"AHHHHHH!!" Malakas kong sigaw habang nakapikit pa at hawak-hawak ang ulo kong nasaktan.
"Hey? Attarah??"
Naiangat kong bigla ang ulo ko at napatingala sa harapan ko. "J-Jake.." Banggit ko sa pangalan niya habang nakatulala sa kanya.
"What's wrong with you? Why are you yelling?"
"H-Ha?" Biglang nangunot ang noo ko at naibaba ko pa ang mga kamay na nakapatong sa ulo ko. "Y-Yelling?"
"Yes! Sumisigaw ka. Why? I was just asking you to dance with me but you act like that? What happened to you?"
Napakurap-kurap pa ako ng mga mata at muling mariing tinitigan si Jake Xander.
Titig na titig din siya sa akin habang hindi na maipinta ang hitsura niya.
'A-Anong nangyari sa 'kin kanina? At...nasaan na si Honey Kate?'
Am I just hallucinating??
Nagpalinga-linga ako upang siguruhing mali ang mga nakita't naramdaman ko kanina. At, nagtataka ako dahil wala naman akong nakikitang ibang tao dahil kaming dalawa lang ni Jake ang naroon.
Wala ni anino ni Honey Kate sa paligid.
Naipilig ko ang ulo at napapayuko akong idiniin ang pagkakapikit ng mga mata.
Kung nagha-hallucinate lang ako...eh, bakit tila totoo ang mga iyon? Kasi, parang nararamdaman ko pa rin 'yong sakit ng pagkakasabunot ni Honey Kate sa buhok ko.
"Attarah? I asking you." Dinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Jake at ang malakas niyang pagbuga. "What's wrong??" Hinawakan pa niya ako sa balikat at niyugyog ng marahan.
Napapalunok tuloy akong iniangat muli ang paningin sa kanya. "W-Wala, Jake... S-Sumasamâ lang kasi ang pakiramdam ko." Alibi ko, hindi ko kasi alam kung papaano kong ipaliliwanag ang mga nakita ko sa isipan ko.
Nagulat na lang ako ng marahas niyang tinanggal ang mga palad na nakapatong sa balikat ko at saka napapabuntong-hiningang ipinasok na lang iyon sa bulsa ng pantalon.
Wala na ring reaction ang mukha niya habang nasa malayo na ang paningin.
Sigurado akong napahiya ko siya sa hindi ko pagtanggap ng alok niyang pagsayaw kanina. At maging sa nagawa ko. Baka isipin niya na nababaliw na ako. Kinakabahan tuloy ako sa maaari niyang gawin matapos nito.
Kung bakit ba naman kasi kung ano-ano na ang mga pumasok sa isipan ko. Pakiramdam ko din tuloy ay may problema na ang utak ko.
"Jake.." Tawag ko sa kanya ngunit hindi siya natinag sa tinitignan niya. Napalunok ako. "I-I'm sorry. M-May bigla din kasi akong naalala kanina, eh, at n-nalunod ako doon.. Napasigaw pa ako. Sorry.." Napapangiwi kong saad at mabilis naman niya akong binalingan ulit.
Nagpakawala pa siya ng malalim na buntong-hininga bago tumango. "It's okay," maiksi niyang tugon at saka muli ng tumingin sa kawalan. Maya-maya pa'y muli siyang nagsalita at sandali akong sinulyapan. "It's cold in here. You can go back inside and enjoy Mom's party." Mahina niyang sambit.
Umiling agad ako at tipid na ngumiti. "Ah..h-hindi na. Dito lang ako, Jake. Masarap kasi ang hangin dito, eh. 'Tsaka, di rin naman kasi ako nagi-enjoy doon. Ayos lang ako dito." Maagap kong sagot.
Pero, hindi na siya sumagot, ni kahit tumikhim man lang.
Wala akong magawa kundi ang manahimik na lang din.
Lumipas na ang oras ay hindi pa rin kami nagiimikan. Halos lamukin na nga kami sa tagal ng pananahimik niya. Nananatili lang siyang nakatayo at nakatingin sa malayo. Parang ang lalim-lalim ng iniisip niya at di ko iyon maarok-arok. Mukha ngang nakalimutan niya ng mayroon siyang kasama dito.
Tuloy, pinagsisisihan ko kung bakit nag-hallucinate ako kanina. Di sana'y sumasayaw na kaming dalawa ngayon sa gitna at magkayakap pa. 'Eto pa naman sana ang unang beses naming sumayaw.
Nanghihinayang talaga ako ng sobra.
