ang atensyon niya. "What?" Wala sa loob niyang tanong. "Ahm.. Pupuntahan ko lang si Mommy Vic sa kwarto niya. Baka kasi nagkukulong nga 'yon. Kasalanan ko kung bakit.." Tumango siya at pagkuway tumayo. Inilahad pa niya ang kamay sa harap ko na ikinagulat ko. "Come on. Sasamahan kita," anya. Napangiti naman ako at saka ko na inabot ang kamay niya. Kung kaya, magkahawak-kamay kaming lumakad papalayo sa bulwagan at tinahak ang hallway papuntang elevator. Naunang pumasok si Jake sa loob ng elevator nang bumukas iyon. Sumunod ako at agad na tumalikod sa kanya. Nasa likuran ko siya at kita ko ang kaseryusohan ng mukha niya mula sa repleksyon namin sa pinto ng elevator. Nagulat pa ako nang magtama ang paningin namin doon. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya kaya ako na mismo ang umiwas ng tingin. Pero, mas nagulat ako nang kabigin niya ako at ipaharap sa kanya. Muli kaming nagkatitigan. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko at para akong hindi makahinga. Ilang sandali pa ay lumapat na ang mga labi namin. Hawak niya ang magkabilang pisngi ko at ako naman ay nakangunyapit sa batok niya. Nasa gano'n kaming posisyon nang bumukas ang elevator. Gulat na gulat pa ang mga maids nang makita kami. Nagtilian ang mga ito nang tuluyan na kaming lumabas. "Ayyy! Sina ser Jake at Mam Attarah! Kasweet naman nila, uy!" "Agoy! Bagay na bagay talaga kayo, mam, ser!" Ngiti lang ang naging tugon ko sa mga ito. Hindi ko alam kung gano'n din ang naging tugon ni Jake kasi hindi ko siya magawang tignan. Tumalikod na kami sa mga maids at tinungo na namin ang kwarto ni Mommy Vic. At nang makatapat na kami sa kwarto ay siya namang paglabas ni Jaze. Subalit, tila kami hangin na hindi nito nakita. Binalewala ko na lang iyon. Minabuti ko ng kumatok bago pumasok. "Jaze, I told you stop the party! I don't wanna go downstairs and face them! Please!" Dinig kong sambit ni Mommy Vic sa loob. "Mom? It's me, Attarah Jade!" Sigaw ko mula sa labas. Katahimikan ang sunod kong nadinig. Ngunit, maya-maya lamang ay bigla na lang bumukas ang pintuan at iluwa doon si Mommy Vic. Nagkatitigan pa muna sila ng anak niya bago ako nito dinaluhan. "Attarah, dear!" Mangiyak-ngiyak nitong sambit. "Mom.." "I leave you two. Mom, babain mo ang mga bisita mo. They are waiting for you kanina pa. Attarah, I'll wait for you downstairs. I'll go ahead," ani Jake. "Sige." Ako na lang ang sumagot dahil inirapan lang siya ni Mommy Vic. "Attarah, dear! My god! Where have you been? I'm so worried about you." Hinawakan pa niya ako sa magkabilang pisngi at pinakatitigan. "Pumunta ho ako sa sementeryo. Dinalaw ko sina mommy at daddy." "But, why are you together with my son Jake Xander? Pinuntahan mo ba siya? Dear naman.." Umiling ako. "Nandoon ho siya sa sementeryo at doon niya ako nakita. Sobrang lakas ng ulan kanina kaya sumama na ho ako sa kanya. Sinabi kong uuwi na ako pero imbes na ihatid ako dito ay iniuwi niya ako sa bahay namin. And, gladly..naging okay naman ho ang treatment niya sa 'kin. Nagulat nga ho ako, eh." Kyeme akong ngumiti. "That's good news!" Natuwa siya sa sinabi ko pero maya-maya'y biglang nalungkot. Hinawakan pa niya ng mahigpit ang magkabilang kamay ko. "About what happened lately.. I'm sorry. Believe