MABUTI na lamang at dampi lang ang ginawang paghalik ni Jake dahil kung hindi ay baka kung saan na 'yon napunta! Tsk! Hindi ko pa naman malaman kung bakit tila nagkakarambulan ang mga laman-laman sa loob ng katawan ko sa simpleng pagdikit-dikit niya lang sa 'kin! "You're blushing, sweetheart.." Kantyaw niya pa! "Did you miss my kiss?" Napayuko ako para itago ang pamumula ko at saka bahagyang umiling-iling. "Wag mo ng uulitin 'yon, ah? Hindi ako handa," saad ko at nagumpisa na akong kumain. Dinig ko ang matunog niyang pag-ngisi at saka dahan-dahan na rin siyang naupo sa may harapan kong silya. "I just can't help it, Attarah.. I was just so happy and I can't control my feelings. I badly want to do it in everytime, in every minute. But still, I'll respect you. I will wait for you until