Kung pwede nga lang na ako na mismo ang umalok sa kanyang sumayaw, eh, gagawin ko na..kaso...
Natatakot naman ako.
I mean, ayaw kong ako ang magalok sa kanyang sumayaw kami. Baka lalo lang siyang mainis sa 'kin at iwanan pa niya ako dito sa rooftop ng magisa.
Panaka-naka ko na lang kung sulyapan siya at pilit kong inaaninag ang mukha niya sa dilim. Nakatalikod na kasi siya sa ilaw kung kaya't hindi ko na iyon maaninag.
Pero, minsan pa'y natutulala ako sa kanya dahil kahit para lang siyang anino sa paningin ko ay gwapong-gwapo pa rin ako sa kanya.
"Stop staring at me, Attarah."
Nagulat ako at lihim akong napangiwi.
Kahit pala sa ibang direksyon ang paningin niya ay ramdam niyang nakatingin ako sa kanya.. "Sorry.." Nasabi ko na lang. Ngunit, hindi na ako nakatiis at tumayo na rin ako at saka mas lumapit sa kanya.
Parang gusto ko siyang yakapin mula sa likuran pero naduduwag ako.
Napansin naman niya ako pero parang balewala naman iyon sa kanya. Nakakalungkot.
Ginawa ko na lang ay ang tignan din ang lugar na kanina pa niyang tinitignan. Isa iyong bundok na puno ng ilaw ang paligid. Napakaganda sa mata ang mga kumukuti-kutitap na mga pailaw doon.
Habang nakatulala doon ay saka ko na lang din naalalang tanungin siya sa kung anong ginagawa niya sa sementeryo kaninang umaga.
"Jake.." Tawag-pansin ko sa kanya ngunit hindi siya matinag. "Jake.. Pwede ba akong magtanong sa'yo? If you don't mind me asking."
Lumingon naman siya sa 'kin at pumirme pa sa mukha ko ang tingin niya. "Go ahead." Walang gana niyang sabi.
"Ahm.. Kasi..gusto ko sanang itanong sa'yo kung.. a-anong ginagawa mo doon sa sementeryo kanina? I was just curious. May dinalaw ka rin ba doon? Kasi.. imposible namang nakita mo 'ko at sinundan mo 'ko doon, eh."
"I followed you."
Natigilan ako sa maagap niyang sagot. "Huh? S-Sinundan mo 'ko? B-Bakit?"
He took a deep breath again. "I was there at the salon when I saw you manage to escape mom."
"H-Ha? N-Nagpaalam naman ako kay Mang Ben, eh. Sinabi kong may pupuntahan ako." Mabilis kong sagot.
Pero, sa isang sulok ng utak ko ay nagtatanong kung anong ginagawa niya sa salon na iyon.
'Hindi kaya..dahil naroon din si Honey Kate nung mga oras na 'yon? At magkasama sila?'
'Pero, kung magkasama naman sila...bakit niya ako sinundan kung gano'n?'
Subalit, hindi ko na isinatig iyon.
"Jake, pwede ko bang malaman kung bakit mo ako sinundan doon?"
Matagal bago niya ako sinagot. "Do I really have to answer that question, Attarah?"
"Ahh..s-sorry.. Nevermind." Napapayuko kong sambit.
"Of course I have to follow you. You are my wife and that's the reason," mahina ngunit madiin niyang pagkakasambit. Tagos iyon hanggang sa kaluluwa ko.
Ang sarap-sarap marinig sa tuwing sinasabi niyang asawa niya ako.
Hindi na ako umimik at itinago na lang ang kaunting kilig na naramdaman ko sa simpleng sinabi niyang iyon. Simple pero napakalaki ng impact sa akin.
Sa muli naming pananahimik ay may isa pang bagay na pilit na bumabagabag sa isipan ko.. Isang bagay na gustong-gusto ko ng aminin sa kanya ng harapan.
At gusto ko ng samantalahin ang pagkakataong ito.
"Jake.." Kabado kong tawag-pansin uli sa kanya. Natatakot ako na baka makulitan na siya sa akin.
Natatakot din ako sa maaari niyang itugon sa sasabihin ko.
Pagkuway, bumaling naman agad siya sa akin. "Yes?"
"Ahm..a-ano kasi.." Kinakabahan na ako.
"May sasabihin ka ba, Attarah?" Ipinagkrus pa niya ang mga braso at humarap na ng tuluyan sa 'kin. "Say it."
Mas lalo akong kinabahan. Dinig ko pa ang dagundong ng dibdib ko.