me, dear. I didn't know na pagaari na ni Kate ang favorite kong salon na iyon. She's not the owner of that salon before. Believe me. I was surprised too. And, I didn't expect na magkikita kami ni Esmeralda doon. And, so sorry sa mga sinabi niya. Wala kasi siyang alam. I know what you feel kanina that's why you walked out. You felt betrayed by me. But, believe me, I will never do that to you, dear. You know how much I care about your feelings. Lalo pa ngayon that you're pregnant." Sa dami ng sinabi niya ay halos hindi ko na naisa-isa. Niyakap ko na lamang siya at saka ko hinaplos ang likod niya. "I'm okay now, Mommy Vic. Masyado lang ho akong naaapektuhan kapag ka nadidinig ko ang tungkol sa relasyon ni Jake at ni Honey Kate. But, I'm fine now. Okay na din ho kami ni Jake. He's been good to me. Nagtataka nga ho ako kung bakit bigla siyang bumait sa 'kin." Doon siya kumalas at muli akong tinitigan. "Hangad ko noon pa man na mahulog ang loob niyo sa isa't-isa. Kaya, masaya ako ngayon sa ibinalita mo. I'm so happy for you, dear." Hinalikan niya ako sa pisngi at saka hinaplos iyon. "And, by the way, am I forgiven na ba, hija?" Ngumiti ako at muli siyang niyakap. "Ako nga ho ang dapat na humingi ng paumanhin sa ginawa ko. Kasi, basta ko na lang kayo iniwanan ng hindi man lang ako nagpapaalam. I'm sorry din ho." "That's okay with me. I understand naman, dear." Saka na kami kumalas sa isa't-isa. Hinila pa niya ako papasok ng kwarto at dinala sa tabi ng kama. Nakita ko tuloy ang mga nakahilerang damit doon. "Oh my god, dear! Help me choose what to wear. Nahihilo na ako kanina pa. You know, kahit senti ako kanina, hindi ko pa rin naman matitiis ang mga bisita. Malaking kahihiyan din kasi kung hindi ko sila haharapin. You know the people nowadays, right? So, tell me? What I gonna wear?" Nangingiti na lamang ako sa kadaldalan ni Mommy Vic. Itinuon ko na lang ang pansin sa mga damit. Iba-iba iyon. Iba-ibang design at iba-ibang kulay. Pero, mas nakuha ng atensyon ko ang kulay pulang dress. Long dress iyon at may mga palamuting diyamante sa may neckline. "Eto ho. Maganda ho ito sainyo. Bagay din ho kasi birthday niyo ngayon." Iniabot ko sa kanya ang damit at nakangiti naman niyang kinuha iyon. "Okay. So, I'm gonna wear this. Come on, help me, dear!" Saka ko naman siya tinulungang makapagbihis. Maya-maya'y may dalawang babae ang pumasok sa kwarto na siya ng umasikaso kay Mommy Vic. Hindi ko alam kung sino ang nagpapasok no'n pero nagpapasalamat na rin ako dahil kailangan na rin talaga naming magmadali. After fifteen minutes ay natapos na ring ayusan si Mommy Vic. Sobrang ganda niya at litaw ang kagandahang babae niya kahit pa may edad na. "Ang ganda niyo ho. Sobrang bagay sa make up niyo ang napili kong damit," sabi ko. "Thank you, dear. Come on! I'm so excited to face our visitors. Hihi!" Humahagikhik pa siyang umikot-ikot sa harapan ng salamin. "Are you ready, mom?" Biglang sumulpot si Jaze na gwapong-gwapo sa amerikanang suot. Nakatingin ako dito ngunit ni ayaw man lang akong tignan. Ewan ko ba. Hindi ko na lang pinansin. Humarap si mommy Vic kay Jaze. "Yes, son. Why?" "I'm your escort. Come on. The party will start for about five minutes," ani Jaze at kinuha na ang kamay ng ina saka sila nagpatiuna ng lumabas. Naiiling na lamang akong sumunod. Pero, laking gulat ko nang makita si Jake na prenteng nakatayo sa may likod ng pintuan. "Jake?" Tawag-pansin ko sa kanya. Nilingon naman niya ako kaagad at saka ako nilapitan. "Come. Sabay na tayong bumaba." Inilahad pa niya ang kamay para sa 'kin. Tila lumundag sa saya ang dibdib ko nang magkadaop na mga kamay namin. