Napapikit ako sandali, pilit kinakalma ang sarili ko. Hindi ako pwedeng magpatalo sa takot. Hindi ngayon. Kailangan ako nang anak ko, kailangan ko siyang protektahan. “Hindi tayo pwedeng matalo dito, Anton,” mahina pero matatag kong sabi. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil. “Hindi tayo matatalo,” sagot niya, pero ramdam ko pa rin na may bahagi sa kanya na nag-aalala nang mas malalim kaysa sa ipinapakita niya. Kinabukasan, mas maaga akong nagising kaysa karaniwan. Tahimik pa ang buong bahay, pero hindi nawala ang bigat sa dibdib ko. Parang may nakaambang mangyari anumang oras. Lumabas ako ng kwarto, maingat na hindi magising si Sebastian. Pagbukas ko ng pinto, agad kong napansin ang dalawang guard na nakapwesto sa hallway. “Ma’am, good morning,” bati nila sabay tayo nan