"Ahm..k-kasi.."
"What?"
Napakagat na ako ng labi para pigilan ang panginginig noon. "J-Jake..k-kasi..kanina, n-nagpa-check up ako kasama si Mommy Vic.. At s-sabi nung doktor.. b-buntis daw ako." Utal-utal kong pagamin sa kanya. Nanginginig-nginig pa rin ang mga labi ko sa sobrang kaba.
Hindi ko inalis ang tingin sa kanya dahil gusto kong makita kung anuman ang magiging reaction niya.
Matagal niya akong tinitigan. Hanggang sa lumipat ang paningin niya sa tiyan ko.
"You're..pregnant?" Anya sa mahinang tanong.
Tumango-tango ako bilang tugon. "O-Oo, Jake. M-May nabuo nung mayroong mamagitan sa atin after nung reunion party." Malakas ng loob na saad ko.
"I knew it," anya.
Tila lumukso ang puso ko nung lumapit siya sa akin at marahan niyang hinaplos ang tiyan ko gamit ang dalawa niyang palad. Nabigla pa ako nung lumuhod pa siya at idinikit ang tenga niya sa parteng puson ko.
"I'm a dad now.."
"O-Oo, Jake.." Hindi ko na napigilang maging emosyonal. Bumuhos na ang mga luha ko dahil sa tuwa.
I really can't believe that was happening.
I really can't believe na tatanggapin niya ng gano'n kabilis ang magiging anak niya sa 'kin. Na inakala kong pahirapan pa para matanggap niya ito.
Maya-maya'y tumayo na siya at saka kinuha ang dalawang kamay ko. "I'll be a good father, I promise that," anya.
Muling bumuhos ng masagana ang mga luha ko.
At sa sobrang saya ko ay yumakap na ako sa kanya. Isinubsob ko pa ang mukha ko sa balikat niya at doon ipinagpatuloy ang pagiyak. Mas lalo pang humigpit ang yakap ko nung haplusin niya ang buhok ko ng kung ilang beses hanggang sa lumipat iyon sa likod ko. Hinaplos-haplos niya rin ako doon na nagpakalma ng pakiramdam ko.
"Thank you.. A-Akala ko hindi mo matatanggap ang baby natin.. Thank you, Jake.." Sambit ko habang patuloy pa rin sa pagluha ng mga mata ko.
"That's my baby.. My flesh and my blood.."
Parang ayaw ko ng matapos ang gabing iyon ngunit hindi ko kontrol ang pagikot ng mundo.
Kinakailangan na naming bumaba ng rooftop dahil masyado ng lumalamig ang simoy ng hangin. Ngunit, nananatili pa rin kaming magkayakap kung kaya't hindi ko ramdam ang lamig.
Nasa gano'n kaming sitwasyon nang biglang may tumikhim sa may kalayuan. Sabay pa kaming napalingon ni Jake sa kinaroroonan ng taong iyon. Subalit, hindi namin ito maaninag dahil nasa parte ito ng madilim na bahagi ng rooftop.
At hanggang sa lumabas na nga ito at doon namin nakilala kung sino ito.
"Am I disturbing you, guys?" Si Jaze.
Suminghal si Jake. "What do you think, bro?" Mahinahon namang tugon ng asawa ko.
Kakalas na sana ako sa pagkakahawak ni Jake ngunit mas hinawakan pa niya ako. Kaya naman, nananatili kaming magkayakap. Nakatalikod ako sa kanya at yakap niya ako sa likuran ko.
Nakangising itinaas ni Jaze ang dalawang kamay niya. "Look. I'm sorry. I didn't know na nandito kayo, okay? Gusto ko lang namang magpahangin. Masyadong magulo sa ibaba." Mahina pa siyang tumawa.
"Well, paalis na rin kami ng asawa ko. Enjoy your night here alone, brother," ani Jake at mahigpit na akong hinapit sa beywang. "Let's go home, sweetheart."
Walang lingon-likod akong hinila ni Jake papalayo sa kinaroroonan ni Jaze Vanxanter. Ni hindi na nga rin ako nakapagpaalam pa dito maging kay Mommy Vic.
Dahil sa kagustuhan ni Jake na sa bahay na namin ako umuwi ay pumayag na rin ako. Kahit pa sa kabila ng mga nangyari nung huli ay kinalimutan ko na. Gustong-gusto ko na kasi uling makasama siya lalo na ngayong maayos na kami at magkakaanak na rin kami.
