"JAKE??" Pinanlamigan ako ng matindi nang makita kong siya nga ang nakaupo sa driver seat! Hindi ko siya kaagad nakilala kanina dahil sa pagmamadali ko. Napalunok pa ako ng sunod-sunod at biglang nataranta ang kaluluwa ko! Subalit, hindi ako nagpahalatang nagulat pagkakita sa kanya. "Yeah, it's me. Surprise!" Napabuga ako! "Bakit ikaw ang sumundo sa 'kin? Nasaan si Rufo? 'Tsaka, sino ba 'yong lalaking 'yon?? Kinasabwat mo ba 'yon para mapilitan akong sumakay dito?? Am I right??" Walang-preno kong tanong. Dinig ko ang malutong niyang tawa. "Don't accuse me, sweetheart. Jesus! You're so silly! Hahaha! Why do I do that? And, uh..you have so many questions. I can't answer that right now. You see? I'm driving," aniya habang naka-focus kunwari ang paningin sa unahan. Kampanti pa siya habang