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga pagbabago niya. Lihim kong kinagat ang pangibabang labi ko nang alalayan niya akong makasakay sa loob ng elevator. At sa muli ay siniil niya ako ng halik nang sumara iyon. Sobrang saya ko na sana ay huwag ng matapos pa. Ngunit, nangangamba pa rin ako na baka ang kasunod nito ay kalungkutan na naman. 'Huwag naman sana..' Hiling ng isip ko. Mabilis naman niyang tinapos ang ginawang paghalik sa 'kin kaya't nung makababa kami ay agad na kaming lumabas at deretso pabalik sa mesang para talaga sa amin. Muling nabali ang mga leeg ng mga nakakita sa amin lalo na 'yong mga walang nakakaalam sa estado ng relasyon namin ni Jake. Kung ano-ano na namang bulungan ang nadinig ko ngunit inignora ko na lang iyon. Mas pinagtuonan ko na lang ng pansin ay ang napaka-engrandeng dekorasyon sa buong bulwagan ng mansyon. Maya-maya pa'y inanunsyo na ng emcee ang pagbaba ni Mommy Vic mula sa itaas ng hagdanan. Nagsitayuan ang mga bisita kung kaya't tumayo rin ako. Hindi ko naman maintindihan kung bakit nawawala na naman sa huwisyo si Jake dahil kanina pa siyang inom ng inom ng wine. Binalewala ko na lang iyon. Tila isang debutante namang bumaba sa hagdanan si Mommy Vic habang kumakaway-kaway pa. Nakaalalay sa kanya si Jaze na ngiting-ngiting rin. "Sit down, Attarah." Dinungaw ko si Jake nang sabihin niya iyon. Sinalubong naman niya ang tingin ko at saka ako inalok ng hawak niyang wine. "You want some drinks?" Umiling ako at saka na ako naupo sa katabi niyang upuan. "J-Juice na lang sa 'kin, Jake." Utal ko pang saad. Nangunot naman bigla ang noo niya. Pero, kalauna'y kumibit na lamang ng balikat. "Stay here. I'll get you some drinks," anya at tumayo. Nagtataka naman ako dahil maaari naman siyang tumawag ng waiter pero bakit siya pa rin ang kukuha no'n? Ako naman ang kumibit ng balikat. 'Nagi-effort ka ha.. Gusto ko 'yan, Jake!' Magisa na lamang ako sa mesa nang biglang may lumapit sa 'kin. Nagulat pa ako dahil tinakpan nito ang mga mata ko gamit ang kamay. Nagpumiglas naman ako habang tinatanggal ang pagkakatakip nito sa mga mata ko. Maiinis na sana ako kung hindi pa ito tumawa. "Mi! Tsk. Ginugulat mo 'ko." Napasimangot ako habang nakairap sa kanya. "Aba! Sinadya ko 'yon, 'no! Naiinis ako sa'yo, Tarah! Bakit hindi mo man lang ako tinatawagan o tinitext man lang? Wala akong update sa'yo. Haiist. Naging busy pa man din ako this past few days. You know.. Bebetime muna. Hahaha! So, what's up? How are you na?" "Maupo ka nga muna. Nahihilo ko sa ginawa mo." Ikinurap-kurap ko pa ang mga mata ko. Napangiwi naman siya. "Sa dami ng tanong at sinabi mo, hindi ko na alam kung alin doon ang sasagutin ko." Umismid siya. "Yong kamusta ka na lang. Iyon na lang ang sagutin mo. I know you naman." Sarkastiko niyang saad. Hindi ko na naitago pa ang kilig at sayang nararamdaman. Napangiti