Alam ko na kahit papaano ay magiging maayos na ang treatment niya sa 'kin. Hindi man ganoon ka-sweet at ka-bait nung una naming magkita atleast hindi na kasing-sama nung huli naming magsama.
Pagkauwi namin ay agad na kaming dumeretso ni Jake sa kwarto namin. And as my usual routine, ay dederetso ako sa banyo para maghilamos at kung anu-ano pa saka ako pupunta sa walk-in-closet pagkalabas para magbihis ng pambahay. I don't wear nighties or sleepwear kapag matutulog na. Blouse at shorts lang ang gamit kong pantulog.
At bago ako sumampa sa kama ay napasilip muna ako sa veranda ng kwarto namin dahil nakabukas iyon. Nakita kong naroon si Jake Xander at sumisimsim ng alak sa hawak na baso.
Hindi ko alam kung ano ang bumabagabag sa kanya dahil ramdam ko na sobrang lalim ng iniisip niya. Hindi rin naman niya magawang i-share sa akin. Ayaw ko din naman siyang tanungin.
Napapabuntong-hininga na lang akong humiga sa kama at saka ipinagpahinga ang mga mata. Inaantok na rin kasi ako dahil halos magaala-una na ng madaling araw.
Nakatulog na ako ngunit bigla akong nagising ng magaalas kwatro sa hindi ko malamang kadahilanan. Pagtingin ko sa kama ay wala doon si Jake. Nagtataka ako kaya bumangon ako at muling sinilip ang veranda pero nakasarado na iyon. Kaya naman ay lumabas ako sa kwarto at maingat akong bumaba ng hagdan. Sisindihan ko na sana ang ilaw pagkababa ko nang may maulinigan akong naguusap sa may balkonahe. Kaya't lumapit ako sa main door at nakita kong bahagya iyong nakabukas. Maingat kong binuksan iyon at bumulaga sa paningin ko ang dalawang bulto ng taong kasalukuyang magkayakap sa dilim at...
NAGHAHALIKAN!!
Bumugso ng matinding kirot ang dibdib ko sa nakikita. Dahil ang nakikita ko ay walang iba kundi sina Jake Xander at Honey Kate na ngayo'y patuloy pa rin sa kanilang ginagawa. Ni hindi nga nila halos pansin ang pagdating ko.
Muli na namang nadurog ang puso ko. At muli na namang nawasak ang mundo ko.
Napaluhod pa ako sa kinatatayuan ko dahil pinanghihina na ako ng nararamdaman ko.
Hindi ko na kaya ang sakit.
"Jake..." Humahagulhol kong banggit sa pangalan niya. Subalit, hindi pa rin nila ako napapansin. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang mainit at malapot na likidong umaagos sa may hita ko. Nahihintakutan akong napatingin doon at nakita kong dugo iyon. "Oh god! No! No!!! Jake!!!!" Malakas kong sigaw.
"Attarah??"
"Aaahhhh!!! Jake! A-Ang b-baby n-natin!" Histerikal kong saad.
Niyakap niya naman ako ng mahigpit ngunit patuloy pa rin ako sa pagwawala.
"Calm down, please! Your just dreaming, Attarah!"
Bigla akong natigilan. Dahan-dahan akong kumalas sa kanya at mataman ko siyang tinitigan sa mga mata.
"Nananaginip ka."
Nakatulala pa rin akong dahan-dahang tinignan ang pagitan ng mga hita ko at doo'y wala akong makitang dugo na umaagos.
"Panaginip..." Napahikbi akong muli sa kaalamang panaginip lang pala ang lahat ng iyon. "A-Akala ko...totoo.." Inangat ko ang paningin kay Jake na mataman ding nakatingin sa 'kin. Pupungas-pungas pa ang mga mata niya na noon ko lang napansin.
"Go back to your sleep, Attarah."
Tumango ako at mabilis na pinayapa ang sarili bago muling nahiga sa kama. Nagulat ako dahil sa pagkakataong iyon ay mas lumapit sa akin si Jake at niyakap ako mula sa likuran ko.
~~~~~
"STOP overthinking coz it cause so much stress to you. That's not good to the baby," ani Amierizz nang minsa'y dumalaw siya sa bahay. Nabanggit ko kasi sa kanya ang mga napanaginipan ko maging ang pagha-hallucinate ko lately.
Sinamantala din niyang kakaalis lang ni Jake Xander para pumasok naman sa opisina.