ako at pakiramdam ko ay abot hanggang tenga iyon. Tumaas naman ang kilay ni Amierizz at nagtataka sa pangiti-ngiti ko. "What's the meaning of that smile, dear friend? Kinakabahan ako. Ayaw kong dalawin ka sa mental, please!" Pinalo ko siya ng marahan sa braso. "Oa! Mental ka diyan? Ngumiti lang ako, tingin mo, baliw na ako? Tsk! Masaya lang ako ngayon, mi.." Saka muling ngumiti. Nakagat ko pa ang labi ko. "And, why is that? Alam mo namang masaya din ako kapag masaya ka. So, share mo sa 'kin! Dali!" Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago ako nagsalita. "Mi.. I'm pregnant." Literal na napaawang ang bibig niya. Namilog pa ang mga mata niya at hindi makapagsalita. Napangiti ako. "Hindi rin ako makapaniwala nung una. Isang beses lang kasi nung may mamagitan sa amin ni Jake." "I'm soooo speechless, Tarah. Well, nangyayari talaga 'yon. I don't know what to say but I'm so happy for you. So happy to know that you're going to be a mom soon. Congratz." Kinabig niya ako at mahigpit na niyakap. "Thank you, mi.." Nang kumalas kami ay agad niyang pinunasan ang nangilid na luha sa mga mata ko. "We're here for you, Tarah. Kami na ang bahala sa mga needs mo and everything. Lagi kitang dadalawin dito at sasamahan kitang magpa-check up, alright?" Napangiti ako. Sobrang swerte ko talaga na nagkaroon ako ng kaibigan na katulad niya. "I think hindi na, mi.. Kasi.. o-okay na kami uli ni Jake." "Whaatt???" Napalakas pa ang boses niya na abot hanggang sa stage kung saan nagsasalita ang emcee. Napangiwi na lamang siyang humingi ng pasensya. Saka na niya ako muling hinarap. "Ano ka ba naman, Tarah! Nahihibang ka na ba? Alam mo naman kung anong nangyari sa'yo nang dahil diyan kay Jake! Harap-harapan ka niyang sinasaktan. Kaya nga kamuntikan ka ng ma-washed out dito sa earth! Oh my god! Tarah naman!" "Mi.. Hindi ko ba siya pwedeng bigyan ng chance? Therefore, kasal pa rin kami. Asawa ko siya. At, daddy siya ng magiging baby ko." "Tsk! Mamaya niyan, paiiyakin ka na naman niyan. Hay naku! Baka ilampaso ko na sa sahig ang babae niyang haliparot kapag makita ko uli silang magkasama!" Bigla akong kinabahan. Speaking of Jake... 'Nasaan na siya? Sabi niya ay kukuha lang ng drinks ko pero bakit wala pa siya?' Saka ako nagpalinga-linga sa paligid. Punong-puno ng tao doon at hindi ko makita ni anino ni Jake. "Sinong hinahanap mo, Tarah?" Tanong ni Amierizz. "Si J-Jake. Kasama ko siya kanina, eh. Nagpaalam lang siya sa 'kin na kukuhaan ako ng drinks pero wala pa siya until now." Napatayo si Amierizz at saka ako hinila papatayo. Nagtataka naman akong nagpahila sa kanya. "M-Mi? A-Anong ginagawa mo? Saan tayo pupunta?" Nilingon niya ako. "May kutob ako na gumagawa na naman ng kababalaghan 'yang asawa mo. Malalagot talaga siya sa'kin!" Saka ako inakay papalabas ng bulwagan. Kinakabahan ako. Ayaw kong isipin ang mga nabanggit ni Amierizz. Ayaw kong mapalitan ang sayang ngayon ko lang naramdaman. 