"Ewan ko ba kasi, mi.. Hindi ko kasi maiwasang mag-overthink, eh. Alam mo ba 'yong pakiramdam na, naninibago ka sa mga nangyayari? Na kung dati ay halos ipagtulakan ka niya papalayo..tapos biglang magiging okay na kayo? Minsan, iniisip ko na parang may mali.. Na baka ginagawa niya lang 'to dahil sa guilt or dahil nga sa magkakababy na kami. Kung nagkataon kaya na hindi ako buntis, iti-treat niya pa rin kaya ako ng katulad ngayon? Super bait at maalaga na kasi siya sa akin ngayon, eh," sabi ko habang nakapangalumbaba sa armrest ng inuupuan ko.
Matagal naman niya akong tinitigan habang nakabitin sa ere ang hawak niyang piraso ng piatos. "Hindi ba't pangarap mo 'to noon pa?" Tanong niya at tumango naman ako. "So, i-enjoy mo na lang 'tong pagkakataon na 'to. Kasi baka bukas umiba na naman ang ihip ng hangin at bumalik na naman sa pagiging siraulo 'yang asawa mo," sabi niya at agad na inihulog sa bibig ang chichiryang hawak.
Bigla naman akong kinabahan sa huli niyang sinabi.. Ang nakakainis dahil laging may pananakot sa mga pananalita ni Amierizz. Pero, totoong may posibilidad na mangyari iyon.
"Hindi naman siguro.. Wala naman akong nakikita or nararamdamang kakaiba sa ikinikilos niya this past few days. Nagtataka lang talaga ako kasi agad-agad na naging okay ang treatment niya sa 'kin. Pero, masaya na ako sa mga nangyayari ngayon, mi. Sobrang masaya ako ngayon." Nakangiti kong hinaplos ang tiyan ko at napatingin sa kawalan.
"Kung ikaw nga, nagtataka..paano pa ako? Kami? Tsk. Siguraduhin lang niyang asawa mo na seryoso na siya sa pagiging bait-baitan sa'yo ngayon dahil kung hindi...ako na mismo ang gagawa ng paraan para hindi na kayo uli magkita."
"Mi!" Saway ko sa kaseryusohan niya.
"Mark my word, Tarah.. Alam na alam mong ayaw na ayaw ko sa mga gago."
Malalim akong napabuntong-hininga.
"Anyways, ayaw naman kitang ma-stress, dear bestfriend. Banta ko lang naman 'yan sa asawa mo if ever na gaguhin ka ulit. Pero, sana di na mangyari 'yon. Gusto ko din naman kasi na sumaya ka, eh. At si Jake Alexander Smith lang ang makakagawa no'n." Ngumiti siya sa akin at itinaas pa sa ere ang wine glass na may lamang redwine. "Cheers to your happiness, Tarah!"
Napapailing akong nakipag-kalansing ng kopita ko na juice ang laman.
Hapon na halos nung umalis si Amierizz sa bahay. Marami pa kaming napagusapan pero puro na rin iyon tungkol sa boyfriend niya na napagalaman niyang may ka-fling-fling na iba.
At isang oras lang din mahigit nung umuwi si Jake galing opisina.
Agad ko siyang sinalubong sa maindoor at pagpasok niya ay inabutan ko kaagad siya ng halik sa pisngi. Subalit, dumaplis iyon nung umiwas siya. Natigilan ako at malulungkot na sana kung hindi niya lang isinara ang pinto at mabilis akong binuhat papaupo sa salas.
"Jake!" Pigil ko sa kanya dahil sa unti-unti na niyang kinakalas ang mga butones ng blouse ko.
"I want you," anya sa paos na boses habang kinikintilan ako ng malilit na halik sa leeg.
"Jake.. 'Wag dito.. Makikita tayo ni 'nay Coring." Tukoy ko sa stay in naming labandera na kaka-hire lang namin kahapon.
"Fine.. Sa kwarto tayo.." At saka niya ako muling binuhat at malalaki ang mga hakbang na binaybay paakyat sa ikalawang palapag ng bahay.
Pagkapasok namin sa kwarto ay wala pang isang minuto ay pareho na kaming walang saplot sa katawan. At, imbes na doon sa kama namin gawin ang balak niya ay hinila niya ako papasok sa banyo para doon gawin ang kagustuhan ng mga katawan namin.
But before we enter the bathroom, someone called up on his phone.
Pareho kaming napalingon ni Jake sa cellphone niyang nakapatong sa ibabaw ng kama. Napahinto pa siya sa paglalakad nung sunod-sunod iyong mag-ring.
Ngunit, mas nangibabaw ang tawag ng katawan niya kung kaya't inignora na lamang niya ang tawag na iyon na marahil napaka-importante sa kanya.