'Jake.. Maayos na tayo.. Please, huwag mo 'kong sasaktan uli..' Bulong ng isip ko. Una naming pinuntahan ang kusina. Wala si Jake doon. Sunod naming pinuntahan ang likod ng bahay kung saan ang swimming pool, wala siya roon. Sunod ay ang second floor. Pumasok kami sa mga kwarto doon at wala rin si Jake doon. Hanggang sa makarating kami ng third floor gamit ang hagdan at inisa-isa naming tinignan ang mga kwarto doon at sa muli, wala pa ring Jake doon. Isa na lang ang hindi namin napupuntahan. "Sa rooftop tayo, mi.." Ako na ang nagsuhestyon sa hinahapo ng si Amierizz. "Langyang Jake 'yan! Pagod na pagod ako, ah! At kapag ganitong pagod ako ay nagpapalipad ako ng mga lalaking manloloko!" Bubulong-bulong na sambit ni Amierizz. Ayaw ko na lang siyang gatungan. Nanahimik ako. Pinakikiramdaman ko na rin ang sarili ko. At sa loob-loob ay pinapanalangin na sana'y magisa lang si Jake na mararatnan namin. At laking pasalamat ko nang makitang naroon nga si Jake at magisang humihithit ng sigarilyo. Naramdaman naman yata niyang may ibang tao kaya kaagad niya kaming nilingon. Napatayo pa siya pagkakita sa amin ni Amierizz. "O! Nandito lang naman pala 'tong si Jake Xander, eh, Tarah. 'Ku! Akala namin ay may kasama ka pang linta dito. O, sige na at iwan ko na kayo," ani Amierizz at hinarap ako. "Tawagan mo 'ko agad kapag may nangyaring kakaiba, ha? Nasa baba lang ako, okay?" Bulong niya sa tenga ko. "Alis na ako. Babu!" At saka na nga siya umalis at iniwanan kaming dalawa ni Jake. Nakasunod pa ang paningin ko hanggang sa makalabas na siya ng pinto. "Come here." Ani Jake kaya't napalingon na ako sa kanya. Napapalunok naman akong lumapit at naupo sa katabing upuan niya. Mahabang katahimikan ang namagitan sa 'min. "I don't like party's. It's kinda boring." Maya-maya'y sambit niya. "I'm sorry I did not come back. Hindi kita nakuhanan ng drinks na gusto mo," sabi niya sa mahinahong boses. Nasa malayo ang tingin niya at patuloy pa rin sa paghithit ng vape na inakala ko pang sigarilyo. "O-Okay lang. Hindi naman ako nauuhaw, eh." Umiwas naman ako sa usok no'n dahil alam kong bawal iyon sa mga buntis. Pero, ayaw ko namang ipahalata na umiiwas ako. Iwinawasiwas ko lang ang usok sa hangin. "What brought you here?" Maya-maya'y tanong niya. "Bigla ka kasing nawala, eh. Kaya nagpasama ako kay Amierizz para puntahan ka dito." Hindi siya sumagot. Kaya katahimikan uli ang namagitan sa amin. Maging ako ay wala akong maisip na pwedeng i-topic. Hindi talaga ako palakwento at madaldal kagaya ni Mommy Vic at Amierizz. Maging si Jake ay tahimik na din ngayon hindi kagaya noon na halos hindi napapagod kasasalita.. Nakakamiss lang 'yong noon. Pero, masaya na ako ngayon. 'Eto 'yong reyalidad. Maya-maya'y tumayo na siya at saka nilapitan ako. "Dance with me," anya na ikinalukso ng puso ko. Inilahad pa niya sa harapan ko ang kamay niya at agad ko na ring inabot iyon. Inalalayan niya akong tumayo at inakay sa gitna ng rooftop. Saka niya ako hinapit sa beywang. Inilagay ko naman sa balikat niya ang magkabila kong kamay. Para akong hihimatayin habang dahan-dahan kaming sumasayaw at sumasabay sa tugtog na nagmumula sa malakas na tugtugin sa ibaba. Titig na titig siya sa akin na halos hindi iyon mapuknat. Hindi ko alam kung anong nakikita niya sa mukha ko. Pero, maya-maya lamang ay bigla akong napatili nang may humila sa buhok ko at inilayo kay Jake na bigla ring nagulat. "How dare you, b***h!" Nang mapaharap ako dito ay kitang-kita ko ang pagka-miserable ng hitsura ni Honey Kate..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD